Kakayanin : part 76

514 51 4
                                    


Liz

May isang oras na akong nakaupo lang sa may ksuina habang patuloy na naglalaro sa isip ko ang nakita ko kanina. Ang paglabas ni Emmeth mula sa kwarto ni Max. He looks so happy. He didn't even notice me standing just few steps away from him. At pagdaan ko sa kwartong inookupa nina Mint at Max ay dinig ko ang tawa ng mga ito. Kumuyom ang mga palad ko.

Hindi mag tatagal lahat ng kasiyahang meron kayo.

-

Emmeth

I was lying in my bed fully awake at a time of two am. No matter how I tried to sleep, I can't. I keep on changing position time to time and get tired of it. I seated and rested my head on the headboard. My mind was occupied by Max. I don't care if I'll get sleepless nights because of her. It's her that matters to me most. And this day was the happiest day of my entire life. I love her and now I've heard those words I'm dying to hear long time ago. She loves me. I'm a guy, it's crazy but I've felt giddy. Now, I  don't have to imagine, her saying those words to me coz that already happened, I've already heard it, and there's an unexplainable feeling. Someone said that when you already found your true love, you'll go crazy. Smile like an idiot, feeling full though you haven't eaten anything, everything seems wonderful though everything around you felt toxic, like a breath of fresh air that you embrace tightly, it's love that can make a person happier and crazier. And it's happening to me. It's happening and I'm happy.

I was smiling from each to ear as I recall that moment she told me that she loves me too. I'd been wanted to kiss her endlessly but I didn't do it. I will respect her and wait for the right time that she fully trusted me. Love wasn't enough without trust. And I'm willing to earn that the right way.

-

Mint

Tulog pa si ate Max pag gising ko. Naramdaman kong hindi kaagad ito nakatulog nang nagdaang gabi at naiintindihan ko. Maaaring hinahanap nito ang kaniyang nakasanayang pansamantalang pamilya. Masaya ako ngayong kasama ko na siya. Pero hindi ko maiwasan ang maawa dito. Ang pinagdaanan nito na sigurado akong hinding naging ganoong kadali. At higit sa lahat, ang pagiging bulag nito. Pero ngayon, alam kong matutulungan ko siya. May pera na kaming magagamit para maipagamot siya. Hahanap lang kami ng eye donor at pwede na siyang maoperahan. At kapag okay na siya----ang pag ang aral naman nito ang aasikasuhin namin.

Alam kong hindi ko matatapatan ang lahat ng sakripisyo niya noon sakin pero gagawin ko ang lahat para maranasan niya din ang maayos na buhay.

Naupo ako at malayang pinagmasdan ang muka ng kakambal ko. Medyo nangitim ito, dala marahil ng paninirahan niya sa tabing dagat.

Ilang minuto lang ay gumalaw ito kasabay ng pagmulat ng mga mata nito.

"Mint" pagtawag agad nito sa pangalan ko.

"Good morning sa napakaganda kong ate" muli akong nahiga at yumakap dito

"Good morning kambal. Kanina ka pa ba gising?" Tumagilid ito at yumakap din sa akin.

"Medyo lang. Kamusta tulog mo?"

"Okay lang. Medyo namamahay pero nakatulog din naman ako"

"Anong gusto mong breakfast?. Ipagluluto kita" Ngumiti si ate Max ng nakakaloko.

"Ikaw? Magluluto? Marunong ka na?" Alam kong inaasar niya ko dahil sa aming dalawa, ako ang hindi marunong sa kusina. May alam man ako, puro mga lutong prito o mag saing lang.

"Oo naman no. Nag aral ako after kong maka graduate. Kaya---ipagluluto kita ng napakasarap na breakfast" sumilay ang isang napakagandang ngiti nito.

"Hmm let's go. Para makakain na tayo. Sarapan mo ha" paninigurado pa nito.

"Promise---pag natikman mo ang luto ko, makakalimutan mo si Emmeth" panunukso ko.

"Ay grabe naman. Wag ganon"

"Joke lang. Tara na sa baba"

-

Emmeth

Malayo layo pa ako sa kusina ay dinig ko na ang masayang kwentuhan ng kambal. I don't have enough sleep pero feeling energized parin ako. I guess, that's what love can do. Maaga parin akong nagising hoping na si Max agad ang unang makita ko. And mukang tama siya.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita kong nagluluto si Mint habang marahang naglalagay ng mga plato si Max sa lamesa. Mabilis kong nilapitan si Max para kuhanin ang mga hawak nito.

"Ako na" sabi ko na medyo ikinagulat pa nito.

"Okay lang. Kaya ko naman to" pagtanggi nito.

"Maupo ka nalang. Hayaan mo nako----please" pakiusap ko.

"Sige na ate Max. Pag bigyan mo na----baka umiyak pa eh" pang aasar ni Mint.

"Kaya ko naman kasi. At saka huwag mong iparamdam sakin na bulag ako. Hindi ko gusto" Medyo nag iba ang tinig ni Max na ikinabahala ko.

"Ahm Emmeth. Pakitingnan mo sandali yung niluluto ko, mag cr lang ako" paalam ni Mint pero tiningnan niya ako ng makahulugan.

At nakuha ko ang ibig nitong sabihin.

Inilagay ko sa low heat ang stove para hindi masunog ang niluluto ni Mint saka ko nilapitan si Max na alam kong mali ang pagkaka intindi sa sinabi ko.

Naupo ako sa tabi nito saka kinuha ang mga kamay nitong nakapatong sa mga hita niya.

"Sorry. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang kasi na ako ang gumawa non. Gusto kong pagsilbihan ka. Sorry kung iba ang naging dating non sayo" paghingi ko ng tawad.

"Okay lang----sorry din. Naging sensitive lang ako. Ayaw ko lang talaga kasing iparamdam sakin na may kakulangan ako. Gusto ko paring normal ang turing niyo sakin dahil kaya ko naman" sagot nito na medyo nakabawas sa kabang nararamdaman ko. Ang magalit siya ang pinaka ayaw kong mangyari.

"Hindi ka na galit" Hindi ko alam pero parang naglalambing ang paraan ng pakikipag usap ko kay Max dahil napangiti ito.

"Hindi naman ako galit. Gusto ko lang maintindihan-----Emmeth!" Biglang tayo nito sa upuan.

Kinabahan ako sa naging aksyon nito "Bakit Max?"

"Wala kang naaamoy" sabi nito.

"Amoy sunog" Ang bungad ni Mint na nag mamadaling nilapitan ang nakasalang sa stove.

"Patay" Ang nasambit ko.

"Yan kasi" natatawang sambit ni Max na kalaunay sinabayan na din ni Mint. The food went to nothing pero masaya parin kaming nag tawanan.

"Forget it Mint. Sa labas tayo kakain" suggestion ko.

"Huh? Eh promise ko yon kay ate" ani Mint.

"Okay lang Mint. Marami pa namang chance" sabi ni Max.

"Okay then----gisingin ko na yung mga kasama natin tapos---mamili nadin tayo sa palengke ng iluluto mamayang gabi" muling suggestion ko.

"Good idea. Ligpitin ko lang to then bihis na kami" saka mabilis na sinamsam ni Mint lahat ng pinag gamitan nito.

"Tulungan na kita" saka lumapit si Max sa sink at nagsimulang hugasan ang mga pinaglutuan nila.

Napangiti ako sa simpleng tagpong yon.

I knew it...she'll be a good wife.

To be continued...




Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon