Napansin ni Max ang pananamlay ni Mint nung makabalik na ito galing sa Baguio. Mabibilang ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
"May gusto kang bang sabihin?" panimula nito.
Tumingin sa kaniya si Mint saka nagyuko ng ulo.
"Alam mong makikinig ako" Ulit ni Max.
"Ate" nag angat ng paningin si Mint saka lumapit sa kapatid at yumakap dito.
"Anong problema?"
"Masakit pala ate" panimula ni Mint. Bagay na ikinagulo ng utak ni Max kung ano ang ibig nitong sabihin.
Kumalas siya sa mga bisig ni Mint saka tinitigan ang mga mata nito.
"Mag tapat ka. May inililihim ka ba sakin?" ramdam kasi niya mayroon nga. Hindi ganoon si Mint noon.
"Ate I'm sorry" nag umpisa nang mangilid ang mga luha ni Mint habang mahigpit na hawak ang mga palad ng kapatid.
"Bakit? Anong inihihingi mong tawad? Anong nagawa mo?"
"Magulo ate. Hindi ko alam. Nagka gusto ako sa kaniya pero hindi ko alam kung may gusto din siya sakin. Tapos nasaktan ako sa nakita ko" na lalong nagpagulo kay Max.
"Sandali Mint, wala akong maintindihan. Ayusin mo nga ang sinasabi mo. Naguguluhan ako" kinakabahan na si Max sa maaaring ipag tapat ng kapatid niya.
Iyon na ba ang ikinakatakot niya?
"Ate I'm sorry. Nagka gusto ako sa isang kaklase ko" nahila ni Max ang mga kamay na hawak ng kapatid niya "Ate I'm sorry. Pero hindi ko naman din alam kung gusto niya din ako. Pero ako, oo ate. Gusto ko siya. Pinigilan ko ang sarili ko ate. Kaso wala eh"
Noon ay napatayo na si Max saka napahawak sa sintido nito.
"Mint alam mo ba ang sinabi mo? Alam mong hindi pwede"
"Ate alam ko. Kaya nga humihingi ako ng tawad sayo. Hindi ko naman sinasadya"
"Mint---alam mong magiging mahirap ang sitawsyon kapag nakipag relasyon ka. Mahihirapan ako"
"Ate hindi naman kami. Hindi ko din naman alam kung gusto niya ko. At kahapon----nakita ko siyang may kahalikan" muling tumulong mga luha ni Mint sa pisngi "nahulog ang loob ko sa kaniya dahil mabait siya"
"Mint----magtatapos ka na. Kaunting panahon nalang" lumapit si Max dito "kung ano man ang nararamdaman mo. Kalimutan mo na muna. Pag naka graduate ka na, hindi naman kita pipigilan. Pero huwag ngayon" pakiusap nito.
"Susubukan ko ate. Pero wag kang mag alala, dahil hindi naman siguro mangyayari ang iniisip mo. Maraming nagkakagusto sa kaniya. Hindi niya ako pagbubuhusan ng panahon. Ako lang naman ang nagka gusto"
"Ilang buwan nalang Mint. After non, kahit ilang boyfriend pa okay lang. Sorry kung nagalit agad ako. Akala ko kasi nakipag boyfriend ka na"
"Umasa lang ate"
-
"What's the feeling after being rejected?" tinabihan ni Hailey si Katelyn sa bench after lunch break.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Katelyn sa sinabi ni Hailey.
"Wow----so may amnesia ka na ngayon? Wait---it came out wrong. Ganito pala dapat----ano ang pakiramdam na harap harapan kang tinanggihan ng taong gusto mo?" Pag ulit ni Hailey.
"Hailey hindi kita maintindihan okay. Pwede bang direstahin mo nalang ako" Medyo naiiritang pagkakasabi ni Katelyn. But she sense na may kinalaman iyon kay Emmeth pero ang ipinatataka niya, paano iyong nalaman ni Hailey.
