Kakayanin : part 56

720 78 38
                                    


"Na sa kabila ng lahat ng pagsisinungaling ko sayo, ito lang ang totoo. Minahal kita"

Natigilan si Mint sa mga rebelsayon ni Colbie pero mas hindi niya inasahan ang huling sinabi nito.

"Yout silence means no right. Naiintindihan ko Mint don't worry----siguro

"No. No, what I mean is, nabigla lang ako"

"Hindi ka ba galit sakin?" May pag aalalang tanong ni Colbie.

"Yung totoo. Dapat galit ako sayo di ba. Na masuklam ako sa mga panloloko mo. Naaalala mo yung sinabi ko sayo sa beach. Lahat tayo nagkakamali, at depende nalang sa atin kung paano natin yon itatama. Nagkamali ka, pero itinama mo yon. Inamin mo sa akin ang lahat. Alam ko mahirap yon para sayo. Hindi madaling aminin ang isang kasinungalingan o pagkakamali. Mas magagalit ako kung patuloy mo yong itinago at sa iba ko pa malaman. Huwag kang mag alala Colbie, you're already forgiven. Ayaw ko ding magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Mahirap mabuhay ng tahimik kapag may dinadala ka sa puso mo. At itong puso na to" sabay turo niya sa tapat ng puso niya "nasaktan ka man ng may ari nito noon, patatawarin ka naman ng may ari nito ngayon" nakangiting sambit ni Mint.

Napangiti si Colbie sa naging pahayag ni Mint. Hindi siya nagkamali, mabuting tao talaga si Mint. At hindi siya nagsisisi na sinabi niya ang lahat dito. Mas malaking pagkakamali ang magagawa niya kung itinuloy niya ang plano niya. Masasaktan niya ito. Masasaktan niya ang babaeng natutunan niyang mahalin. Galit ang naging dahilan nang pakikipag lapit niya dito. Pero hindi niya inakalang ang galit na yon ay mapapalitan ng isang pagmamahal. Para siyang pinaglaruan ng tadhana. Pero nagpapa salamat siya dahil don. Natagpuan niya ang isang babaeng mamahalin at sisiguraduhin niyang hindi niya hahayaan pang mawala.

Minahal niya noon si Apple, at mas hihigitan niya ang pagmamahal na yon para kay Mint.

"So hindi ka talaga galit?" pangungulit ni Colbie.

"Galit parin" ani Mint pero pinigilan niya ang matawa. Nag alala naman si Colbie.

"Tell me what to do para mawala ang galit mo sakin" ani Colbie na halata sa muka ang pangamba.

"Ahm ice cream" then she smiled. Na nagpangiti muli kay Colbie. This woman is rare. He found his diamond. And he'll keep her forever.

"Kahit ice cream factory bibilin ko para sayo"

"Cup lang okay nako. Basta araw araw ha" bilin ni Mint.

"Copy ma'am " sumaludo pa si Colbie sa dalaga. "Bye the way, I'm Collin Jerbie. Colbie for short" sabay lahat nito ng kamay.

"Nice to meet you Collin Jerbie...aka Colbie" Pag tanggap ni Mint sa nakalahad nitong kamay.

"Ahm Mint"

"Oh meron ka pang hindi na ipagtatapat" ani Mint.

"Tungkol sa sinabi ko----yung sinabi kong mahal kita"

"Ahhhhh yon ba. Tingnan natin" sagot nito.

"You mean----

"Wait. Hindi pa kita sinasagot. Ang sabi ko tingnan natin, kung hanggang saan ka tatagal" paghahamon ni Mint sa binata.

"Don't worry. Hindi ako susuko" yumuko pa ito na parang isang alipin.

"Nga pala. Since alam ko na ikaw ang nagpapadala ng mga bulaklak, ano ang ibig sabihin ng N.M?"

Saka lang naaalala ni Colbie ang tungkol don kung hindi pa binanggit ni Mint.

"N.M----stands for Night Mare. Dapat maghihiganti ako sayo di ba, pero nagbago ang lahat. You've made me realize na mali ang gagawin ko that night sa beach. If ginawa ko yon sigurado akong pagsisisihan ko yon sa mga darating na panahon. Mabuti nalang at hindi nangyari. Kung hindi, mawawala ka sakin"

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon