Two days ng burial ni lolo Fredo sa mismong mansion din nito. Dumating si Dani, at ang mga magulang nito. Si mommy Cynthia na hindi iniwan si Mint sa mga oras na kailangan siya nito. Si Emmeth ay sa gabi lang nakakapunta dahil marami itong trabahong hindi naasikaso noong kasalukuyan siyang nagluluksa sa pagkawala ni Max.Mint was having a hard time. Kakamatay lang ng ate niya and now, ang lolo Fredo naman niya. Literally, she's now alone. At hindi niya alam kung paano muli magsisimula. Kung saan, kung kailan. She now had everything but had no one. At mas masakit yon. Mas masaya pa ang buhay nila noon ng ate niya na kahit walang wala sila, yung makaraos lang, pero alam niyang may kasangga siya sa lahat ng oras.
She's just thankful dahil sa mga oras na yon, naroon ang tita Cynthia niya na palaging nakaalalay. She may not be her real mother pero nararamdaman niya ang pagkakaroon ng isang ina sa pamamagitan nito.
"Mint" Si Dani na naupo sa tabi nito.
Tumango lang si Mint saka matipid na ngumiti.
"Alam kong hindi madali. Just remember, nandito lang ako okay. I'm one call away" pinilit ni Dani na pagaanin kahit papano ang bigat na nararamdaman ni Mint ng mga sandaling yon. Hindi man niya nararanasan ang pinagdadaanan ni Mint, alam niya sa sarili niyang it wasn't easy and will never be easy.
"Salamat Dani. Salamat din kasi nandito kayo"
"When we heard about the news. Hindi lang ako ang nag decide na umuwi. Pati narin si dad. Lolo Fredo is like a family for us. Pero after mailibing ni lolo Fredo, aalis din kami. Alam mo naman ang trabaho ni dad" Ang paliwanag ni Dani na naiintindihan naman ni Mint.
"Ikaw kamusta?" balik tanong ni Mint.
"Heto medyo busy nga eh. Alam mo na graduating na so----kung makakapunta ka, I'll be happy. Pero kung hindi, don't worry. I will truly understand. Padala mo nalang yung gift ko" na sinundan ni Dani ng isang malaking ngiti. Ngiting nakapag pangiti din kay Mint.
"Salamat ha----best friend" ani Mint.
"You're very much welcome----bestes friend" saka ginulo ni Dani ang buhok nito.
And Emmeth saw that. He's happy seeing Mint smiling kahit pa nasa ganoong sitwasyon. He can't make her happy dahil kahit siya, he don't know how to be happy again. Mahirap mag pretend na masaya ka.
"Mint" nang mapag isa si Mint ay nilapitan ito ni Emmeth.
Nilingon ito ni Mint saka bahagyang nginitian.
"Boyfriend?" Ang pagtukoy nito kay Dani.
"Sino?" Pagtataka ni Mint sa tanong ni Emmeth.
"Him" sabay turo nito kay Dani habang may kausap.
"Dani?"Pag confirmed ni Mint na tinanguan ni Emmeth "Hindi no. Kaibigan ko yon. Naging kaibigan noong nagpapa gamot ako sa ibang bansa. That man, yung kausap niya. That's my personal doctor. Mr. Perez, his dad. And the woman beside him, it's his mom. We're not really close pero I can say na mabuti silang tao. And yung lolo niya is, kaibigan ng lolo ko at ng lolo mo" kwento ni Mint.
"Small world" yun lang ang tanging na sambit ni Emmeth.
"Oo nga eh. Parang destined talaga na napunta ako sa ibang bansa. Parang nagkaroon muli ng connection"
Destined!...pero yung destiny ko, pinaglaruan ako.
"Okay ka lang" pag puna ni Mint sa biglaang pananahimik ni Emmeth.
"I am" sabay buntung hininga nito.
-
After two nights and one day, hinatid na rin sa huling hantungan ang labî ni lolo Fredo. Katabi ng pinag libingan ni Max.