Kakayanin : part 28

722 66 165
                                    

Si Max at ang lolo niya ang bantay ng umagang yon sa hospital. Si Emmeth, umuwi din matapos ang ilang oras. Sa utos na din ni Max. Pero pinababalik niya ito para kaya Mint...hindi sa kaniya.

Ipinatawag ng doctor si lolo Fredo para sa mga gamot na kailangan ni Mint kaya naiwang mag isa doon si Max sa loob ng kwarto, habang mahimbing na natutulog si Mint.

Laman ng isip niya ang naging desisyon na ginawa niya. Komplikado, kung tutuusin, pwede naman sanang hindi naging komplikado ang lahat, kung hindi lamang sa kagustuhan ng lolo nila. Pero dahil sa kondisyon niya, kailangan niyang sumunod sa kagustuhan nito.. Buhay ang kapalit ng pagpayag niya, at kapanatagan naman ng loob ang para sa lolo nila. Bali baliktarin man ang sitwasyon, ang kasunduan na yon ay parehong kailangan ni Mint at ng lolo nila.

"Ate" Ang mahinang pagtawag ni Mint. 

Mabilis itong nilapitan ni Max.

"Mint, kamusta ka? Ano nararamdaman mo? " Ang pag aalala nito.

"Medyo okay naman. Si lolo"

"Nasa labas lang. Pero babalik din maya maya "

"Si---si Emmeth?"

"Umuwi muna. Pero babalik din siya" tugon ni Max na hindi makatingin ng  diretso sa kapatid.

"Ate, ibig bang sabihin nito, alam niya na noon pa ang tungkol sa atin?"

"Huh?---- Oo, nalaman din niya"

"Paano?"

Paano ko ba sasabihin?  Sa isip isip ni Max.

"Ano, ganito kasi. Napansin niya yung pagkakaiba natin. Yon, kaya nalaman niya"

"Anong ginawa niya ng malaman niya" muling tanong ni Mint.

"Wala naman. Pero nakiusap ako na kung pwede, huwag niyang sasabihin sa Uni ang nalaman niya"

"Buti pumayag siya"

"Nagdahilan nalang ako. Oo, ganon nga" hirap na hirap si Max sa pagsisinungaling. Simula ng dumating si Emmeth sa buhay nila, na buhay na siya sa kasinungalingan.

"Ate"

"Bakit Mint?"

"Kung aalis ako para magpagamot sa ibang bansa. Sasamahan mo ba ko?"

Gusto ko Mint. Gustong gusto. Pero paano ko sasabihin sayong hindi pwede. Dahil Ikakasal ako kay Emmeth. Kapalit nang pagpapagamot mo.

"Gusto ko sana Mint. Pero sabi ni lolo, hindi na kailangan kasi may mga doctor na mag aasikaso sayo don"

Napansin ni Max ang pagtamlay ng muka ni Mint pagka sabi niya non kaya nilapitan niya ito.

"Mint, tandaan mo to ha. Magpagaling ka, magpalakas. Para pag uwi mo dito. Magagawa mo na ang mga gusto mo. At pangako ko sayo, pag babalik mo, magiging masaya ka na" magiging masaya ka na dahil makakasama mo na ang lalaking mahal mo. Makakasama mo na siya habang buhay. Pero kapalit non, ay ang pagkawala ko. Patawarin mo sana ako sa gagawin ko Mint. Pero alam ko, hanggat kasama mo ako, hanggat kasama ako ni Emmeth, hindi ka niya matutunang mahalin. Pag wala na ko, baka sakali, mabaling sayo ang pagtingin niya. At ipagdarasal ko yon. Sana...mahalin mo si Emmeth ng buong puso.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon