Kakayanin : part 25

821 59 141
                                    


Fast forward...

Ang utos ni lolo ni Max, mag ayos siya at mag dress for formality. Na hindi niya sinunod. Dinner ang napag usapan at magkikita sila at ang lalaking naka set na mapangasawa niya....if pumayag na siya.

Gusto niya  munang makilala ang taong yon bago man lang siya tuluyang pumayag sa kasunduan. Kapalit nang pagpapagamot sa kambal niya.

Black jeans, fitted white shirt, black cup and white shoes. Malayo sa get up na gusto ng lolo niya.

Sa isang mamahalin na resto ang meeting place. Gusto sana siyang sunduin ng lolo niya pero hindi siya pumayag. Nag taxi na lamang siya ng pumunta siya sa nasabing lugar.

"Ate, saan ka pupunta?" tanong ni Mint nang makita nitong nagbihis siya.

"Diyan lang. May kikitain lang na kaibigan" casual na sagot ko. Isa na namang kasinungalingan.

"Gabi na ah. Di ba may trabaho ka sa massage parlor" Pag uusisa nito.

"Meron nga pero nagpaalam muna ko. Bukas ako papasok sa trabaho" muli ay casual na sagot ko. Paraan para itago ang ka bang nararamdaman ko sa paghaharap namin ng pamilya ng lalaking magiging asawa ko kung sakali.

"Ganon ba. O sige, mag ingat ka. Aantayin kita ha"

"Huwag na. Baka gabihin ako. At bawal sa iyo ang mapuyat hindi ba. Makakasama pa sa yo. Kaya mauna ka na matulog ha"

Ang huling pag uusap nila ni Mint.

-

Sinalubong si Max ng lolo Fredo niya sa entrance ng naturang resto after nilang mag usap sa phone. Sinigurado ng lolo ni Max na makakarating siya sa nasabing usapan.

"Good thing nakarating ka. Come on, they're all waiting" sabi ni lolo Fredo kay Max.

Hindi na tumugon pa si Max sa sinabi ng lolo nito at sumunod nalang dito papunta sa isang table na may mga nakaupo na. .

And base sa mga pananamit nito, galing ang mga ito sa prominenteng pamilya. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pag kilos ng mga ito at pananalita. Iyon ang observation ni Max ng makalapit na sila sa mga ito.

"Everyone, meet my granddaughter. Maxilane" pakilala nito kay Max.

"Maxilane, this are my friends, Greg Brakely, his son Mr. Kenneth, his wife, Cynthia" nakipag kamay naman dito si Max tanda ng pag galang.

Pero nang makita niyang mabuti ang muka ng babaeng nagngangalang Cynthia, parang nakita niya na ito somewhere.

Brakely?

Saan ko nga ba nadinig ang surname na yon? ...tanong ni Max sa isip niya.

"Nice to finally meet you iha" sabi ni Mr. Greg na pumutol sa iniisip niya.

"Your lolo was right, you're pretty" sabi ni Cynthia.

"Take a sit iha"  utos naman ni Mr. Kenneth.

Sabay naupo si Max at ang lolo nito.

And ang ipinagtataka ni Max, bakit sila lang. Nasaan ang lalaking sinasabi ng lolo niya.

"I know you're wondering. He's coming. Medyo ma le-late lang" Tila nabasa ng lolo ni Max ang tanong sa isip niya.

"Let's eat. He'll come in a short while" sabi ni Mr. Kenneth.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon