Kakayanin : part 32

678 64 47
                                    

I have some reader here, not one, not two, not three...shout out to all of you na sa comments lang nagbabasa. It's okay. Pasensya na kung hindi ko kayo mapasaya or hindi ko kayo mapapasaya 😊 I'm not hitting like ano...you know.

Like I always said...kumapit ang gustong kumapit.

And kilala niyo na din ako...I don't make promises.

It's alright kung babasahin niyo lang ito kapag nakita niyo na yung ending.

Hate me or hate me...it's up to you 😉

-

Month later...

"Dad, okay lang naman lumabas ng hospital si Mint di ba?" Out of nowhere ay naitanong ni Dani sa Ama.

"Yes, why?" hinarap ni Mr. Perez ang anak at tinitigan.

"Wala lang. I think, naiinip din siya don. What if, ipasyal ko siya. Or invite her dito sa house. Mom will like that"

"What you really feel about her son?" Diretsang tanong ni Mr.  Perez sa anak.

"Feelings about her? Nothing dad. I just feel comfortable with her. Don't be malicious dad. We're just friends okay" Paglinaw ni Dani.

"Okay, friends. Sabi mo eh" nangingiting sabi ng ama nito.

-

Emmeth already graduated from college and now, he's taking over sa hotel business nila. And si Max, back to school ulit. Sa kagustuhan narin ng lolo niya. But not the same school kung saan nag aral si Mint.

And them, living under one roof. Not complicated pero hindi rin normal. Max treated Emmeth like a stranger. Her reason, para hindi lumalim pa ang nararamdaman niya para dito. Dahil oras na maging okay si Mint, iiwanan niya din naman si Emmeth. At alam niya, hindi maiwasan na masaktan siya. Ngayon niya lang naramdaman yon, ang pahalagahan, na may katumbas na pagmamahal. Kahit binabalewala niya si Emmeth, hindi ito nagsasawang ipakita at ipadama sa kaniya na mahal siya nito. At kung patuloy itong gagawin ni Emmeth sa kaniya, baka tuluyan na siyang mahulog dito. At si Mint naman ang masasaktan.

Bakit nga ba ganon, kahit anong iwas mo, may masasaktan at masasaktan parin? Bakit ba hindi pwedeng masaya nalang ang lahat. Na okay ang lahat. Na hindi komplikado.

At sa oras na umalis ako, masasaktan ko din si Emmeth. Lalo na pag nalaman nito ang ginawa niya. Pero wala akong magagawa. Siya ay para kay Mint, hindi para sakin.

"Ihahatid na kita" Ang bungad ni Emmeth sa kusina.

"Hindi na. Alam mong ayaw ko" Ang sagot ni Max na hindi man lang tumingin sa asawa.

"Hanggang kailan tayo ganito Max? Okay lang sakin na para akong hindi nag e-exist sayo sa bahay na to. Pero kahit man lang yung obligasyon ko bilang asawa mo, pwede ba. Kahit minsan, hayaan mo naman ako" Pag hinayaan kitang mapalapit sakin, baka hindi ko malabanan ang nararamdaman ko. Mas mahihirapan ako.

"Kaya kong pumasok mag isa sa university Emmeth. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid o sunduin. May sasakyan ako" sagot nito.

"You don't have now" sa sinabing iyon ni Emmeth ay napalingon si Max.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon