Kakayanin : part 92

566 57 11
                                    


Emmeth

Nang nanakbo palayo si Max at akma ko itong hahabulin ng magsalita si Liz.

"Habulin mo siya, kapalit non ay ang buhay ng anak mo" banta nito.

Galit, inis at pagka awa ang nararamdaman ko nang harapin ko ito.

Galit para kay Liz at sa sarili ko, awa para kay Max dahil nasasaktan ko ang babaeng pinaka mamahal ko.

"Emmeth ako na" ani Mint.

"No Mint, let me" pagtutol ko sa gagawin nitong pahabol kay Max.

"We will talk about this matter some other time Liz" at saka ko ito iniwan para habulin si Max.

Palabas na ito ng gate ng makita ko kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko.

At nang maabutan ko ito ay mabilis ko itong binuhat.

"Emmeth" gulat ba sambit pa nito.

"Hindi mo ako lalayuan. We need to talk" at saka ako pumara ng taxi.

Matapos ko itong maisakay ay sumunod din agad ako. 

"Just drive manong" utos ko sa driver.

"Emm-----mabilis kong sinakop ang mga labi nito ng ilang segundo.

"We both need to calm down first. We will surely talk----but later" at kita ko parin ang  pag iyak nito "and this will be the last time I will see you cry coz I won't let you cry again" saka ko ito ikinulong sa mga bisig ko. Wala akong pakialam kung nakikita man kami ng taxi driver.

Pakiramdam ko, nanghihina ako sa mga pangyayari. But having Max in my arms, I've felt life again.

Sa hotel ko pinahinto ang taxi-ng sinasakyan namin.

"Bakit dito?" Bakas ko ang pagtataka ni Max ng makita ang lugar.

"Don't worry. Mga uusap lang tayo" saka ko ito marahang hinila papasok sa mismong hotel na pag aari ko na.

I have my private room kaya hindi problema kahit pa full packed ang hotel.

"Get in" sabi ko dito saka tinawag ang isang chamber maid. May inutos lang ako dito at saka sinundan si Max sa loob ng hotel room.

And found her sitting on the edge of the mattress.

Kumuha ako ng water sa fridge saka inabot dito then I seated beside her.

"Rest for a while" habang hinahawi ko ang ilang hibla ng buhok nito na humaharang sa mata nito.

Tahimik lang ito sa buong sandaling magkasama kami. Tanging paghinga, pag hikbi at pag buntung hininga lang ang naririnig ko.

Pinalipas ko muna ang kulang kulang kalahating oras bago ako nagpasyang kausapin na ito.

Sumandal ako sa headrest ng kama saka ko ito tinawag. She's hesitant at first pero sa huli ay pumayag din. I let her head rested on my chest.

A scene I dreamt about. Me and her. Just us.

"Alam kong hindi maganda ang mga nangyari. Ang mga nalaman mo. And I'm sorry dahil alam kong nasasaktan kita. I'm really sorry beb. But believe me, hindi ako naniniwalang anak ko yon" panimula ko.

"So anak niya yon sa ibang lalaki?" Patanong na sagot nito.

"Posible. Noong sinabi niya na mahal niya ko, noong palagi siyang sumasama sa mga lakad ng barkada, alam kong she's desperate to have me. I ignored that knowing myself na hinding hindi ako magkaka gusto sa kaniya. What happened that night, I thought na may nangyari nga sa amin dahil sa blood stain na nakita ko sa mattress ko. When I confess that to everyone, Mint believe that meron ngang nangyari sa amin ni Liz. Pero sinabi kong hindi talaga ako sigurado dahil hindi naman ako ganoon kalasing ng gabing yon. And their speculations, it's a trapped. Lalo na noong binanggit ko na may sugat si Liz sa daliri ng umagang makita ko siya sa tabi ko"

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon