Kakayanin : part 49

559 64 15
                                    

"I met Emmeth first dahil sa isang university kami nag aaral. Classmate ko din siya sa ilang subject. Alam mo ba, naging biktima din ako ng bullying" ngayon ay tinatanawanan nalang ni Mint ang nakaraan "that happened noong naging malapit kami ni Emmeth. We're not that really close, pero yung alam mong nandiyan lang siya whenever you needs him. Pinagtanggol niya ko sa mga babaeng yon. Yung may gusto kay Emmeth. Hindi na niya binanggit pa ang tungkol sa naging damdamin niya noon kay Emmeth  "I'm sick. Mahina ang puso ko kaya nag si-switch kami ni ate Max. Minsan, siya ang uma-attend sa class ko para lang hindi ako magka mark na absent. Mali yon alam namin, pero gusto ko kasing makatapos ng pag aaral in expense of ate Max. Siya ang tumigil sa pag aaral para suportahan ang ang aaral ko. She fully taken the responsibility na hindi ko na nasuklian pa that moment, tila may nakabara sa lalamunan niya. At parang gusto na namang tumulo ng luha niya. "Then, bumalik yung dating sakit ko. The reason why kung bakit nag hirap kami. May brain tumor ako dati, gumaling ako pero recently lang, bumalik yon. Nagpagamot ako sa ibang bansa sa tulong ni lolo na kailan lang namin nakilala. I came back noong may mangyari kay ate Max. May bumaril sa kaniya. Good thing, nahuli agad ang may kagagawan non. So as I stay, nalaman ko na mahal ni Emmeth si ate Max. May mga bagay na hindi ko pa masasabi sayo,  kung bakit siya umalis na naging dahilan ng pagkamatay niya"

"We can't control what was bound to happened. What happened to your sister is way more better than my experience. Mas masakit na unti unting kinukuha sayo ang taong mahal mo. Yung wala kang magawa"

"Siguro nga. Hay----ganoon talaga siguro ang buhay. May aalis----

"At may darating" dugtong ni Colbie sa sasabihin ni Mint.

"Ano plano mo?" iniba ni Mint ang usapan.

"Tungkol saan?" habang nakatitig si Colbie sa mukha ni Mint.

"Ngayong wala na yung girlfriend mo, hindi ka ba nagbabalak na magka girlfriend ulit"

"I don't know. Kinikilala ko pa kasi siya saka baka mabigla siya kung sasabihin ko ang nararamdaman ko" Pagtatapat ni Colbie.

"Sabagay. Kailan lang nawala ang girlfriend mo. Baka isipin niya na rebound lang siya" ani Mint.

"It's more than that. Pero hindi ko na muna sasabihin sa kaniya ngayon. Siguro, I'll get to know her more muna, and ganon din siya sakin. Ayaw kong magduda siya"

Ngumiti si Mint "Edi Goodluck"

"Thanks" Ang makahulugang ngiti ni Colbie.

-

Hindi alam ni Mint kung ano talaga ang pakay ni Colbie sa buhay niya. Namatay ang girlfriend niya, ang puso nito ay nasa kaniya. Nag invest siya sa company ng lolo niya. And now, hindi naman sa nag iisip siya ng something negative, pero pakiramdam niya, gusto nitong malapit sa kaniya. At hindi siya manhid ng i-kwento nito ang tungkol sa babaeng sinasabi niya. Sila lang naman ang madalas na magkasama, unless, may iba pa itong kinakatagpo after work.

Hindi din mawaglit sa isipan niya ang naging pag uusap nila ni Emmeth.

Maybe he's trying to get close to you because you're the new owner of his girlfriend's heart and not because he really likes you. As a friend or more than that. Think of it Mint. He invested on lolo Fredo's company, then befriended you.

"Hi" malapit ng mag lunch ng lumapit si Colbie.

"Hi" matipid na bati ni Mint habang inaayos ang mga gamit niya.

"Ahm lunch?" Ani Colbie.

"Sige" pagpayag ni Mint. Once and for all, gusto niyang malaman kung ano talaga ang pakay sa kaniya ni Colbie. Baka kasi kung kailan huli na,saka niya pa malalaman. Ang ending, masasaktan lang siya. Aasa...na naman.

Sa isang resto sila pumunta na malapit lang sa office nila para makabalik sila anytime.

After ma I-serve ang pagkain nila ay huminga ng malalim si Mint saka nagsalita.

"Colbie"

Nag angat ng paningin si Colbie ng tawagin siya ni Mint. At sa itsura ng dalaga,  sigurado siyang importante ang sasabihin nito.

"May sasabihin ka" ibinaba ni Colbie ang hawak na kutsara at itinuon ang atensyon kay Mint.

"May itatanong lang sana ko----and please, be honest" pauna ni Mint.

Ramdam na ni Colbie kung ano ang gusto nitong malaman. Pero handa na siya.

"Go ahead" ani Colbie.

"Ano talaga ang pakay mo?" Diretsang tanong ni Mint.

"Pakay? Anong pakay?" sa tanong ni Mint ay medyo naguluhan si Colbie.

"Yung pag invest mo sa company ni lolo, yung pakikipag kaibigan mo----ginagawa mo ba yon dahil nasa akin ang puso ng babaeng mahal mo?"

"Of course not Mint. Walang kinalaman pa si apple sa pakikipag lapit ko sayo" Pag amin ni Colbie.

"Then why? Bakit all of sudden naisipan mong makipag kaibigan sakin. If you'll say na interesado ka sakin, that's impossible"

"Why not? May masama ba if ever na yon nga ang dahilan-----

"Yes. Kakamatay lang ng girlfriend mo. Don't you think it's too early para mabaling agad sakin ang atensyon mo"

"Hindi ba ko pwedeng maging masaya?" Natigilan si Mint sa tanong ni Colbie "Yes. Nandoon na ko. She just died. Pero anong magagawa ko kung ito ang nararamdaman ko. From the very first day na nasa tabi ako ni Apple, wala akong ibang naramdaman kundi lungkot at takot. I forgot myself. I forgot everything. I forgot to live. Nakalimutan kong buhay pa pala ako. And when she told me na iiwan niya na ako, na hiling niyang maging masaya ako. I began to accept the reality. Na hindi ko na talaga siya makakasama pa habang buhay. And when she died, kasama niyang namatay ang puso ko. But that very moment that I saw you face to face, that I got a chance to hold your hand, para akong na buhay muli. It's unbelievable, oo. Pero you've made my heart beat again. Mabilis kung mabilis ang mga nangyari. But that's the truth so I won't lie to you. Gusto ko lang maging masaya. But if you're seeing or thinking that I'm just using you to forget her, I'm sorry" tumayo na ito at tahimik na lumabas.

Naiwan si Mint na nakatulala at tila nagsisisi sa mga nasabi niya.

Nagkamali ba ako ng nasabi kay Colbie...

She's still there and staring at that door where Colbie exited.

To be continued...

We don't wanna hurt someone ...but sometimes we do...unintentionally

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon