Max"Ready ka na ate?" bungad ni Mint sa akin pagkapasok nito sa kwarto ni Emmeth.
"Mint" tanging nasambit ko.
Nilapitan ako nito at saka mahigpit na hinawakan ang mga palad ko.
"Ate, alam kong nasasaktan ka kahit pilit mong itago samin. At naiintindihan ko. Pero ngayon, malalaman natin ang totoo. Ang akin lang, mag tiwala ka kay Emmeth. Alam kong mahal mo siya. At mahal na mahal ka niya. Alam ko din na nasasaktan siya para sayo. May mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Pero tandaan mo ate, lahat ng ito, may solusyon. Pero wag mong isusuko si Emmeth sa babaeng yon" payo nito.
Wala naman talaga akong balak na ibigay si Emmeth kay Liz.
"Wag kang mag alala Mint, hindi ko isusuko si Emmeth. Kung ano man ang malaman ko ngayon, hahanap ako ng solusyon. Pero ang huling desisyon ay na kay Emmeth parin" tugon ko dito.
"Tama ka. Pero maniwala ka, ikaw ang pipiliin ni Emmeth. Ikaw lang at walang iba. Matatapos din to okay" nakangiting sambit nito na alam kong pilit lang nitong pinapagaan ang nararamdaman ko.
Tumango ako.
Planado na ang lahat. Tatawagan ko si Liz a.k.a Hope. At doon namin siya papaaminin. Sana lang, maging maayos ang lahat. Hindi ko alam ang takbo ng isip ni Liz. Hindi ko alam kung ano ang mga kaya nitong gawin. At kung buntis nga ito, isa lang naman ang nais ko. Ang huwag niyang idamay ang nasa sinapupunan niya . Walang kinalaman ang sanggol na yon.
-
Nasa may bintana ako malapit sa garden kung saan tanaw na tanaw ko silang lahat. At doon ko nasaksihan kung paano gawin ni Liz ang lahat para lang tapunan siya ng pansin ni Emmeth. Kung paano niya ito asikasuhin na parang isang girlfriend. At ito pa mismo ang gumagawa ng paraan para magkatabi sila.
At iyon ang hindi ko kinakaya. Masakit palang makita na may taong gustong kuhanin sayo ang isang taong napaka halaga sa buhay mo.
Kinuha ko ang cellphone at idi-nial ang number ni Hope/Liz. Nakita ko ang tila pagkabalisa nito ng tingnan nito ang cellphone niya. So totoo ngang walang kakambal si Liz.
Isa kang mapagpanggap...
Tumayo si Liz/Hope at lumayo sa karamihan.
Hope...nang sagutin nito ang cellphone niya.
[ Max, bakit ka napatawag? ]
Panay ang lingon nito sa mga kaibigan ko na sinisuguradong hindi maririnig ang pag uusap namin.
Can we meet?
[ huh? Ngayon na? ]
At halata ang kaba sa boses nito.
Oo, may gusto lang akong linawin tungkol sa kakambal mo.
[ Max, pwede bang sa ibang araw nalang. Hindi kasi ako pwedeng ngayon ]
I'm leaving Hope. Gusto ko lang sana kahit sa huling pagkakataon, magkausap tayo or kahit si Liz.
[ just text me. Whatever you wanted to to know, sasagutin ko ]
Hindi pwede Hope. Gusto kitang personal na makausap.