Kakayanin : part 06

1.1K 93 68
                                    


4 pm Friday

"Emmeth heto yung name list na I-screen test niyo mamaya" inabot ni Katelyn kay JZ ang isang papel kung saan nakasulat ang mga mag ta-tryout para sa magiging representative ng school para sa gaganaping fund raising project.

Binasa ito ni JZ at hindi na ito nagulat nang makita niya ang pangalan nina Katelyn at Hailey.

After thirty minutes, nag start na ang screen test.

Kung sa looks ibabase ni JZ ang qualifications, okay naman lahat. Pero para sa kaniya, wala yung charm or x-factor na hinanap nila. He's pretty sure na hindi sila mananalo para makuha ang naturang prize na three million pesos.

"We will announced kung sino sa inyo ang nakapasa sa screening sa Monday" anunsiyo ni JZ sa lahat after matapos ang mga nag tryout.

Nang maiwan nalang sila at ang mga judges na kinuha niya ay kinausap niya ang mga ito.

"May napili po ba kayo sa kanila?" tanong ni JZ sa mga ito.

"Actually Emmeth, okay naman silang lahat. The thing is, parang nakukulangan ako" isang retired Professor.

"Tama siya. Okay naman kung ganda ang pag uusapan. Kaya lang may kulang, kahit ako hindi nila ma convinced" a highschool student from other school.

"Kayo po tatang?" baling nito sa isang vegetable vendor.

"Katulad ng sabi nila. Okay naman silang lahat. Kung ganda ang pag uusapan. Ayos din naman makipag usap. Yung Hailey, mukang matamis ang dila, pero makikita mo sa mga mata nito na ginagawa niya lang yon dahil utos sa kaniya. Yung Katelyn, okay din. Pero parang kulang sa spirit. Tindero ako ng gulay sa loob ng mahabang panahon. At sa dami ng taong nakakasalamuha ko, natuto akong kumilatis ng tao. At kung paano ko sila pakibagayan laha. At isa lang ang naging paraan ko para magkaroon ng maraming suki. Yon ay ang pakikipag usap hindi lang gamit ang bibig, kundi ang mga mata. Doon kasi mababanaag ang totoong  pagkatao mo. Kung sinsero ka ba sa ginagawa at sinasabi mo. At wala iyon sa mga babaeng nag pakilala kanina" mahabang paliwanag ng vegetable vendor na tinanguan ng lahat.

"May point po lahat kayo. Pero yon lang po ang nasa list. At after one week, mag start na yung league. Yung mapipili po kasi ngayon  ang siya ding magiging muse ng team namin. And after a game, mag start na po yung fund raising project. Hindi ko po alam kung makakakita pa kami ng pwedeng maging representative ng school" pagtatapat ni JZ.

"Too bad. As you said, maganda ang kapupuntahan ng perang malilikom niyo. If only we could help you" sabi ng Professor.

Nasa kalagitnaan sila ng discussion ng pumasok si Prof. Au at Mint.

"I'm sorry, may aasikasuhin lang kami ni Mint. Hindi naman  siguro kami makakaabala" pasintabi ni Prof. Au.

"No Prof. It's okay" sagot ni JZ.

Ngumiti si Mint sa lahat, paraan niya ito ng pag bati sa mga taong inabutan niya sa loob ng auditorium.

"Let's go Mint" pagtawag dito ni Prof. Au.

Nasa bandang dulo ng Auditorium sina Prof. Au at Mint ng tawagin ng mga gumanap na judges and atensyon ni JZ.

"Sino yon?" tanong ni Prof.

"Ahm classmate ko po" tugon ni JZ.

"Pwede mo ba siyang papuntahin dito" utos ni Prof.

"Bakit po?" tanong pa ni JZ kahit may kutob siya.

"There's something in her smile" sagot ng high-school student.

"Just let her introduce herself and we will asked a few questions" muling sabi ni Prof.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon