Kakayanin : part 04

1.1K 99 45
                                    


"Ate let's go" hiyaw ni Mint kay Max na nasa likurang bahagi ng bahay na inuupahan nila. Malapit na kasi siyang ma late. Pero hindi niya kayang magalit sa ate niya. May raket daw ito kagabi kaya halos mag uumaga na natulog. Tumutol siya na ihatid pa siya nito sa unibersidad pero tumanggi ito. Ayaw na ayaw nitong nag ko-commute siya. Lalo na kapag mainit ang panahon.

"Let's go" akay na ni Max ang motorsiklo palabas ng tarangkahan ( gate) ng bahay nila. Ini-lock lahat ni Mint ang pintuan ng bahay saka sumunod sa kapatid.

"Helmet mo" inabot ito ni Max sa kapatid.

"Tara" sabi ni Mint nang makasakay na ito sa likurang bahagi ng motorsiklo.

Makalipas ang labing limang minuto, narating din nila ang unibersidad.

"Hintayin mo ako ha" bilin pa ni Max sa kapatid.

"Opo. Para namang hindi ako sanay na ikaw ang palaging sumusundo sakin" sagot ni Mint sa kapatid.

"Oh siya. Basta yung mga bilin ko. Message ka lang kung may problema" dagdag bilin nito.

"Yes ma'am. Copy" Yumakap ito sa kapatid para magpaalam "mag iingat palagi ate. Love you love you" inangat nito ang face shield at hinalikan niya ito sa tungki ng ilong nito.

Ngumiti si Max pagkatapos non "sabihin mo na. Ano kailangan? kabisado na ni Max ang kapatid kapag naglalambing ito.

"Eh kasi" tila nahihiyang magsalita si Mint sa kapatid.

"Eh kasi---ano nga? Para namang hindi ko ibibigay ang kailangan mo"

"Wala kasi akong pang load" saka ngumiti ng napaka tamis si Mint sa kapatid.

Pinisil ni Max ang ilong kapatid "Akala ko naman kung ano kailangan mo" kinuha nito ang wallet sa bulsa nito saka inabutan si Mint ng halagang limang daan.

"Ate pang load lang hinihingi ko. Ang laki nito" ibinalik ni Mint ang dalawang daan sa kapatid pero hindi ito kinuha ni Max.

"Hayaan mo na. Pang kain mo na yung iba. Saka may raket naman ako mamayang gabi kaya kikita pa ko"

"Raket na naman. Baka----

"Huwag kang mag alala. Safe yong pupuntahan ko mamaya. Makakauwi ako ng buhay na buhay" pagputol ni Max sa tangkang sasabihin nang kapatid.

"Sigurado ka na hindi delikado yon?" Paninigurado ni Mint.

"Oo nga. Sige na late ka na" pagtataboy ni Max dito.

"Sige na nga. Basta ingat ka palagi ha" muli ay niyakap ito ni Mint ng mahigpit. Iyon lang ang paraan niya para maipadama dito kung gaano niya ito kamahal. Kung gaano kahalaga sa kaniya ang kapatid niya. Ang nag iisang tao na hindi siya tinalikuran kahit kailan. Ang taong nagsasakripisyo ng buong buo para lang sa kaniya. At hiling niya na sana----sana minsan, siya naman ang may magawa para dito.

"O tama na. Hindi na ako makahinga" nakangiting reklamo ni Max sa kapatid "aalis nako. Pasok ka na"

"Sige. Bye ate" kumaway muna si Mint dito saka tuluyang pumasok sa gate ng unibersidad.

Nang wala na ito sa paningin ni Max ay saka nito pinasibat ang motorsiklo.

Ang pag yakap at paghalik ni Mint kay Max na inaakala nitong nobyo ng dalaga ang tagpong nasaksihan ni JZ mula sa di kalayuan. Pati ang pag abot dito ng kung ano na sa palagay nito ay pera.

Hindi nakita ni JZ na babae ang sakay ng motorsiklo, at kapatid ni Mint.

So hindi lang yon boyfriend ni Mintit's more than that? ...sa isip isip ni JZ.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon