Kakayanin : part 93

479 49 6
                                    


Mint

"She's fine. Kasama siya ni Emmeth" Pag bigay alam ko sa mga kaibigan ko.

"Glad to hear that. So paano na ngayon?" tanong ni Vien.

"Ngayon, we need to go home and discuss this matter again pagbalik ng dalawa. I know their fixing things between them now. And it's getting late" ani Rick.

"I'm sorry for what's happening. I guess, I should be the one to be blame dahil ako ang reason why Liz met Emmeth" ani Colbie.

"Love---it's not your fault okay" saka ko hinawakan ang kamay nito "problem comes and goes. And wether it's Liz or other woman, alam kong maayos din ni ate at Emmeth ang problema"

"Believe me, hindi masisira ni Liz ang relasyon nina Emmeth at Max. Kahit pa sabihing anak ni Emmeth ang batang dinadala ni Liz, I don't think na papatusin ni Emmeth si Liz dahil lang don. He can be a father to that unborn child without being attached to Liz" ani Niel.

"Tama ka don bro. Pwede namang panagutan ni Emmeth yung bata na hindi niya kailangang pakisamahan si Liz. At ito ang sigurado ako, hindi magagawang ipa abort ni Liz ang sanggol na yon dahil iyon ang dahilan para hindi makalayo sa kanya si Emmeth. Si Emmeth ang habol niya kaya hindi niya gugustuhing mawala ang alas niya" ang punto ni Uno na sinang ayunan naming lahat.

"DNA lang naman ang kailangan para ma patunayan kung anak nga iyon ni Emmeth o hindi" ani Cheska.

"Pero ayaw ngang pumayag ni Liz di ba. Nagbabanta pa na may mangyayari sa bata" tugon ni Katelyn.

"Enough guys. Maniwala kayo sa sasabihin ko na may plano na yang si Emmeth. Uno and Niel, parang hindi niyo kilala yung taong yon. Kapag gusto or ayaw niya, he'll find ways" ani Rick.

"Sabagay-----sabay na tugon nina Uno at Niel.

"We need to go guys----Mint,  kung ano man ang balita, just tell us okay. Or kung may maitutulong kami, informed us" nang magpaalam si Vien.

"Salamat Vien. Salamat sa inyong lahat"

Kalahating oras pa kaming nanatili sa bahay ni Emmeth para tapusing ligpitin ang mga ginamit namin para sa party ni ate. Katulong ko parin si Colbie, si manang Fe maging si King.

Pagkarating namin sa bahay ay pinagpahinga ko na sina manang Fe at King.

"You want me to go or you want me to stay?" tanong ni Colbie habang umiinom ng tea sa sala kasama ko.

"Mag pahinga ka na din. Kita nalang tayo bukas" sagot ko.

"You don't look okay" puna nito na inakala kong hindi niya mapapansin.

Alam kong sinabi ni ate na okay lang siya at nag usap na sila ni Emmeth, but I'm still worried. We don't know what Liz is capable of para lang makuha si Emmeth. Hindi ko parin makakalimutan ang nangyari kay ate Max noon. Na sa kagustuhang makuha ng ampon ni lolo ang kayamanan nito, nagawa nitong ipapatay si ate Max. Buti na lang at hindi ito napuruhan. Kaya ang isip ko ay palaging laman si ate. Na sana ay hindi na maulit ang nakaraan.

"Nag aalala parin ako kay ate"

"About?"

"Alam kong hindi okay ang lahat. She only told me that para hindi na ako mag alala. Paano kung may gawin siya Liz laban kay ate para mawala sa landas niya" ang mga takot ko na hindi mawaglit sa isipan ko.

"Maybe Liz was desperate pero sa tingin ko naman, hindi naman siya gagawa ng isang bagay na ikakasama niya. At si Max, don't worry too much. You think papabayaan siya ni Emmeth. I've witness how much he loves her. And you too. Malalagpasan nila lahat ng problema"

"Sana nga. At sana, wala nang dumating pa"

"Pero ano kaya ang plano ni Emmeth?" tanong nito.

"Hindi ko din alam. Pagbalik pa nila bukas saka natin malalaman. At sana kung ano man yon, maging successful sana" panalangin ko "uwi ka na love. May trabaho pa tayo bukas. Para makapag pahinga ka na din"

"You sure you're okay?" Paninigurado pa nito.

"Oo nga. Kasama ni ate si Emmeth so no need for me to worry. Ikaw---mag iingat ka sa pag uwi. At sa mga babaeng nakikilala mo ha. Mamaya may magka interes din sayo at pikutin ka" paalala ko.

"Yes boss. Kiss me na para makauwi na ko" sabay nguso nito.

Mabilis ko din naman itong pinagbigyan pero ang simpleng halik na yon ay lumalim. Tumagal hanggang sa tila naubusan na ako ng hangin sa katawan.

Itinulak ko na ito palayo dahil baka kung saan pa kami humantong.

"I love you" Ang salitang binitawan nito pagkatapos ng isang mainit at matagal na halik na yon.

"Uwi ka na. Baka humirit ka pa" hinila ko na ito patayo sa sofa at hinatid sa kinapaparadahan ng kotse nito.

"If ever na lumagpas tayo don, ready naman akong pakasalan ka" Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"Kasal? " Hindi sa ayaw ko, pero parang ang bilis. Hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala. Hindi sa nagdududa ako sa pagkatao niya, pero ang gusto ko sana, mas makilala ko pa siya ng lubusan.

"Don't worry. Hindi kita mamadaliin. Willing to wait"

"Akala ko kasi iyon na agad ang gusto mo. Hindi pa ako handa"

"I know. At may mga bagay pa din akong gustong gawin bago dumating sa puntong yon. We'll get married once we're both ready"

"Promise"

"Promise"

To be continued...

What if you're ready but the situation are not?

A/N : hindi na muna ako mag reply sa mga comments niyo...basta mag update muna ako 😊

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon