"Anong importante yung sasabihin mo at gusto mong magkita tayo?" paunang tanong ko kay Hope."Maupo ka muna" utos nito.
Sa isang kalawanging upuan kami naupong dalawa. Huminga muna ng malalim si Hope bago nagsalita, pero hindi ito sa akin nakatingin kundi sa kung saan.
"Katulad niyo ni Mint, kambal din kami ni Liz. Walang halos pagkakaiba. Katulad mo mahal na mahal ko si Liz. At ayaw kong masaktan siya. Labag sa loob tong gagawin ko, pero kailangan" sabi nito na ikinagulo ng isipan ko dahil hindi ko ito maunawaan.
"Anong ibig mong sabihin?'
"Mahal mo si Emmeth, mahal ka din niya. Pero mahal din ni Liz si Emmeth" muntik ko nang mabitawan ang librong hawak ko sa ibabaw ng kandungan ko.
"Mahal niya si Emmeth?" Pag ulit ko sa narinig ko.
"Oo----mahal niya si Emmeth. At alam kong may nararamdaman si Emmeth para sa kaniya. Dahil kung hindi-----tumigil ito sa pagsasalita na lalong ikinakaba ko.
"Dahil kung hindi ay ano?" Gusto kong ipagpatuloy niya ang nais niyang sabihin kahit pa may kaba akong nararamdaman.
"Dahil kung hindi ay hindi mangyayari ang hindi dapat mangyari ng gabing yon" sagot nito na mas lalong ikinagulo ng isip at damdamin ko.
"Ituloy mo" sabi ko dito habang unti unting humihigpit ang hawak ko sa librong nasa kandungan ko.
"Noong hinahanap ka nila, araw araw silang magkasama at palagay ko, doon nahulog ang loob nila sa isat isa. At dahil don, may nangyari sa kanila" pakiramdam ko ay namanhid ang puso ko sa mga narinig ko.
"Buntis si Liz. At si Emmeth ang ama" sa huling sinabi ni Hope ay para iyong bombang sumabog sa harapan ko.
"Hindi pa alam ni Emmeth ang lahat lahat. Sayo ko unang sinabi. Bilang kapatid ni Liz, gagawin ko ang lahat wag lang siyang masaktan. Alam kong hindi makikipag hiwalay sa iyo si Emmeth kung siya ang kakausapin ko. Kaya sa iyo sana ako makiki usap. Alang alang man lang sa magiging anak nila" dugtong pa nito.
"Anong ibig mong mangyari?" Muling tanong ko na pilit pinipigilan ang mga luhang nais nang kumawala sa mga mata ko.
"Ikaw ang gumawa ng paraan para layuan ka ni Emmeth. Alam kong hindi mo maaatim na lumaking walang ama ang magiging anak nila. Ayaw kong maisip ni Liz na ipalaglag ang bata sa oras na hindi siya panagutan ni Emmeth pag nagkataon" Gusto ko ng tumayo. Tumakbo. Umiyak. Sumigaw. Pero tila ba kahit isang letra ay walang nais lumabas sa bibig ko. Ni ayaw bumuka ng mga labi ko. Para bang gumuho ang lahat lahat para sa kaniya.
Si Emmeth.
Si liz.
At ang magiging anak nila.
Anong pagsubok na naman ba ang inilatag sa kaniya ng pagkakataon? Sinusukat ba talaga ng Panginoon ang tibay niya? Dahil kung Oo...nagtagumpay siya.
-
Madiin ang naging pag apak ko sa pedal ng race car na gamit ko. Doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Kung mamamatay ako, mas mainam. Wala na akong iisipin pa. Wala na akong mararamdaman pa.
Ilang beses bang muntik nang mabangga ang sinasakyan niya sa mga gulong na nagsisilbing harang sa race track. Pero sa huli, kakabigin niya. Parang may nagtutulak sa kaniyang mali ang gagawin niya.
Makalipas ang halos isang oras, noong mailabas ko ang lahat ng nararamdaman ko, kusa akong tumigil sa pagmamaneho. Isinandig ko ang ulo ko sa manibela at pinakawalan ang mga luha ko.