Kakayanin : part 67

475 57 7
                                    


Sa dining nang magka kaharap na sila para sa hapunan ay pansin ni Mint ang madalas na pag sulyap ni Liz kay Emmeth. Na sinabi nito kay Colbie ng palihim. Magkatabi sina Emmeth at Liz at panay ang asikaso nito sa binata.

Nang matapos ang hapunan ay nagpa iwan sina Colbie at Mint sa sala.

"Ano sa palagay mo Colbie?"

"I think gusto niya si Emmeth"

"Palagay ko din. Remember, noong makilala niya si Emmeth sa birthday party mo, sumama na siya satin sa paghahanap kay ate Max. And since that day, lahat ng lakad natin, kasama siya. Pero alam niya kung sino ang hinahanap natin di ba. She even heard it. Na may mahal na si Emmeth. Pero bakit lumalapit parin siya?" Ang mga tanong sa isip ni Mint. 

"I don't know. Maybe she's still hoping" Ang naging tugon ni Colbie.

"Hoping for what? Na malipat sa kaniya ang pag tingin ni Emmeth. Malabo yon. You saw that right. Emmeth was still in love with my sister" May inis sa tinig na sagot ni Mint.

"Let's not assume based on what we saw. Baka mali lang tayo. Baka gusto nya lang makipag kaibigan" ani Colbie na pilit iniisip na wala lang ang napansin nila.

"At si Emmeth lang? Come on, marami tayo. Pero it's only Emmeth na palagi niyang inaasikaso. And babae ako Colbie. I can feel that" siguradong sagot ni Mint. She don't have to hear to confirm what she feel.

"I get it Mint. Baka crush niya si Emmeth kaya gusto niyang makipag lapit"

"Which is wrong. Hindi pwede" Mabilis na protesta ni Mint.

"Wait----bakit parang nagseselos ka If makipag close si Liz kay Emmeth"

"Syempre no magseselos ako. Mahal ni Emmeth si ate Max. Mahal ni ate Max si Emmeth. Sila lang dapat no" sabay halukipkip ni Mint na ikinangiti ni Colbie. Iba kasi ang nasa isip niya. Nagiging paranoid na tuloy siya. Mahirap talaga pag wala pang label. Lahat ng takot nasa isip mo.

Napansin ni Mint ang mga ngiti ni Colbie.

"At anong nginingiti ngiti mo diyan ha"

"Wala lang. Cute mo pala mag selos. Sana ganiyan ka din sakin pag nag selos ka"

"So may balak kang pagselosin ako ganon" saka tinaasan ni Mint ng isang kilay ang ngingiti ngiting si Colbie.

"Hindi sa ganon. Sinasabi ko lang" paliwanag ng binata.

"Hindi pa tayo pero may pinaplano ka na. Try mo lang Colbie, aahitin ko yang bigote mo" pananakot ni Mint dito.

"Wohhh wait lang. High blood agad ang baby ko. Hindi tayo ang topic dito"

"Baby ka diyan. Saka ikaw ang nag umpisa" sabay irap ni Mint.

Isang nakaw na halik sa pisngi ang biglang naramdaman ni Mint kaya nabira niya sa braso ang binata.

"Hindi pa tayo pero naka kiss ka na agad" Galit ba siya...syempre hindi no. Nakakakilig din...mga wan pipti.

"Pwede naman kasing maging tayo na. Sagutin mo na kaya ako" sabay pa pungay ng mga mata nito.

"Wag ka magpa cute dahil cute ka na. Tulog na nga tayo. Baka kung ano na isipin  nila " akmang tatayo na si Mint nang biglang itong hilahin ni Colbie.

"Colb---

Hindi natapos ni Mint ang sasabihin niya nang mapagtanto niya kung gaano sila kalapit ni Colbie. Amoy na amoy nito ang mabangong hininga ng binata.

Napalunok tuloy siya ng makita ang mapulang labi nito...

Para namang hindi makahinga si Colbie dahil sa posisyon nila ngayon ni Mint. Hinila niya ito para hindi umalis sa tabi niya pero sa kandungan niya ito napaupo. Nakailang lunok siya dahil sa sobrang lapit nila. Napaka bango ng hininga ni Mint na parang nang aanyaya na halikan ang mga labi ng dalaga.

"Ay anak ng kabayo ni mang Kulas na hudas" biglang napatayo ang dalawa sa sofa nang marinig ang boses ni manang at ang pagbagsak ng dala nitong palangganita "Ay iho Pasensya na. Akala ko'y tulog na kayong lahat. Nako Pasensya na iha at nagulat ko kayo"

"It's okay manang. Matutulog na din naman kami" ani Colbie na medyo namumula sa hiya dahil sa inabutan sila sa ganoong posisyon.

Si Mint ay nanatiling nakayuko dahil sa hiya. Baka kasi kung ano ang isipin ni manang...na may ginagawa sila.

"O sige. Isasara ko lang yung mga pintuan at matutulog na din  ako. Goodnight iho, iha" tumalikod na din ito

Nang wala na si manang ay niyakap ni Colbie si Mint ng mahigpit.

"Sorry" bulong nito sa dalaga.

"Harot mo kasi" ani Mint saka tiningala si Colbie

At isang malaking pagkakamali ang ginawa niya

Dahil nangyari ang hindi na tuloy na dapat na mangyari kanina lang.

Mulat ang mga mata ni Mint ganon din si Colbie dahil sa gulat nilang pareho.

Ilang segundo ding magkalapat ang kailangan mga labi pero walang gumagalaw.

"Ahemm" sabay silang naghiwalay ng may tumikhim muka sa kung saan.

Si Emmeth

Hindi naman na ito nagsalita at tumuloy lang sa kusina na palagay nila ay uminom. Bumalik din ito agad at diretsong umakyat sa hagdan.

"Time to sleep Mint" Ang sinabi ni Emmeth bago tuluyang nawala sa paningin nila.

Hiyang hiya si Mint sa nangyari kaya muli siyang napayuko. Alam niyang namumula ang muka niya ng mga oras na yon.

Naramdaman nito nang marahang itaas ni Colbie ang baba niya para tumingin siya dito.

"I love you" ani Colbie saka mahigpit na niyakap ang dalaga na namumula parin dahil sa hiya.

As long as kaya niya...hindi siya mag te-take advantage kay Mint. What happened is just an accident. A kind of accident he'd  probably love to happened again..

To be continued...

And I think they love that too 😊

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon