Liz
"Liz saan ka pupunta?" tanong ni Colbie ng makita siya nitong palabas ng rest house.
"Maglalakad lakad lang"
"Huwag kang lalayo saka bumalik ka agad para sa hapunan" bilin ni Colbie.
Acting like a worried boyfriend..hmmp
"Oo" Ang maikling tugon niya saka nagtuloy tuloy palabas.
Laman ng isip niya ang naging pagtatalo nila ni Emmeth. Hindi siya papayag na mawala sa kaniya ang binata. At handa siyang gawin ang lahat. Hindi na napasa kaniya si Colbie, hindi na siya papayag na sa pagkakataong yon ay mawala din si Emmeth. She'd done everything para lang mahalin siya ni Colbie noon pero walang nangyari. Kaya hindi niya hahayaan na hindi mapasa kaniya si Emmeth.
Malayo layo na siya sa rest house nila Colbie nang mapag desisyonan niyang tumigil sa paglalakad. Hanggang sa napansin niya ang isang babae na tila nagtitinda ng kung ano.
Marahan niya itong nilapitan para tingnan kung ano yon.
"Hi" bati niya sa nakayukong babae.
Dahan dahan itong nag angat ng ulo at muntik na siyang ma out of balance ng makilala kung sino ang babaeng kaharap niya.
Hindi pwede. Hindi ito maaari.
"Bili ka na ate ng souvenir. Handmade po lahat yan. Gawa namin ng kapatid ko" sagot ng babae.
Lumunok muna si Liz saka nagsalita.
"G-gawa mo ba lahat yan?"
"Oo. Sabi ng kapatid ko magaganda yan" sagot ng babae.
"Sabi ng kapatid mo?" Pagtataka si Liz.
"Oo. Hindi kasi ako nakakakita kaya hindi ko alam. Bili ka na ate para may kita naman kami" saka ito ngumiti.
Doon nakaisip ng paraan si Liz.
"Ahm kung bibilin ko ba lahat yan. Kailan ka ulit magtitinda?"
"Nako ma'am. Pag binili niyo po ito lahat, baka tatlo o apat na araw pa bago ako ulit makapag tinda. Syempre po, gagawa muli kami ng kapatid ko. Bibilin niyo po ba lahat?"
Tamang tama. Hanggang bukas nalang sila don. Hindi sila magkikita ni Emmeth kung sakali. At saka malayo ang lugar na yon sa rest house nila Colbie.
"O sige. Bibilin ko lahat yan para makapag paghinga ka sa pagtitinda" malaki ang mga ngiti ni Liz ng sabihin yon dahil hindi ka pwedeng makita ng sino man sa kanila.
"Salamat po. Para kayong anghel" napangisi si Liz sa sinabi ng babae.
Yon ang akala mo!
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko kahit alam ko kung sino ang kaharap ko.
"Ma----Maria po" at isang kakaibang ngiti muli ang sumilay sa mga labi ni Liz.
Good...binago mo din pala pangalan mo.
"Pwedeng magtanong ulit?" Muling tanong ko.
"Sige ma'am" Mabilis na sagot ni Maria.
"Bakit ka na bulag?" Hindi niya kasi alam ang buong kwento kung bakit ito nawala kaya gusto niyang malaman.
"Aksidente ma'am. Pero kung paano po, huwag niyo nalang po sigurong itanong"
"It's okay. Na curious lang ako. O sige, ako na mag plastic nito ha. Alam mo ba kung magkano lahat to?"
"25 po ang isa. Bahala na po kayo. Muka naman kayong mabait" mabait talaga ako. Kung hindi ka magiging hadlang sa buhay ko.
"Sige----nasa 700 lahat to. Pero heto ang one thousand para sayo. Sayo na yung sukli"
"Talaga ma'am. Salamat po"
"Welcome. Ihatid na kita sa bahay mo"
"Nako ma'am hindi na po. Parating na po yung kapatid ko. Siya po sumusundo sa akin araw araw saka makakaabala pa ako sa inyo"
"Hindi naman. Pero sige, bahala ka. Samahan nalang muna kita mag maghintay"
"Salamat po talaga. Hulog kayo ng langit sige amin"
Maya maya ay may dumating na isang babae na halatang nasa 60's na ang edad.
"Maria anak. Halika na at pagabi na" sabi ng matanda.
"Sige po nay. Alam mo nay, naubos yung paninda ko" kwento pa ni Maria sa matanda.
"Talaga ba anak. Abay napaka inam" Ang tuwing tuwing sabi ng matanda.
"Opo nay. Siya po yung bumili lahat" Kahit hindi siya nakikita ng babae ay parang itinuturo siya nito.
"Ay ineng salamat ha" sabi ng matandang babae kay Liz.
"Wala po iyon. Binili ko na lahat para makapag paghinga siya. Gumawa ka pa ng marami para sa susunod na pagtitinda mo Maria" sabi ko pa dito dahil sigurado akong hindi na kita makikita pa...Lalo na si Emmeth.
"Oo. Salamat. Ano nga pala pangalan mo?"
"I'm Hope" sagot ko.
"Salamat Hope ha. Pagpalain ka nawa ng Panginoon" duhhhh...I know right!
"Ay sige ineng. Salamat ulit ha. Mauna na kami at pagabi na. Mahirap mag lakad at malayo layo pa ang bahay namin. Hindi pa nakakakita si Maria. Baka abutin kami ng dilim" paalam ng matanda.
"O sige po. Mag iingat pi kayo" at huwag na huwag na kayong magpapakita. Lalo ka na Max.
"Salamat ulit Hope. Hanggang sa uulitin" Wag kang umasa Max. Dahil hinding hindi ko na hahayaang bumalik pa kami dito.
"Bye Maria. Bye po nanay" kumaway pa siya sa mga ito.
Hindi ka nila pwedeng makita Max. Buti at ako unang ang nakakita sayo.
I'm sorry Max dahil hindi ko hahayaang makuha mo pa sa akin si Emmeth. He's mine now.
To be continued...
Shedding time for 🐉
