Walang tigil ang naging pag luha ni Mint, mula pa sa airport hanggang sa makarating siya sa hospital kung saan naroon ang kapatid. At ng sa wakas ay makita niya ang kalagayan ng ate Max niya, mas lalo siyang napahagulgol ng pag iyak. Hindi mo dapat dinanas to ate...hindi dapat. Napaka buti mo para saktan ka ng kung sino man.Nasa likuran ni Mint ang lolo Fredo niya at pilit itong inaalalayan. Nakamasid naman sina mommy Cynthia at Emmeth na hindi na nagsalita pa simula ng ilabas si Max sa E.R.
"Anong nangyari lo?" baling ni Mint sa lolo Fredo nito.
Tumikhim muna ang matanda saka nagsimula "May bumaril sa kaniya habang nasa university siya. Pinapa imbestigahan ko na ang nangyari. Hinihintay ko lang ang tawag ng mga officers na naka assign sa krimen. Huwag kang mag alala apo, makakamit ni Max ang hustisya"
"Pero sino ang pwedeng gumawa nito lolo. Sigurado akong walang kaaway si ate"
"Hindi ko pa din alam Mint. Huwag kang mag alala, hindi ako papayag na malayang nakakapamuhay ang nasa likod ng pamamaril sa kapatid mo. Mabubulok siya sa bilangguan" Bakas ang galit sa tinig ni lolo Fredo ng sabihin yon may kutob na siya...ang kailangan lang ay ang matibay na ebidensiya. At sa oras na mapatunayan niyang tama ng hinala niya, magbabayad siya.
"Kamusta po ang lagay ni ate. Bakit hindi siya gising?" Muling tanong ni Mint sa lolo nila.
"Critical parin ang lagay niya. Binigyan lamang siya ng 24 hours. Pag nalagpasan niya yon, ibig sabihin, ligtas na siya sa kamatayan" ani lolo Fredo.
"Ilang oras na po ang nakakalipas?" Muling pag uusisa ni Mint.
"Meron na lamang siyang walong oras Mint" sa narinig ni Mint ay bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Bukod sa wala pa itong tulog, hindi parin nito magawang kumain dahil sa sobrang pag aalala. Inalalayan siya ng lolo Fredo nito na maupo sa sofa.
Nagpatawag na rin ito ng doctor para masuri si Mint. Ang pag aalala ng matanda ay naging doble. Una ay si Mint na hindi pa tuluyang gumagaling, pangalawa ay si Max na nasa critical paring kalagayan. Naiisip niya tuloy na iyon ang karma sa pakikialam sa buhay ng anak niya noon. Sa pagiging diktador niya. Ang mga apo niya ang nahihirapan.
-
"Senyor Alfredo" Anong pulis na naka assign sa nangyari kay Max.
Nagkita sila sa mismong hospital kung nasaan si Max. Hindi magawang iwanan ni lolo Fredo ang mga apo lalo pa ngayong may nagtangka sa buhay ni Max.
"Anong balita officer?"
"Natunton na namin ang Van na ginamit nila. At ang taong mismong nag drive non" paunang report ng pulis "napaamin namin ang driver, dahil hindi niya pala alam na ganoon ang mangyayari. Binayaran daw siya ng malaking halaga ng mga lalaki at sinabihang wag magsasalita sa ano mang makikita nito. Pero hindi niya daw kayang manahimik dahil nakokonsensya na siya. Here's the sketch ng mga taong nag bayad sa kaniya-----and the good news. Hawak na namin ang isa sa kanila"
"Napaamin niyo ba?" tanong ng matanda.
"That's why we're here. Ayaw umamin sa amin"
"Sige---sasama ako sa presinto. But I need your man to look for my grandchildren. They're not safe"
"Makakaasa kayo Senyor-----Man " pagtawag nito sa dalawang kasamang pulis "kayong dalawa, maiwan dito okay. Bantayan niyong maigi ang mga apo ni Senyor Alfredo. Siguraduhin niyong walang makakapasok na unauthorized person" utos nito.
"Yes sir" sabay saludo ng mga ito.
"Let's go" anito kay lolo Fredo.
-