Kakayanin : part 70

510 54 6
                                    


Pag uwi ni Liz ng rest house ay nakita agad ito ng mga babae na nasa sala.

"Uy Liz, ano yang dala mo?" si Vien.

"Ah souvenirs. Binili ko" sagot ni Liz.

"Talaga? Patingin naman, pag maganda bibili din kami" ani Katelyn.

Hindi pwede " Huwag na. Marami tong binili ko. Kuha nalang kayo"

Iniabot ni Liz ang plastic na kinalalagyan ng souvenirs sa mga babae.

"Wow ang ganda. Saan mo binili?" Muling tanong ni Katelyn.

"Diyan lang. Pero ubos na kasi binili ko lahat kaya hindi daw muna siya magtitinda" Ang pilit na pag iwas ni Liz na sagutin ang tanong ni Katelyn.

"Ganon ba. O sige, kuha nalang kami kahit tig ilan, bayaran nalang namin" Si Cheska.

"Huwag na. Kumuha nalang kayo. Marami naman yan. Aakyat muna sandali" paalam ni Liz.

"Ang ganda no" habang isa isang tinitingnan nina Cheska.

"Gusto kong bumili din ng marami. Pasalubong" ani Vien.

"Mamaya pagbaba ni Liz tanungin natin. Pagawa tayo ng marami" ani Katelyn.

"Eh hanggang bukas nalang tayo maghapon di ba. Paano yon?" Ani Cheska.

"Edi extend kahit isang araw pa. Minsan lang naman to" ani Vien.

"Tama ka. Extend pa tayo kahit isang araw. Kabitin yung three days" Pag sang-ayon ni Katelyn.

"Ano yan guys?" Si Mint na galing sa kusina. Siya ang nagprisintang magluto pero tinulungan siya ni manang Ema at Colbie. Naroon din si Ara. Ang dalagitang apo ni manang Ema.

"Mint tingnan mo. Ang gaganda. Bili tayo" Iniabot ni Vien kay Mint ang isa sa mga handmade bracelet na gawa sa mga maliliit na sea shell.

Nang mahawakan ito ni Mint ay biglang nag iba ang pakiramdam niya. Tumibok ng napaka lakas ang puso niya sa hindi niya maintindihang dahilan.

"Saan galing to?" napansin ng mga babae na parang nag iba ang aura ni Mint. Sobrang seryoso. Ni walang ka ngiti ngiti habang hawak ng mahigpit ang bracelet.

"Binili ni Liz. Tinatanong namin kung saan niya binili pero hindi sinabi. Basta ang sagot niya diyan lang" ani Vien.

"Sabi ko gusto namin bumili pero huwag na daw kasi ubos na. Saka marami naman daw yan kaya kumuha nalang daw kami" dagdag ni Cheska.

"Mint, what's wrong?" napuna agad ni Colbie na parang iba ang tono ng pagtatanong ni Mint sa mga kaibigan nito kaya mabilis niya itong nilapitan.

"Colbie, alam mo ba kung saan nabibili to" sabay pakita ni Mint ng bracelet na hawak niya.

"Hindi. Bakit?" tanong ni Colbie pabalik.

"Basta---iba ang kutob ko" ani Mint.

"May problema ba mga anak" tanong ni manang Ema.

"Manang, saan daw nabibili to" tanong ni Colbie. 

"Eh ang alam ko medyo malayo dito ang nagtitinda niyan. Pero ako eh hindi pa napunta don kahit minsan at medyo matanda na ako. Hirap na mag lakad" sagot ni manang.

Maya maya ay lumapit si Ara kay Mint at muli ay pinakatitigan.

Na ipinagtataka ng lahat.

"Bakit ganiyan mo titigan si Mint Ara?" tanong ni Colbie.

Maya maya ay parang nag liwanag ang mga mata nito.

"Tama----kaya pala parang kilala kita" sabi ni Ara.

"Anong kilala? Anong gusto mong sabhin Ara?" lumuhod si Mint para magpantay sila ni Ara.

