Kakayanin : part 74

635 64 7
                                        


Liz

You can't have him Max. Emmeth is mine. Just mine. And I'll do everything just to get him.

Nakakuyom ang mga palad ni Liz habang nakatingin sa napaka sweet na tagpong inabutan niya. She lied para lang hindi nila makita si Max but she failed. Pero hindi siya titigil hanggat hindi niya napag lalayo ang dalawa.

When there's a will, there's a way.

Saka sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Liz.

-

Matapos ang hapunan ay naupo ang lahat sa sala. Maliban kay Liz na mas piniling mapag isa dahil sa nakitang sitwasyon. Pares pares ang nandoon. At kahit gustuhin niyang tumabi kay Emmeth, hindi maari dahil nasa tabi nito si Max, na ikinaiinis niya. Nasaksihan niya kung gaano ito ka lambing sa dalaga. Kung gaano ito kaasikaso. Na kulang nalang ay ito pa ang magsubo ng pagkain nito. Sa kabila ng mga ngiting ipinapakita niya sa lahat ay ang galit sa kalooban niya. Galit at selos na sa tuwing may lalaki siyang magugustuhan, palagi siyang may kaagaw.

Iniwan ni Liz ang mga kasamahan nito na nagpupuyos sa galit.

Just enjoy the moment Max, dahil hindi yan mag tatagal. Hindi mag tatagal ang kaligayahan niyong dalawa...sa isip isip ni Liz bago tuluyang isinara ang pintuan ng kwartong inookupa niya.

"We're happy that you're already here Max" ani Rick habang nakaakbay sa fiance niya.

"Salamat nga pala sa inyong lahat. Alam ko ang mga ginawa niyo, yung paghahanap niyo sakin. Sorry kung naabala ko kayo?" nahihiyang sambit ni Max. Kahit hindi niya nakikita ang mga kaharap niya, ramdam niyang nakatuon ang mga atensyon nito sa kaniya. Lalo na ang laking katabi niya na palaging hinahaplos ang balikat niya.

"Pero Max, paano kang nakaligtas?" Tanong ni Rick.

"Paano ka napunta dito?" Tanong naman ni Niel.

Hinawakan ni Emmeth ang mga palad ni Max, ipinaramdam nito sa dalaga na naroon lang siya sa tabi nito.

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ni Max bago nagsalita. At kung ano ang kwento nito kay Emmeth ay ganon din ang sinabi nito sa lahat. Lahat ay nakatutok lang sa pakikinig sa mga kwento ni Max at mayroong nagulat sa pangyayari kung paano siya nabulag. They can't imagine that scenario.

"It's not yet your time Max" ani Rick.

"That's what she said to me while ago" ani Emmeth.

"Hindi niya pa kasi ako pwedeng iwan----di ba ate" ani Mint.

"Syempre naman" nakangiting tugon ni Max.

"Nga pala ate-----may ipapakilala ako sayo" ani Mint "this is Colbie" hinila nito ang kamay ni Colbie at Max para mag kamay "Colbie, si ate Max. Hindi ko pa siya boyfriend ate ha, nanliligaw palang" defense agad ni Mint.

"Hi Colbie" ani Max.

"Max nalang itawag ko sayo ha. Halata namang mas matanda ako" ani Colbie na ikinangiti nina Max at Mint.

"It's okay" tugon ni Max.

"He also help us sa paghahanap sayo from day one" kwento ni Mint.

"Ganon ba. Salamat Colbie ha. Pasensya na din sa abala" muling paghinging paumanhin ni Max.

"No problem. I'm glad na nandito ka na" ani Colbie.

"I guess what had happened turned to be a blessing" walang ano'y na sambit ni Vien.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Mint sa kaibigan.

"Look----nawala si Max. Lahat tayo hinanap siya. Hanggang sa heto na, we've came up to an idea, a vacation para kay Emmeth. Who would have thought na yung pagpunta pala natin dito----dito din pala natin matatagpuan si Max. And not only that. We're all together di ba. Kumpleto tayo. And I know, one of best days of our life lalo na sayo Mint at Emmeth. Para bang meant to be talaga yung mga nangyari. And in God's will, tuloy tuloy na. Para sayo Mint at Colbie, then sina Emmeth at Max na nagka hiwalay muna pero look, pinagtagpo parin ng tadhana. Things falling into right places" Ang nakangiting pahayag ni Vien.

"You're right Vien,  true love conquers all" Ang pahayag naman ni Katelyn habang magkasalikop ang mga palad.

"Since maganda ang naging result ng vacation slash reunion na to----a celebration is a must di ba guys" suhestiyon ni Uno.

"Yownnn----yon ang iniintay ko. Give me five bro" saka inilahad ni Niel ang palad kay Uno na tinugon agad ng isa.

"Yan----diyan kayo magaling" isang pinong kurot ang ipinatikim ni Cheska sa nobyong si Niel.

"My love naman. Wag mong ipakitang under ako sayo" paglalambing ni Niel sa girlfriend nito.

"Under under. Sumusunod ka ba?" Ani Cheska habang nakataas ang mga kilay.

"Buti pa si baby ko, hindi ako ina under. Sinusunod lahat ng gusto ko---di ba baby" pa kindat kindat na sabi ni Uno kay Katelyn.

"Talaga ba baby?" Ang naghahamong titig ni Katelyn sa nobyo nito.

"Sabi ko nga. Titigil na" pagsuko ni Uno.

"Lumabas ang mga under" Ang natatawang si Rick.

"Isa ka din" Pag singit ni Vien.

"Ops baka magkapikunan. Ang mabuti pa, magsitulog na tayo. It's been a long day for us kaya magpahinga na tayo. And marami pa kaming pagku kwentuhan ni ate Max" ani Mint.

"True. Late na. At yung celebration, we'll do it tomorrow di ba guys " ani Vien.

"Bonfire party" suggestion ni Niel.

"Tama. Since last day na natin bukas, gawin nating happy and memorable" ani Cheska.

"Girls, tayo ang bahala sa food" ani Vien."and kayong mga boys, kayo ang mag set up ng iba okay" bilin nito.

"Wait----kamusta nga pala yung pagpunta niyo sa hospital?" Pag iba ni Mint.

"Okay naman" sagot ni Vien "Ang sabi lang ng doctor baka may nakain si Liz"

"Baka nga. Tara na guys, tulog na tayo" anyaya ni Katelyn.

"Ihahatid na kita sa room niyo Max" ani Emmeth na mabilis na tumayo mula sa sofa.

"Okay lang. Nandiyan naman si Mint" pagtanggi ni Max.

"Hayaan mo na ate. Kung nakikita mo lang ang ngiti ni Emmeth" ani Mint na masaya sa nakikita. Ang mga ngiti ni Emmeth at ang magandang aura sa muka ng kakambal niya. Kahit sino siguro ang makakita, hindi maitatangging mahal talaga nila ang isat isa.

"Am I that obvious?" Baling ni Emmeth.

"Sobra" chorus nang lahat.

Wala nang nagawa pa si Max ng ihatid nga siya ni Emmeth sa kwarto nila ng kambal niya.

To be continued...

There's a simple love story...pero mas marami ang dumaraan muna sa pagsubok.

But believe or not...those whose been through a lot came out stronger. Coz they've already conquered the pain and heartbreaks.

Kakayanin KayaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon