Kakayanin : part 77

560 52 12
                                    


Liz

Pinili kong hindi sumama sa paanyaya ni Mint mag breakfast sa labas dahil alam kong hindi ko magugustuhan ang makikita ko sa pagitan nina Max at Emmeth. Pero sigurado na akong hindi mag tatagal ang ganoong sitwasyon. Sa huli, mapupunta parin sa kaniya si Emmeth. Kaya hahayaan niya na munang maging masaya sila------sa ngayon.

Paunti unti na siyang nagpaplano kung paano niya isasagawa ang lahat. Kung paano niya makukuha si Emmeth ng walang kahirapan hirap.

-

Max

Tinupad ni Emmeth ang sinabi niyang----siya ang magiging mga mata ko habang bulag ako. Pero katulad din ng sinabi ko, ayaw kong iparamdam niya o nila sa akin na may kakulangan ako. At masaya akong ganoon ang ginagawa nila. Kwentuhan lang kami habang wala pa ang order naming breakfast sa isang open place. Suggestion iyon ni Emmeth para daw mas masarap kumain.

"Like it?" Tanong pa ni Emmeth na nakaupo sa tabi ko.

"Hindi ko nakikita pero alam kong maganda yung lugar. Maraming puno ano" pagkumpirma ko.

"Oo. Napapaligiran tayo ng mga puno at bulaklak. Ang ganda----parang ikaw" simpleng hirit nito na bahagyang nagpangiti sakin.

Hanggang sa narinig ko ang tinig ng waiter, dumating na ang pagkain namin.

Asikasong asikaso siya ni Emmeth maging ni Mint na kulang nalang ay subuan siya ng mga ito.

"She needs to eat healthy" Ang boses ni Emmeth.

"Alam ko. Pero alam kong mas gusto niya to" Ang boses naman ni Mint.

"Next time. But for now, veggies ang kailangan niya" muling sagot ni Emmeth.

"Favorite niya nga ito" pamimilit ni Mint.

"Hindi kaya kayo naman ang mag away niyan" Ang boses ni Rick.

"Kaya nga---bakit hindi niyo hayaan si Max kung ano gusto niya" Si Vien. Kahit hindi ko sila nakikita, madali para sa akin ang matandaan ang mga boses nila.

"Para hindi kayo mag away----kakainin ko pareho" Ang sinabi ko nalang para mag tigil na ang dalawa.

"But eat more veggies, kailangan mo to" Ang hindi nagpapatalong si Emmeth.

"Akala ko ba willing kang gawin ang mga gusto ko" nasabi ko.

"Sabi ko nga----sige konti nalang,  for now. Pero sa dinner, kakainin mo kung ano ang ibibigay ko, okay" Hay...hindi talaga nagpapatalo.

"Oo na" sagot ko nalang.

"Ay guys, maiba tayo. Anong matutuloy mamayang gabi" Si Niel.

"Kayo ba, ano suggestion niyo" Si Rick.

"Yung bonfire nalang. Kung ano yung napag usapan kagabi, tuloy nalang natin" sagot ni Mint.

"Ikaw Max----may gusto ka ba?" tanong ni Emmeth.

"Wala. Basta kasama ko kayo, okay na ko don" sagot ko.

"Kami din ba?" Si Uno.

"Oo naman Uno" sagot ko dito.

"Alam mo kung sino ko?" Alam kong nagtataka ito dahil alam ko kung sino ang nagsalita.

"Oo naman. Hindi ko kayo nakikita pero natatandaan ko ang mga boses niyo" muling tugon ko.

"Galing ah----try ko nga. Pipikit ako guys, tapos subuan niyo ko. Huhulaan ko kung anong pagkain yon" sabi ni Uno sa mga kaibigan.

"O sige----ako unang magsubo sayo" Si Niel na tiningnan ang mga kaibigan at nakaisip ng kalokohan "dilaan mo muna ha" utos ni Niel.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon