"Welcome to our humble home" Ang wika ni Dani kay Mint. Mr. Perez already gave a go signal para mailabas ni Dani si Mint sa hospital.
Simple ang ayos pero alam ni Mint, all the things inside Dani's home are worth.
"Ang ganda" Simpleng papuri niya.
"Mom's personal choice-----from furnitures, designed. Favorite pastime niya kasi to kaya hayan" habang umiikot si Dani sa harap ni Mint.
"Nasaan siya?"
"I'll call her. Maupo ka muna" inaya ito ni Dani sa sala nila at pinuntahan ang ina sa kwarto.
"Mom----Mint is here" after nitong kumatok sa pintuan ng kwarto nito.
"I'm coming" sagot ng mommy nito.
"I'll wait downstairs okay"
"Yes honey" muling sagot ng mommy nito.
Pag balik sa sala ay nakita ni Dani na binubuklat ni Mint ang family album nila.
"Ay sorry. Na cute-an lang kasi ako" isinara ni Mint ang album at ibinalik sa kinalalagyan nito.
"It's okay. Puro baby pictures naman ang laman niya so" nangingiting sabi ni Dani.
"Yeah----I saw one. Ang cute"
"Really? What about now?" May halong proud ang paraan ng pagkakataong nito kay Mint na ikinatawa naman ng isa.
"Gusto mo ng honest answer or what?"Mint crossed her arms.
"Wag na lang. Baka hindi ko magustuhan ang sagot mo base sa itsura mo" May ngiting sagot nito.
"Hey there" Dani's mom.
"Hey mom. This is Mint, yung patient ni dad and-----lolo Fredo's granddaughter" pakilala ni Dani.
"Hi iha. Finally, nagkita din tayo-----my husband told me about you and itong si Dani din" niyakap nito ang dalaga.
"Salamat po. Nice meeting you po" sagot ni Mint.
"Have a sit----son, kunin mo yung merienda na ginawa ko" utos nito sa anak.
"Wag na po" pagtanggi ni Mint.
"Ay nako----ginawa ko talaga yon para sayo. That was my favorite kaya gusto kong matikman mo, and-----ngayon lang kami nagkaroon ng bisita na hindi namin kamag anak or neighbors. At si Dani pa ang nag invite sayo-----so" May halong panunukso ang mga ngiti sa labi ng mommy ni Dani.
"Sige po. Salamat po"
"You're always welcome. Sana mapadalas ang pagpunta mo dito. Bye the way iha----just call me tita Maris"
Ngumiti ng alanganin si Mint dahil nahihiya siya sa mommy ni Dani. First time lang kasi silang nagkita "si-sige po. Tita Maris"
"Here it is mom" dala ni Dani ang isang tray na may lamang cinnamon rolls with fresh buko juice na inilapag nito sa center table.
"Thanks son----here iha. Taste it" Ito na ang nag abot ng cinnamon rolls kay Mint.
"Salamat po" na inabot naman ni Mint saka kumagat ng maliit.
"So?"
"Kayo po talaga nag bake nito? Ang sarap po" saka muling kumagat si Mint ng cinnamon roll.
"Glad you like it. Don't worry, ituturo ko sayo kung paano gawin yan para naman------nilingon ni Maris ang anak na nakatitig lang kay Mint "para naman in the future, may iluluto ka din sa future husband mo" at doon nasamid si Mint na mabilis na nilapitan ni Dani at iniabot ang baso ng buko juice.
