"Mint, may gusto akong ipakilala sayo" pinapunta ni Max ang lolo Fredo nila sa hospital. Alam niyang naiintindihan na ng lolo nila ang ibig sabihin non. Labag man sa loob niya, pero nakasalalay sa desisyon niya ang buhay ng kapatid niya. Gustuhin man ni Max na magalit sa lolo Fredo nila, nagsawalang kibo na lamang siya. Naiintindihan niya din naman ang rason ng lolo nila. Pero mali lang ang napili nitong paraan.
"Sino ate" tanong ni Mint na noon ay nakahiga parin sa kama ng naturang hospital kung saan siya pinaghirapang dalin ng kapatid niya. At laking pasasalamat niya sa ate niya dahil kahit hirap na hirap ito sa kaniya, ay pinilit parin nitong maisalba ang buhay niya ng gabing yon.
Nakita ni Mint ang paglapit ng isang matanda.
"Mint, siya si lolo Fredo"
"Lolo Fredo?" Pagtataka ni Mint.
"Oo Mint, tatay siya ni mama. Kailan lang kami nag kakilala"
Lumapit si lolo Fredo kay Mint. At maluha luha ito ng makita ang isa pang apo na kay tagal niyang hinanap.
"Apo" Ang salitang lumabas sa bibig ng matanda.
"Totoo po bang lolo namin kayo?" paninigurado ni Mint.
"Oo apo. Ako ang lolo niyo. Patawarin niyo ako dahil ngayon ko lang kayo natagpuan. Pero sa maniwala ka at sa hindi apo, matagal ko na kayong pinapahanap. At sa wakas, nakita ko din kayo" hinawakan ng matanda ang mga kamay ni Mint at mariing pinisil ang mga iyon upang ipadama ang sobrang kaligayahang nararamdaman niya.
"Lolo" sambit ni Mint.
"Ang apo ko" noon ay bahagyang naupo si Mint para mayakap ang lolo nila ng ate Max niya.
"Mint, narito ang lolo para matulungan niya tayo" Si Max.
"Ipapagamot kita apo. Ipapadala kita sa ibang bansa para magamot ng mga dalubhasa" sabi ni lolo Fredo kay Mint.
"Po? Sa ibang bansa?" Kahit malinaw na narinig ni Mint ang sinabi ng lolo nila ay sinigurado niya parin kung hindi siya nagkakamali sa narinig.
"Oo apo, mas advance ang technology don saka mas maraming mahusay na doctor ang gagamot sayo. Gagaling ka apo" Ang sagot ni lolo Fredo.
"Mint, nag usap na kami ni lolo tungkol diyan. At tama siya, mas makakabuti kung sa ibang bansa ka niya ipapagamot. Mas mapapabilis ang pag galing mo" sabi ni Max sa kapatid.
"Pero ate, magkakalayo tayo" Alam ni Mint na para iyon sa kaniya pero sa isiping siya lang mag isa ang pupunta sa ibang bansa, kinakabahan siya.
Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ng hospital.
Si Emmeth.
"Babalik ako" paalam ni Max kina Mint at lolo Fredo.
Bakit narito si Emmeth? ...katanungan sa isip ni Mint.
"I thought something bad happened to you kaya nag madali akong pumunta dito" panimula ni Emmeth ng makalayo na sila sa kwarto ni Mint.
"Walang nangyari sakin. Pero may kailangan akong ipakiusap sayo" diretsahang sabi ni Max.
"Ipakiusap? Tungkol saan?" kunot noong tanong ni Emmeth.
"Ipapadala si Mint sa ibang bansa ni lolo. Kung pwede, habang narito siya sa hospital, samahan mo siya"
"What? Alam mo bang sinasabi mo?" tila hindi makapaniwalang sambit ni Emmeth.
"Oo. Emmeth, hindi man diretsahang sabihin sa akin ni Mint. Alam kong mahal ka parin niya----
