Kakayanin : part 36

709 74 50
                                    


"Ate" biglang napabalikwas si Mint mula sa pagkakaidlip.

Pawis na pawis siya sa kabila nang malamig naman ang loob ng kwartong yon. At yung kakaibang kaba niya na may halong takot. Isa lang ang nasa isip niya, may nangyari sa kambal niya.

Mabilis niyang hinanap ang cellphone at idi-nial ang number ng kapatid.

Pero hindi niya ito makontak. Laging unattended.

Ate anong nangyayari sayo? Bakit hindi mo sinasagot?

Isa

Dalawa

Tatlo

Hanggang maka sampung missed calls na siya pero wala parin.

Ang lolo niya ang naisipan niyang tawagan. Pero out of reach din ito.

Ate sagutin  mo please.

Muli niyang tinawagan ang number ni Max pero ganon parin. Wala na siyang alam na pwede pang kontakin sa Pinas. Si Rav, nandito din kaya wala talaga.

-

Halos paliparan ni Emmeth ang sasakyan nang malamang isinugod sa hospital ang asawa. Nakuha niya ang mga gamit nito na inabot ng guard ng university. At hindi siya nagkamali,kay Max ang bag at cellphone na yon.

Nalaman niyang na baril ito ng hindi pa nakikilalang mga lalaki. Walang saksi dahil malayo ang pinangyarihan ng naturang pamamaril sa pinaka entrance ng university. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili. Kung hindi siya nalibang sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan, hindi sana umabot sa ganito.

Nang makarating si Emmeth sa hospital again patakbo niyang pinuntahan ang nurse station at inalam kung nasaan si Max.

Nasa E.R pa din ito...at critical ayon sa isang doctor na lumabas mula doon. Dalawang bala ang pilit na inaalis ng mga doctor. Ang isa ay sa bandang balikat, at ang isa, yon ang delikado. Malapit ito sa puso.

Isang operation agad ang isinagawa ng mga doctor. At si Emmeth, sa galit sa sarili ay pinag susuntok ang concrete wall ng hospital na nagpa dugo sa kamao nito.

Na tawagan na din niya ang mommy Cynthia niya pati ang lolo Fredo ni Max.

"Anong nangyari anak?" Ang humahangos na si mommy Cynthia.

"I don't know mom. It happened so fast. Parating na ko para sunduin siya----pero huli na. It was my fault. My damn fault. Kung hindi ko lang sana nakalimutan ang oras" Ang patuloy na pagsisi ni Emmeth sa sarili.

"Hindi mo kasalanan yon anak. Hindi mo hawak ang mga mangyayari. All we need to do is pray for her" niyakap ni mommy Cynthia ang anak na duguan narin ang kamao dahil sa paulit ulit nitong pag suntok sa Pader "she can survive anak"

Twenty minutes at wala paring balita mula sa doctor or nurses na nasa loob ng E.R.

"Emmeth" Ang humahangos na si lolo Fredo. Bakas dito ang sobrang pag aalala sa apo.

"Lolo Fredo"

"Anong nangyari?"

"I really don't know. She's been shot and I'm wondering who did this to her" ani Emmeth.

"Ako na ang bahala don. Magbabayad ang kung sino man na may kagagawan nito sa apo ko" Ang galit na galit na sambit ni lolo Fredo.

"I'm sorry lolo Fredo. Kung maaga lang sana akong dumating. Hindi sana to nangyari sa kaniya"

"Kahit nandoon ka. Kung mangyayari,  mangyayari. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ipa hunting ang mga walang hiyang yon. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa apo ako. Mabubulok sila sa kulungan"

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon