Kakayanin : part 79

494 55 5
                                    

Unedited

The next day ay maayos silang nakabalik lahat sa Manila. And Max found out na sa dating bahay ng lolo nila sila titira. It's not that ayaw niya, but she missed their old house. Maliit pero naging masaya sila doon ni Mint.

"Ate----kamuta ka dito sa kwarto mo?"

"Ayos lang. Nakakapanibago pero okay lang"

"Nga pala ate. Bukas na bukas din, aasikasuhin ko na yung para sa operation mo. Alam mo bang may eye donor ka na?"

"Talaga Mint. As in agad agad eh kakabalik lang natin" Hindi makapaniwala si Max sa narinig. Parang kay bilis kasi ng mga pangyayari.

"Oo ate. Pero hindi ako ang nakahanap ng eye donor mo. Si Emmeth ang naghanap agad agad para sayo. Nasa vacation palang tayo, hindi ko alam na kumontak na pala siya sa kakilala niyang doctor dito at ayon----last night. Sinabi niya sakin na may donor ka na nga. All you need is magpalakas then isasalang ka na sa operation" kwento ni Mint na hindi parin mapaniwalaan ni Max.

Hindi siya makapaniwalang kayang gawin ni Emmeth yon ng ganon ka bilis.

"Si Emmeth?" nasambit ni Max.

"Oo ate. Ganoon ka kamahal ni Emmeth. At kung nakikita mo lang kung paano ka niya titigan sa bawat oras na magkasama kayo----maiinggit lahat ng walang love life. Kaya kung ako sayo----sagutin mo na ha. Alam kong mahal mo pero iba parin yung may label. Hindi ko to sinasabi dahil sa dami ng sacrifices niya mahanap ka lang. Sinasabi ko to dahil mahal na mahal ka talaga niya. Proven na yon" payo ni Mint sa kakambal.

"Alam ko naman na mahal ako ni Emmeth dahil sinasabi niya madalas. Nag aalangan nga lang ako dahil sa kalagayan ko. Pero wag kang mag alala, sa oras na makakita na ko, ikaw ang unang makakaalam kapag sasagutin  ko na siya" bigay assurance ni Max sa kakambal.

"Really---so you mean, may plan ka like dinner with candlelight kapag sasagutin mo na siya?" Excited na tanong ni Mint.

"Hindi naman. Pero kung darating na yung araw na yon, I want it to be special. He did so much for me, I think worth lang na bigyan ko ng importance yung araw na yon" sagot ni Max.

"Like it twinnie. I'm happy for you and excited na ko na malapit ka nang makakitang muli" a tear fell on Mint's eyes.

"Ako din Seph. Tanggap ko naman na ito ang nangyari sakin pero nami mis ko na din ang makakita" nang biglang may maaalala si Max "siya ng pala Mint, yung motorsiklo ko, nasaan na?"

"Don't worry about that dahil iningatan ko yon. Pag nakakakita ka na, ibabalik ko sayo. Pero this time, hindi mo na yon gagamitin sa racing. Kahit pa ang car racing, sana hindi mo na balikan pa. Pero kung ako ang masusing for ate, I won't let you usa that motorcycle again" ani Mint.

"Don't worry Mint, hindi ko na gagawin pa yon. At para sa ikatatahimik mo, sige---hindi ko na siya gagamitin. Pero kahit once, pwede naman di ba?" Tugon ni Max.

"I'll think about that" huling sagot ni Mint.

-

"Ate, maiwan na muna kita dito ha. Bahala na sayo sina manang Fe. Kailangan na ko sa trabaho eh" paalam ni Mint sa kakambal ng umagang yon.

"Mag iingat ka. Wag mo kong alalahanin, ayos lang ako dito"

"Bye twinnie---manang, kayo na bahala kay ate Max" bilin pa nito.

Narinig ko ang makina ng sasakyan nito at ang pagsara ng gate.

Gamit ang tungkod ay nag ikot ikot ako sa garden na una kong nakita noong nakipag kita ako kay lolo Fredo. Natatandaan kong may swing malapit sa mini groto. Hindi nagtagal ay natagpuan ko din ito at naupo doon para magpahangin.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon