"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Ara?" Ang patuloy na pag uusisa ni Mint habang papunta sila sa bahay nila Maria."Opo ate Mint. Hindi po ako nagsisinungaling. Kamuka niyo po talaga si ate Maria"
Kung totoo ang sinasabi ni Ara...hindi nagkakamali ang pakiramdam niya. Naramdaman niya ang ate niya sa mga bracelet na yon.
Si Emmeth ay halos patakbo na ang ginagawa nang marinig ang lahat ng sinabi nang batang si Ara. Na kamuka nito ang babaeng nagngangalang Maria. Ang babaeng gumagawa ng mga bracelet.
Sana nga si Max na ang babaeng yon...Sana nga.
Ang naiwan sa rest house na sila Katelyn at Cheska ay parehong kinakabahan sa lakad nila Mint.
"Si Max nga kaya yung sinasabi ni Ara?" tanong ni Katelyn.
"Sana. Ang tagal na din nilang hinahanap si Max di ba"
-
Madilim, at puro puno ang daan na tinatahak nila. Pinaka bungad iyon ng kagubatan.
"Ara mag iingat ka" paalala ni Mint.
"Sanay po ako sa ganitong lugar ate Mint" sagot ni Ara.
"Watch your step Mint" ani Emmeth.
"Si Max nga kaya yon?" tanong ni Uno.
"Paano kung hindi si Max?" tanong ni Niel.
"Malakas ang pakiramdam ko. Kambal kami kaya ramdam ko" sagot ni Mint sa tanong ng dalawa.
"Malapit na po tayo" mula sa nilalakaran nila ay tanaw nila ang isang kubo na wala ka halos maaninag na ilaw sa loob ng bahay. Sa tulong ng kakarampot na liwanag ng buwan kaya lang makikilalang may bahay na nakatayo doon.
Tumahip ng malakas ang kabog ng puso ni Mint kaya napahinto siya sa paglalakad.
"Bakit Mint?" Tanong ni Emmeth.
"Nararamdaman ko Emmeth. Nandito si ate Max. Nararamdaman ko siya" sabay pagpatak ng luha ni Mint.
"King" pagtawag ni Ara mula sa labas ng bahay "king, ako to si Ara" Ulit nito.
Maya maya ay isang batang lalaki ang nag bukas ng pintuan.
"Oh Ara. Bakit ka nandito?" Tanong ng batang si King.
"Eh may kasama ako. May hinahanap sila" sagot ni Ara.
"King, sino ba yan ha?" Isang boses ng matanda ang narinig nila.
"Lola, si Ara po. Pero may kasama siya" sagot ni king.
"Sino naman at saka gabi na ah" muling sagot ng matanda.
"Lola, may hinahanap po kasi sila. Si ate Maria po" sagot ni Ara.
"Si Maria? Bakit naman?" Muling tanong ng matanda.
"Magandang gabi po" Si Emmeth na ang lumapit sa matanda.
"Magandang gabi naman iho. Sino ba kayo ha? Gabi na ah. Ano ba kailangan niyo?" Sunod sunod na tanong ng matanda.
"May hinahanap po kasi kaming tao. Sabi po ni Ara, dito daw namin matatagpuan. Bibili po kasi kami ng mga bracelet na gawa niya" sagot ni Emmeth.
"O eh magsi pasok kayo. Pasensya na kayo at kubo lang ang bahay namin hane" sabi ng matanda.
"Okay lang po" nauna na si Emmeth kasunod sina Mint, Niel at Uno.
Ang matanda ay pumunta sa likurang bahagi ng bahay para tawagin si Maria.
"Sa labas lang po kami ate Mint" paalam ni Ara kasama si King.
"Sige. Pero wag kang lalayo ha" bilin ni Mint dito na tinanguan nalang ng dalagita.
Ilang minuto ang nakaraan ng bumalik ang matanda.
"Sandali lang mga anak hane. Ako nga pala si lola Panying. Ang may ari ng kubo na ito"
"Magandang gabi po lola Panying" sabay na sambit nina Niel at Uno.
"La, sino po yung naghahanap sakin?" Si Maria.
Napakapit si Mint sa upuan ng makita ang taong hinahanap nila habang si Emmeth naman ay napatayo sa upuan nang makita ang babaeng pinaka aasam asam na makita.
Pati sina Uno at Niel ay hindi makapaniwala sa nakikita.
Si Maria ay biglang nakaramdam ng kakaiba mula sa mga taong naghahanap daw sa kaniya. Kakaiba ang tibok ng puso niya----na nararamdaman niya lang sa isang tao.
"Ate Max" Ang boses na narinig niya. At hindi siya maaaring magkamali.
"Mint" mahinang usal niya kasabay ang pagtulo ng mga luha niya
Patakbong nilapitan ni Mint ang kapatid at niyakap ito ng napaka higpit.
"Ate"
"Mint"Naging mahigpit ang yakap ng kambal sa isat isa na parehong luhaan. Tipong walang nais bumitaw, walang nais na tapusin ang sandaling yon na muli silang nagkapiling. Hikbi at mahinang pag sambit ng pangalan ng bawat isa ang tanging maririnig ng mga oras na yon.
Hindi makapaniwala si Maria o Max na magkikita pa silang muli ni Mint. Inisip niya na karma ang nangyari sa kaniya noong pinili niyang umalis at talikuran ang kapatid. At dagdag pang karma sa buhay niya ay ang mawalan ng paningin na hindi niya kailanman isinisi sa Panginoon. Alam niyang iyon ang kapalaran niya kaya tinanggap niya ng buo sa puso niya. Maswerte parin siya dahil may isang matanda ang kumupkop sa kaniya at tinuring na parang tunay na anak. Na sa kabila ng kahirapan ng buhay nila, hindi niya kailanman narinig na nag reklamo ito.
"Sumama ka na sa amin ate. Iuuwi na kita ha. Uuwi na tayo. Magkakasama na ulit tayo" Ang patuloy na pagsasalita ni Mint sa pagitan ng pag luha nito.
Tango na lamang ang naging tugon ni Max dahil sa wala na siyang masabi ng mga oras na yon. Pakiramdam niya, ang pagkikita nilang iyon ang magiging simula nang lahat.
To be continued...
When start was an end...paano yon?