"Anong problema?" Si Liz na kakababa lang mula sa kwarto nito.

"Liz, tinatanong kasi namin kila manang kung saan mo nabili yang mga bracelet" ani Colbie.

Nagpalipat lipat ang mata ni Liz sa lahat particular kay Mint. Napahawak pa ito sa rail na hagdan na parang kinakabahan.

"What's going on?" Si Emmeth na galing sa labas. Nagpalipas ito ng oras sa tabing dagat dahil sa dami ng gumugulo sa isip niya.

"Gusto kasing malaman ni Mint kung saan nabili ni Liz yung mga bracelet. Sabi ni Liz diyan lang daw" sagot ni Vien.

"Oo diyan lang. Gusto mo ibibili nalang ulit kita" ani liz.

"No-----I mean, gusto kong makita kung sino ang nag gawa nito" ani Mint.

"What for. Bata lang naman ang gumagawa niyan" ani Liz.

"Opo kilala ko po yung gumagawa niyan. Si King po. Kapatid po ni ate Maria" ani Ara.

"Pwede mo ba kaming samahan" ani Mint.

"Sige po" tugon ni Ara.

"Tara guys. Samahan natin sila Mint" ani Rick.

"Maiwan nalang ako" ani liz.

"Sure ka" tanong ni Colbie.

Liz

Paano to? Hindi sila pwedeng magkita. Paano ko sila pipigilan. Isip Liz, isip.

"Aghhhh" sabay hawak ni Liz sa tiyan niya.

"What happened?" tanong ni Colbie.

"Aghhh ang sakit" kunwaring namimilipit sa sakit ng tiyan.

"Guys, paki ready yung sasakyan. Dadalin natin si Liz sa hospital" ani Mint.

"No----hindi na" takot si Liz na baka mabuko ang pagpapanggap niya.

"Hindi pwede Liz. You need to see a doctor. Guys come with me" ani Colbie saka inalalayan si Liz papunta sa van.

"Hindi na Colbie, wag na" pilit na pagtanggi ni Liz.

"No Liz. All of you are my responsibilities since nasa lugar namin kayo. Kaya kargo ko kung ano man ang mangyari sa inyo" Wala nang nagawa si Liz ng pilit siyang isakay ni Colbie sa van.

Kasama nito sina Rick at Vien.

"Sasama ko" ani Mint.

"No need baby. Mapapagod ka lang. Kaya na namin to okay" ani Colbie.

"Sige bahala ka. Call us okay" paalala ni Mint.

"We'll do. Huwag na kayong umalis okay. Baka mapano kayo. Wait for us" muling bilin ni Colbie.

"Okay sige. Vien mag ingat kayo ha"

"Oo naman" ani Vien.

-

"Anong nangyari kay Liz? Okay naman siya kanina di ba?" Pagtataka ni Katelyn.

"Oo nga eh. Biglang sumakit ang tiyan" puna din ni Cheska.

"Wait----Ara" pagtawag ni Mint.

"Don't tell me aalis ka parin. Sabi ni Colbie dito lang tayo di ba" ani Cheska.

"Hindi ako matahimik. Gusto ko talaga makita yung may gawa nito"

"What's the problem Mint?" Hindi maintindihan ni Emmeth ang pinag uusapan nila.

"Hindi ko din alam Emmeth. Basta gusto kong makita kung sino ang gumawa nitong bracelet na to"

"What for?" Ani Emmeth.

"Ewan ko. Pero iba ang kutob ko"

"Ate Mint bakit po?" Si Ara.

"Samahan mo kami sa nag gagawa ng bracelet" sagot ni Mint "at saka ano yung sasabihin mo kanina"

Nag isip si Ara at pilit inalala ang sasabihin nito kay Mint.

"Ah naaalala ko na" muling nag liwanag ang mga mata ni Ara.

"Ang ano?" tanong ni Mint.

To be continued...

Ito na ba?

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon