After almost 2 hours of travel...They've reach their destination."Emmeth" tinapik ito ni Mint sa braso. Katulad ni Max ay nakatulog din ito.
Marahan itong nagmulat ng mata saka luminga sa paligid.
"We're here" sabi pa nito.
"Yup. Ikaw na gumising kay ate. Mag hahanap na kami ni Colbie ng kakainan" bilin ni Mint.
"Okay" sagot nito saka muling isinara ni Mint ang pintuan ng van.
"Beb, wake up" maliwanag na sa labas ng muling sumilip si Emmeth sa bintana ng van "beb" sa ikatlong beses na hinimas niya ito sa pisngi saka lang ito nagising.
Max slowly open her eyes then she smiled when she saw Emmeth.
"Morning beb" ani Max.
"Mas maganda ka sa umaga" May ngiting tugon ni Emmeth saka inalalayan na makatayo mula sa pagkakahiga si Max.
"Si Mint?" Ang unang tanong nito.
"Looking for a place to eat. Gutom ka na?" Tanong ni Emmeth.
"Hindi pa naman, bakit? "
"Let's stay here for a while" hiling nito.
"Bakit?"
"Nothing. I just want to ask something" sagot ni Emmeth.
'Ano yon?"
"Mahal mo ba ko?" Ang tanong nitong ipinagtaka ni Max.
"Beb, alam mong mahal kita di ba"
"Alam ko. Pero mahal mo ba ko dahil mahal mo ko, o mahal mo lang ako dahil mahal kita at marami akong isinakripisyo para sayo"
Kinuha ni Max ang palad ni Emmeth at idinikit sa dibdib niya. Sa tapat ng puso niya.
"Nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko"
Tumango si Emmeth.
"Ikaw ang dahilan kaya panatag ang bawat pag tibok ng puso ko. Kung bakit wala akong nararamdamang takot o pag aalinlangan. Mahal kita beb. Higit pa sa alam mo. At kung mawawala man ako sa mundong ito at muling mabuhay, kung papipiliin ako, kung gugustuhin ko, gusto ko ikaw yon. Ikaw lang at walang iba" saka mabilis na itong hinalikan ni Max.
Halik na buong init na tinugon ni Emmeth.
-
Mint
Mabilis lang kaming nakahanap ni Colbie ng makakainan dahil maaga pa ng sandaling yon. Halos tulog pa nga siguro ang iba.
"Text ko lang si ate, baka gising na yon"
"Nope---later. Come with me" sabay hila sa akin ni Colbie na hindi ko alam kung saan ako balak dalin.
"Look" na kaharap kami ngayon kung saan unti unting sumisikat ang haring araw. The most beautiful scenery I've ever seen. Napangiti ako sa napakagandang tanawin na yon.
"Ang ganda love" bulalas ko.
"I know. But the person who's looking at it right now is more beautiful" napalingon ako dito. And my guess is right. He's not looking at the sunrise, he's staring at me.
Marahan akong humarap dito na hindi inaalis ang mga mata ko sa mata niya.
"Gusto kong marami pa akong tatanawing magandang pagsikat ng araw na kasama ka" at nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti nito "Hindi ko alam kung ano ang meron ako at minahal mo. But I'm thankful na dumating ka sa buhay ko" marahan kong hinaplos ang pisngi nito "You love me without asking anything. And I want to give it back to you. To make you feel that this heart of mine, sayong sayo lang. Na deserve mo ang mahalin ng buong buo. At handa akong ipadama at ibigay sayo yon. Mahal na mahal kita love. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko" I say sincerely.
He held my hand and place a kiss on top of it without breaking that stare.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm overwhelmed. I'm happy and I'm lucky. I'm not going to say that Apple's death is a blessing in disguise. It's much better when I say destiny made its way for both of us, of me meeting you. I've felt this love that I can't even explain. At isa lang ang hiling ko" he touched the bottom of my lip "at iyon ay hindi ka na mawala pa sa piling ko. Dahil hindi ko kakayanin kung wala ka. I love you so much" It's cold but I've felt warm on his arms as he caged me.
Being in his arms felt like home. A home I wanted to live for the rest of my life.
"And you can rest assured, it's not the only sunrise were both going to witnessed" he whisper. I've felt his lips on my cheek.
Like our hearth and mind are in the same world...that we can both read what we're thinking.
His lips met mine. Soft touch kisses that deepens as the cold wind embraces us. Those kisses and embraces keeping us warm.
"I can kiss you for the rest of my life" he said after he let go of my lips.
"Then do" I told him.
He smiled wider and claimed my parted lips again.
To be continued...
Just love...don't asked why and what.