Kakayanin : part 95

575 60 13
                                    

Max

"Ate" pagkikita palang sa akin ni Mint papasok ng bahay ay mabilis na ako nitong nilapitan at niyakap. Alam kong nag alala ito kahit pa sinabi ko sa phone na okay lang ang lahat.

Pero pakiramdam ko, magiging maayos din ang problema. Alam kong gagawin ni Emmeth ang lahat para lang hindi na manggulo pa si Liz. After our conversation last night, mas lumalim ang pagmamahal ko dito. A love I'd never thought na posible pala.

"Mint" gumanti ako ng yakap dito.

"Kamusta ka? Okay ka lang ba talaga? Ano pag uusap niyo ni Emmeth? Anong plano niya?" Ang sunod sunod na tanong nito na nagpangiti sakin akin. Yung totoong ngiti at hindi pakitang tao lang para lang hindi siya mag alala pa.

"Ang dami mong tanong" sabay pisil ko sa pisngi nito "don't worry twinnie. Okay na okay ako. After naming mag usap ni Emmeth, ipinaubaya ko na ang lahat sa kaniya. Susuportahan ko siya sa plano niya pero kung ano yon, hindi ko din alam. Mamaya pupunta ko don sa bahay nila saka ko palang malalaman" kwento ko dito.

"Nakaka curious ha. Pero anyways, wish ko na sana matapos na ng problemang yan. Kaka stress" sabay hawak nito sa ulo niya.

"Anong nangyari kagabi after naming umalis ni Emmeth?"

"Wala naman. Pag alis niyo, umalis na din si Liz. Kami ng barkada, napag usapan kayo. And Emmeth's friend said, alam nilang may plano na yon kaya hindi sila nag aalala. At naniniwala ako sa sinabi nila. Since narito ka na, at kahit papano ay nabawasan ang pag aalala ko sayo, I need to go. May meetings pa ako and pina adjust ko lang yung time so----bye for now. And tell.me.the news asap kung ano ang magiging result ng plano ni Emmeth"

"Okay----ingat twinnie. Love you""muli ko itong niyakap ng mahigpit saka hinalikan ito sa pisngi.

-

7 pm

Nasa bahay na akong muli ni Emmeth. 8 pm ang sinabi niya sakin na usapan nila ni Liz na magkikita.

"Beb" papasok palang ako ng gate ng bahay nito ay sinalubong na niya ako ng isang mahigpit na yakap at mabilis ngunit mainit na halik sa mga labi ko.

"Hi" matipid na sagot ko.

"I miss you" na sinagot ko ng isang irap.

"Kagabi lang tayo magkasama beb" hinila ko na ito papasok sa loob ng bahay nito.

There's a table for two but not like dinner by candlelight. Casual lang.

"It's not a date okay" pauna agad nito "Gusto ko lang ma feel niya na I'm not up to something. That I care for her and her baby. Then, gagawin ko yung plano ko"

"Ano talaga ang plano mo Emmeth?" Kahit ako ay curious na.

"This" May inilabas itong isang maliit na bote sa bulsa nito.na hindi ko naman alam kung para saan yon.

"Para saan yan?"

"I asked a doctor kung safe ito ipainom sa buntis and he said yes but just a little amount. Sleeping pills" Ang sagot sa tanong ko.

"Papatulugin mo siya?" Hindi ko parin makuha kung ano talaga anong plano niya at bakit kailangan niya ng sleeping pills.

"Yes----it's the only way para ma ipa-check natin siya sa OB nang hindi niya namamalayan. After that, ako na ang bahalang gumawa ng alibi para hindi siya magtaka kung magising man siya at nasa hospital na" napanganga nalang ako sa sinabi nito.

Hindi ko akalain na ganon ang plano niya.

"And?"

"Malalaman natin kung totoong buntis siya at kung ako nga ang ama ng batang yon"

"You mean DNA?"

"Oo----it's the only way para malaman natin ang totoo. And in an hour, mangyayari na ang plano ko"

Mas lalo akong humanga sa determination nito na makawala sa pamba-blockmail ni Liz. Na hindi siya nito mapapasunod sa mga gusto niya.

"Never imagine that you could've come up with that kind of plan" In a praising tone.

"That's what love can do. Kung ikaw yon, kahit iuwi mo na ko ngayon din"

I can't help but to kiss him. This man never feared to show his feelings for me kahit noon pa.

Then we heard the buzz.

"She's here. Hide somewhere else, make sure na hindi ka niya makikita okay" for one last time before he let go of me, he kiss me on the lips "tonight, matatapos din ang lahat"

"I trusted you with this" saka ako lumayo at nagkubli sa corner ng isang antique cabinet.

Ilang minuto lang at dumating na si Liz. At hindi ako nagtataka kung bakit ganon nalang ang ngiti nito. Iniisip nitong nagtagumpay na siya.

"Come in" pagpapatuloy ni Emmeth.

"Thank you-----wow" sambit nito ng mapadako ang atensyon nito sa dining na inihanda ni Emmeth "you made this?" Tanong pa nito.

"I'm just thinking about the baby. Hindi ka dapat nagpapa gutom" Kung hindi ko alam ang plano ni Emmeth, iba ang iisipin at mararamdaman ko sa nadinig ko.

"Really? So ibig bang sabihin nito na kami ang pinili mo " kitang kita ko ang kagalakan sa muka ni Liz sa sinabi ni Emmeth.

"I don't have a final decision yet. But I'm still worried about that baby" Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Niyakap at hinalikan nito sa pisngi si Emmeth.

Alam kong hindi iyon napaghandaan ni Emmeth kaya hindi ito nakaiwas. Tumingin ito sakin at batid ko ang pag aalala sa muka niya. Nag okay sign na lang ako dito para hindi na ito mabahala pa. Kay Liz ako naiinis dahil may mga babae talagang makakapal ang mga muka na gagawin ang lahat para lang maagaw ang lalaking gusto nila o kahit pa sabihing committed na ito, hahanap at hahanap sila ng paraan para makuha ang ibig nila.

"I'll go get our food. Just wait here" sabi ni Emmeth kay Liz.

Alam kong iyon na ang time para maisagawa ang plano niya.

Ilang minuto lang at kumakain na silang dalawa.

"It's yummy. You really prepared this for us" Ang hindi makapaniwalang sambit ni Liz habang panay ang kain.

"For the baby" tugon ni Emmeth.

"It's okay. For the baby for now" Alam kong may laman ang sinabi ni Liz.

Talagang umaasa itong makukuha niya si Emmeth sa paraang alam niya.

Si Emmeth, tahimik lang at nakamasid kay Liz habang kumakain. Manaka naka ay pa simple itong titingin kung nasaan ako.

"The food was good. Nabusog ako sobra. Thank you sa effort honey" honey! Pilit pa nitong inabot ang kamay ni Emmeth na nakapatong sa ibabaw ng table.

Ibig ko nang lumabas sa pinagtataguan ko at sabunutan si Liz. 

Panay ang kwento nito tungkol sa kung ano ang ipapangalan niya sa baby nila, future plans etc.

Na nakakairita.

Ilang mimuto pa ang lumipas nang tumayo si Liz para lapitan si Emmeth ng bigla itong napahawak sa ulo nito.

This is it...

To be continued..

You can win against your enemy without using your strength...use your mind, tactics and know your enemy.



Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon