Kakayanin : part 39

699 69 27
                                        


"So tell me, what happened mom? Umalis ako na buhay na buhay siya and then what, babalik ako and saw her lying in that coffin" Nasa sala noon sina Rav, ang mommy at daddy nito.

Si Emmeth, nanatili sa Museleo. Hindi ito napapayag umuwi ng kahit ng sino pa kaya hinayaan nalang nila dahil naiintindihan naman nila ito.

"Anak, what happened is out of our hands. Walang nakakaalam na mangyayari ang lahat ng yon. And don't blame it on Emmeth, wala siyang kasalan. You saw him. You saw how mess he is right now. Kung nasasaktan ka sa nangyari, mas lalo na ang kapatid mo. Ngayon lang siya nagmahal ng ganon"

"Fine. I just can't accept what happened"

"Son. No one is ready to accept what just had happened. No one will be ready of losing someone especially your brother. Sometimes, things happened for a reason. Emmeth needs us. His family. No more arguments okay" Ang paliwanag ni daddy Kino, Emmeth and Rav's dad.

"Rav, I know, masakit para sa iyo ang nangyari. But please, huwag mo na sanang kausapin pa ang kapatid mo tungkol dito. A person who's in grief sometimes loses the ability to think properly. Mas nangingibabaw ang emosyon nila. Hindi natin alam, baka pag kinausap mo pa siya, baka kung ano pa ang pumasok sa isip non" paalala ni mommy Cynthia.

Huminga ng malalim si Rav bago sumagot sa ina "I'm sorry. Im older but acting like this----don't worry mom. I won't do anything. I love my brother and I will understand him----and I won't stay long. Work needs me"

"Thank you and I'm so proud of you son" as daddy Kino put his arms on Rav's shoulder.

"Thanks dad"

-

"Apo, kumain ka na. Sabi ni manang Hilda, ayaw mo na namang kumain" ani lolo Fredo ng makapasok sa loob ng kwarto ni Mint.

Sa mansion na ni lolo Fredo naninirahan si Mint mula pa noong dumating ito galing ng ibang bansa. Hindi na hinayaan ng matanda na bumalik ito sa dating bahay nilang magkapatid. Dahil una, napakalaki ng mansion na yon para kay lolo Fredo. Pangalawa, alam ni lolo Fredo na lalong mahihirapan si Mint na makalimutan ang kapatid dahil sa mga alaala nila sa bahay na yon.

"Wala pa po akong gana lo" matamlay na tugon ni Mint habang nakatanaw mula sa bintana ng kwarto niya.

Marahang naupo si lolo Fredo sa tabi ni Mint. Sandaling tinitigan ang apo saka humugot ng isang malalim na paghinga.

"Alam ko masakit apo----at mahirap tanggapin. Pero kailangan. Ngayon, alam ko, nakatingin siya sa atin. Lalo na sayo. At alam kong nalulungkot siya sa nakikita niya. Hindi niya gugustuhin na ganiyan ka. Lalo siyang hindi matatahimik at hindi siya makakarating sa dapat niyang puntahan. You have to slowly let go apo. Para maharap mo din ang buhay mo. Your life won't stop dahil wala na ang ate mo. I'm still here. At ikaw, malayo pa ang mararating mo. You have to live Mint----please" pakiusap ni lolo Fredo sa apo.

Yumuko si Mint at marahang pinunasan ang luhang hindi na tumitigil simula pa noong mamatay ang ate niya. Mapapagod ang mga mata niya sa pag luha, pero luluha at luluha siyang muli kapag naaalala niyang wala na ang ate niya.

-

Makalipas ang isang linggo. Kahit papaano ay lumalabas na si Mint sa kwarto nito. Mahirap dahil sa tuwing gigising siya sa umaga, hinahanap niya ang ate niya. Pero kailangan niyang bumangon mula sa pagkawala ng kambal niya. Ayaw man tanggapin ng sikmura niya ay pinipilit niyang kumain kahit papano. At pumupunta sa appointment nito sa hospital para tapusin ang natitirang session nito sa pagpapa  chemo. And good news came. Once na okay na talaga siya, she already had a heart donor. Mapapalitan na ang puso niya. A new healthy heart, and with that, she can lived normally.

Kakayanin KayaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon