Kakayanin : part 84

518 44 6
                                    


Mint

"Guys anong meron?" Pagka upo ko palang  ay iyon na agad ang tinanong ko. 

"Maupo ka muna" sabi ni Vien.

"Hindi kayo makikipag meet ng ganito kung hindi importante. Spill it" sabi kong muli sa mga ito.

"It's only suspicion Mint. Pero gusto lang namin na magmatyag ka" ani Cheska.

"About?" tanong ko dito.

"About Liz, about Emmeth, about Max" Si Katelyn naman ang sumagot.

"Anong meron?" naguguluhang tanong ko. Pero sa dulo non, biglang may sumagi sa isip ko.

"Tulad ng sabi ni Cheska, suspicion lang naman tong sa amin. Gusto lang namin na ikaw mismo ang makiramdam since ikaw ang palaging kasama ni Max. I guess, napansin mo din ang kakaibang kilos ni Liz. Noong una, akala ko, ako lang. Pero iisa pala ang napansin naming lahat. Gwapo si Emmeth, at hindi kami magtataka kung magka interes si liz sa kaniya. Sa totoo lang, hindi naman dapat kami manghimasok pero kaibigan ka namin, si Emmeth, at bilang kapatid mo si Max, and kahit papano, naging malapit din naman kami noong nagpapanggap siya bilang ikaw, ayaw lang namin na masira ang relasyon nila dahil lang kay Liz" pahayag ni Vien.

"And?" sambit ko na naghihintay ng karugtong sa sinabi nito.

"Kung may hindi magandang gagawin si Liz para lang maghiwalay sina Emmeth at Max, kailangan nating kumilos. Nakita natin noon ang paghihirap ni Emmeth noong inakala niyang wala na si Max. At ngayon na alam nating mahal nila ang isat isa, hindi tayo papayag na sirain lang yon ni Liz. Subaybayan mo ang mga kilos ni Max, if mapansin mong may nag iba, isa lang ibig sabhin non. Kumikilos si Liz pailalim" dagdag ni Vien.

"Sa dami na din ng pinagdaanan nila, bilang mga kaibigan, hindi kami papayag na sirain lang ni Liz ang meron sila ngayon. Kaya gagawa kami ng paraan para tigilan niya yung dalawa" ani Katelyn.

"Tama sila, actually hindi naman talaga part si Liz ng group di ba. I guess, sumama lang siya sa paghahanap kay Max dahil kay Emmeth" ani Cheska.

"Wait guys----noong nasa Ilocos tayo. Hindi ba we asked her kung saan niya nabili yung mga bracelet na uwi niya. And she said, diyan lang. You even felt something nang mahawakan mo yon di ba Mint" tanong sa akin Vien.

"Hindi lang yon, noong binanggit ni Ara na kilala niya ang naggagawa ng bracelet at sinabi mong pupuntahan natin, all of a sudden, sumakit ang tiyan ni Liz. Parang planado" dagdag ni Katelyn.

"Pero sinabi niyang sa batang lalaki niya yon nabili di ba?" Sabi ko sa mga ito.

"At si King yon di ba? Bakit hindi mo siya tanungin? Kung tama ang hinala nating lahat---na hindi si King ang tinutukoy ni Liz, meaning, siya ang unang nakakita sa kakambal mo-----and, she tried to lure us. Na ayaw niyang makita niyo siya, dahil once na mangyari yon, magkikita silang muli ni Emmeth. And that will end her illusion na makuha siya sa kapatid mo?" Mga suspetsa Vien.

"Kung tama ang mga haka haka niyo. Dapat kong kausapin si Colbie. Siya ang dahilan kung bakit natin nakilala si Liz. Mas kilala niya si Liz kumpara satin. Kung may plano nga siya, I guess, kailangan na siyang mawala sa buhay nina ate Max at Emmeth. At si Colbie na ang bahalang kumumbinsi kay Liz na lumayo"  sagot ko sa mga ito.

"Kung ano desisyon mo Mint. Ang sa amin lang, nakita namin kung gaano kasaya sina Max at Emmeth, ayaw lang namin na masira pa yon. Matagal bago natin nahanap ang kakambal mo. Good thing lang talaga at buhay siya unlike what we've thought na patay na siya" ani Cheska.

Huminga ako ng malalim saka nag isip isip.

Sana lang...hindi totoo ang iniisip naming lahat tungkol ka Liz.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon