Kakayanin : part 73

519 60 9
                                    


"Mint, si Max?"

"Nasa dalampasigan. Magpapa hangin daw muna siya. Sunduin ko nalang mamaya bago matulog" tugon ni Mint kay Emmeth.

"Puntahan ko lang siya. Wag mo nang sunduin, sabay nalang kami babalik mamaya"

"Sige. Ahm Emmeth" pagpigil ni Mint.

"Bakit?"

"Ikaw na bahala sa kaniya" bilin ni Mint.

Isang matamis na ngiti ang naging sagot ni Emmeth kay Mint.

Habang naglalakad patungo sa dalampasigan ay nag iisip si Emmeth kung paano kakausapin si Max. He missed her so badly but those times of being apart, alam niyang hindi magiging ganoon kadali ang lahat, like they're starting again. But never mind, what important is there is a chance.

"Ahem" napalingon si Max sa pinanggalingan ng boses na yon. Gaano na ba katagal since huli niyang narinig ang tinig ni Emmeth. And she won't deny, she missed it. She missed him. Noong nag desisyon siyang lumayo, she thought that it's over. That everything comes to an end. Pero nagkamali siya, dahil heto, nakabalik siya sa piling ng kapatid niya. Kasama niya muli ang lalaking may puwang parin sa puso niya. Ang kaibahan nga lang, hindi niya ito nakikita.

"Emmeth" mahinang sambit ni Max sa pangalan ng binata.

"Can I----sit beside you?" Alanganing tanong ni Emmeth.

"Okay lang" Max said with a little smile.

"Kamusta ka?" Habang nakatitig si Emmeth sa muka ng dalaga. She's blind, but nothings changed. She's still beautiful as she was before.

And even more beautiful now...

"Okay lang. Masaya----dahil kasama ko na ulit ang kakambal ko" Emmeth wanted to hear more or asked for more but he refrained himself. He'll wait for the right time.

"What happened? Noong umalis ka----yung bus? Paano ka nakaligtas?" Ang mga tanong nila noon na gusto niyang magkaroon ng kasagutan.

"Siguro hindi ko pa talaga oras mawala. That day, parang may kakaiba akong naramdaman habang nakasakay ako sa bus. Nasa pinakadulo ako nakaupo ng may sumakay na isang babae at dalawang lalaki. Doon naupo sa tabi ko yung babae. Tapos yung dalawang lalaki nakatayo sa may bandang unahan. Iba na yung nararamdaman ko non. Tapos nag labas na ng baril yung isa sa kanila at sinabing holdup yon. Yung babaeng katabi ko, hinablot ang kwintas ko. Pati ang bag na dala ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tumalon ako sa bintana after umalis ng babae sa tabi ko. Pagtayo ko, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Biglang sumabog yung bus. May tumama sa mga mata ko, after non, hindi ko na alam ang nangyari. Nagising nalang ako na wala na akong makita. Sina nanay Panying at King ang tumulong sakin. Nakita daw nila ako sa isang bakanteng lote, may mga sugat daw ako sa katawan, pero ang pinakamalala ay yung mata ko. May mga bubog na tumama sa mismong mata ko dahilan para mawalan ako ng paningin. Ipinagamot nila ko hanggang sa gumaling ako. Nag sinungaling ako sa totoong pagkatao ko. Alam kong mali pero kasalanan ko naman kung bakit nangyari sakin yon. Na karma agad ako sa pag talikod ko sa kapatid ko. Sa pag talikod ko sa mga problema. Akala ko kasi kaya ko ang lahat. Pero mali ako. Duwag ako Emmeth. Takot akong makasakit at hanggat maaari, umiiwas ako o lumalayo ako, dahil takot din akong masaktan. Akala ko kasi once na ginawa ko yon, magiging okay ang lahat. Na makakapag simula ako kahit malayo ako. Si Mint, inisip ko na magiging okay siya kung wala ako. Na magiging masaya siya sayo. Pero hindi ganon ang nangyari. Ngayon, heto ako. Nakabalik ako sa piling ng kapatid ko. Hindi ko alam kung paano muli magsisimula. Kung saan ako magsisimula. Idagdag pa na bulag na ko. May silbi pa bang nakabalik ako?" Sinubukang pigilan ni Max ang pagpatak ng mga luha niya pero hindi niya na nagawa. Mahirap pala pag marami kang itinatago sa puso mo.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon