[ Hey buddy]
Oh Buddy, napatawag ka?
[ it's been a long time since we've met. I guess, you're busy as I am ]
Ah Oo, alam mo na. Trabaho. Minsan eskwelah.
[ why, is something happened?]
Wala naman. Minor lang. Kamusta ka?
[ missin hungin out with you. Why not drop by one time. Same place ]
Sige pag maluwag schedule ko.
[ tomorrow ]
Let's see. O sige na Buddy. May trabaho pa ko eh. Ma le-late ako.
[ oh by the way, I dropped by last night sa massage parlor but you went home early according to your manager ]
Ah Oo. Medyo sumakit lang kasi ulo ko kaya maaga akong nag out ( I lied)
[ are you okay now? ]
Oo naman. Kita nalang tayo mamaya.
[ hope it's not a drawing ]
Oo na. Promise. Bye Buddy
[ ay ay captain ]
Crazy..bye
"Ate"
"Oh Mint. Bakit hindi ka pa nakabihis? Aalis na tayo"
"Hindi ko pa kaya ate. Medyo nahihilo ko" bigla akong napatayo at nilapitan ito sa pintuan.
"Maputla ka. Mainam pang dalin na muna kita sa hospital para maipa check up ka"
"Hindi na ate. Hilo lang to"
"Ay nako hindi pwedeng hindi. Magpalit ka ng damit, aalis din tayo ngayon na" utos ko.
"Sige" saka ito bumalik sa kwarto nito.
Kahapon masakit ang ulo, ngayon nahihilo...
Nakaramdam ako ng takot para sa kambal ko.
Ma, Pa...nausal ko.
Sa mga pagkakataong natatakot siya, hindi niya maiwasang hanapin ang mga magulang nila.
Matapang siya...pinatapang ng mga pagsubok na hinarap nilang magkapatid. Pero tao parin siya, kinakabahan, natatakot, pinanghihinaan.
Pagkagayak na pagkagayak ni Mint, tumungo na agad sila.sa pinakamalapit na hospital.
After ng kulang tatlumpung minuto.
"Hindi na ako magtatanong dahil obvious na kambal kayo" sabi ng doctor.
"Opo. Ano pong lagay ng kambal ko?"
"Maupo ka muna iha" utos nito "May history ba ang kapatid mo?"
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Kung natakot ako kanina, mas doble ngayon. Pakiramdam ko hindi ako handa sa mga maririnig ko. Ilang buwan nalang, tapos na ang kambal niya sa pag aaral. Makakapag focus na siya pag tatrabaho. Para makaipon ng pang heart surgery nito. Iyon ang pinaka aasam niya. Ang mapalitan ang puso nito. Para hindi na siya mangamba na anytime, mawala sa kaniya ang kambal niya. Si Mint nalang ang meron siya.