Kakayanin : part 22

859 76 52
                                    


Mint

"Kamusta lakad mo anak"

"Wala po nangyari nay. Pero hindi po ako titigil para makahanap ng sapat na pera"

"Kung may maitutulong lang sana ako sa inyo mga anak ko" naluluhang saad ni nanay Pinang.

"Nay, yung hindi mo kami iniiwan mula pa noon. Sapat na sapat na yon. Sobra sobra pa kung tutuusin. Hindi mo kami kadugo pero itinuring mo kaming mga tunay na anak. At nag papasalamat ako dahil nandiyan ka palagi sa tuwing kailangan ka namin. Kaya huwag na huwag mo pong iisipin na wala kang naitulong samin"

"Ano balak mo, sasabihin mo ba sa kapatid mo?"

"Hindi ko alam nay. Hindi ko alam kung kaya ko. Sana nga nay, ako nalang nalang ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi ko kayang isipin na ganiyan siya. Na mahihirapan siya. Kung pwede ko lang akuin ang sakit niya ginawa ko na"

"Lahat nang nangyayari sa buhay natin, may dahilan. Maaring hindi mo pa alam sa ngayon, pero darating ang araw na yon na masasagot ang lahat kung bakit kayo dumaraan sa madaming pagsubok. Alam ng Diyos kung gaano ka katatag. At ito, isa lamang sa mga pagsubok niya pa sa iyo, sa inyo. Huwag kang panghihinaan ng loob Max. Higit kanino man, ngayon ka kailangan ng kapatid mo"

"Hindi naman po nay. Hinding hindi ko susukuan si Mint. Ang sa akin lang, bakit parang walang katapusan ang lahat. Nakakapagod din nay. Lumalaban lang ako dahil kay Mint. Siya nalang at ikaw nay ang meron ako"

"Kaya nga. Huwag na huwag kang mapapagod. Balang araw, lahat ng sakripisyo mo, may kapalit. Pero ngayon, ito muna ang harapin mo. Paano mo ipagtatapat sa kapatid mo ang katotohanan. Karapatan niyang malaman ang totoong kalagayan niya"

"Hindi ko alam kung paano sasabihin nay. Ikaw nalang kaya"

"Gustuhin ko man. Hindi ko din kaya. Kaya mo yan Nak. O paano, babalik nalang ako mamaya ha. Kukuha lang ako ng ilang gamit. Ang sabi naman ng doctor, baka kinabukasan, pwede na siyang iuwi"

"Sige po nay. Mag iingat kayo"

Dinig ko ang pag lapat ng pintuan ng oras na lumabas ng kwartong yon si nanay Pinang. Ang lahat ng pinag usapan nila. Hindi ko pa alam kung ano ang totoong sakit ko, pero base sa mga narinig ko, hindi iyon isang simpleng sakit lang. Hindi ililihim iyon sa akin ni ate Max kung simpleng problema lang ang kinakaharap namin.

Mahina ang puso, ngayon, may karagdagan pa. Makasalanan ba ko at sinalo ko na yata ang mga problema. Isa na nga akong malaking pasanin ni ate, madadagdagan pa. Alam kong hindi niya sinasabi sa akin na nahihirapan siya. Pero ngayon, na dinig ko mismo. Pero patuloy nitong pinapatatag ang loob niya para sakin. Hanggang kailan ko ba pahihirapan ang kapatid ko? Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Kailan ko ba mararanasan ang mabuhay ng normal. Ang hindi umaasa. Ang hindi natatakot.

Nagmulat ako ng mga mata at hinanap ang kapatid ko "ate" pagtawag ko.

"Mint" Mabilis itong lumapit sa kinahihigaan ko at hinawakan ng mahigpit ang mga palad ko "Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nagugutom ka na ba? Ano kailangan mo?" Sunod sunod na tanong nito na may halong pag aalala ang muka ng kakambal kong walang ibang ginawa kundi alalahanin ako. Ninakaw ko na ang lahat sa kaniya. At wala akong magawa para sa kaniya.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon