Kakayanin : part 16

979 82 85
                                    


Medyo nahimasmasan na si Max noong naisipan nitong tumigil na sa pagpapatakbo ng race car.

Galit siya...galit na galit.

Galit siya sa mga taong gumawa noon sa kambal niya. At mas higit ang galit niya sa taong dahilan ng lahat.

Si Emmeth!

Papalapit na siya sa locker nang mamataan nito ang isang tao na nakatingin sa kaniya.

Bugso ng galit, mabilis niyang tinanggal ang helmet niya at nilapitan si Emmeth. 

"Ikaw" halos pasigaw na pagkakasabi nito.

Naalarma naman si JZ ng sandaling yon. Kitang kita niya ang galit sa muka ng papalapit na si Max.

"Ang kapal mo" sabay tulak ni Max kay JZ ng malakas, dahilan para magtumba ito.

"Wait----tangkang pagsalag ni JZ sa mga hampas ni Max sa kaniya.

"Ikaw ang dahilan kaya nagugulo ang buhay ng kapatid ko. Ikaw nag dahilan ng lahat kung bakit nasasaktan siya" Hindi napag handaan ni JZ ang isang malakas na suntok na pinakawalan ni Max na tumama sa gilid ng labi niya. Kasunod non ay nalasan niya ang dugo na nagmula sa pumutok na labi niya.

"Max" sigaw ni Kuya Nong.

"Layuan mo ang kapatid ko Emmeth. Layuan mo siya" huling sinabi nito bago nito iniwan si JZ.

"Pasensya na EJ, galit lang yon. Pero maniwala ka mabait yon. Pagdating  talaga sa kapatid niya kaya nagkaka ganyan yan" sabi ni kuya Nong kay JZ saka sinundan si Max.

"Damn it" nasuntok ni JZ ang manibela nang kotse niya sa galit kay Hailey. Dahil kay Hailey kaya mas lalong lalayo sa kaniya si Max. Dahil sa ginawa nito kay Mint.

Paano niya ito mapapa amo kung sa tuwinang  makikita siya nito ay galit lang mararamdaman nito sa kaniya.

-

Emmeth

Bumalik ako sa bahay nila Mint para muling makausap ito.

"Emmeth?" tila nagulat pa si Mint nang makita niya akong nasa loob ng bahay nila.

"Ahm can we talk?" Nilapitan ko ito sa dulo ng hagdan.

"Tungkol saan? Maupo ka muna" sabi nito.

"About what happened earlier. I just wanna say I'm sorry. And I promise, it won't happened again" sagot ko.

"Wala ka namang kasalan" I look up to see her face. She's still nice to me kahit pa ako ang dahilan ng lahat katulad narin ng sinabi ni Max, I was the one to be blamed.

"I am. Don't worry, I'll take action about it. She won't hurt you again" pangako ko dito---and I mean it. If protecting her means that Max won't avoid me, I'll do it.

"Salamat Emmeth----ahm pwede magtanong?" nahihiyang sabi nito.

"Sure, ano yon?"

"Gagawin mo ba yon dahil?----I was waiting for her to continue but she kept looking at me.

"What do you mean?" I'm getting a hint where this conversation goes. And I myself don't know what to say I'd she did asked me----directly should I lie

"Yung tungkol sa nangyari. Na hindi na yon mauulit. Na hindi na ako muling masasaktan ni Hailey. Gagawin mo ba yon dahil kaibigan mo ko or may iba pang dahilan?"

"Anong iba pang dahilan?" instead of answering her question, I asked her back.

"I mean, ilang beses mo na akong pinagtanggol and iniligtas. Does it mean na may nararamdaman ka para sakin. Sorry for asking, curious lang ako" she was looking straight into my eyes.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon