Kakayanin : part 45

729 79 64
                                    


Two month past...

Mahirap pero kinakaya.

"Aghhh" sabay sandal ni Mint sa swivel chair. It's been a month simula nang i train siya ni Emmeth on how to manage her lolo's business. Hindi nga lang pareho ang business ni Emmeth sa business ng lolo niya pero big help na rin yon sa isang katulad niya na walang kaalam alam kung paano ba mag manage ng isang negosyo na ni sa panaginip niya ay hindi niya akalaing mangyayari.

"Tired " ani Emmeth ng makita nitong hinihilot ni Mint ang sintido niya.

"Mahirap pala" reklamo ni Mint.

"Walang madali sa mundong to lalo na kung nag uumpisa ka palang. But soon,, kapag nagamay mo na lahat, it'll be easy. Pero you have to be careful in everything. One mistake can ruin everything"

"Yeah" sabay tawa ni Mint. Naalala niya ang kapalpakan niya kahapon. Napag halo halo niya ang mga documents na pina revised sa kaniya ni Emmeth galing sa iba't ibang department.

"Keep this in mind. It does matter whether you're running a hotel or company, all you have to do is do your best. Not just doing your job. It's different. Many people will rely on you. So be at your best---okay"

"Yes kuya" and then she smiled.

"Silly---let's go"

"Where?"

"Mom cooked dinner for us"

"Really lets go" Mabilis na tumayo si Mint na ikinangiti nalang ni Emmeth "takaw" sabi nito na nadinig ni Mint.

"Di ba pwedeng gutom lang" Nang lumingon si Mint.

-

"Ahm tita ang sarap" Sunod sunod ang naging pagsubo ni Mint ng pagkain dahilan para mabilaukan ito.

"Takaw kasi" panunukso pa ni Emmeth.

"Dahan dahan anak. Marami akong niluto dahil alam kong pagod ka sa pagti-training mo" ani mommy Cynthia.

"What? Pagod? Eh puro upo at kain lang yan don. Abonado pa ko mom" ani Emmeth kaya binato ito ni Mint ng carrots na nakahalo sa vegetable salad.

"Sama nito" sabay irap ni Mint kay Emmeth.

"O tama na yan. Mamaya saan pa mapunta yan. Nga pala nak, license mo"

"Yes, ahm Emmeth. Wag mo na ko sunduin bukas. I can drive my own car na" sabay pakita ni Mint ng drivers license niya.

"Be careful" paaala nalang ni Emmeth.

"O basta anak ha. Pag dinner, dito ka parin kakain. Tapos wag mong kakalimutan na pasyalan kami dito"

"Yes po tita. Don't worry"

-

After few days...biglang naalala ni Mint ang dapat na una niyang gagawin oras na maoperahan siya. At iyon ay ang hanapin ang pamilya ng taong nagdugtong ng buhay niya. Naibigay sa kaniya ng doctor ang information tungkol sa babaeng nag donate ng puso para sa kaniya. And after that, haharapin na niya ang totoong mundo niya. May go signal na siya para mag start as the new CEO ng company ng lolo niya. It's a real estate business, focusing on undeveloped lands, wherein you can built houses, condominiums and townhouses. She hired a real estate coach, tito Kenneth's recommendation para mas matututunan pa niya kung paano mag manage ng ganoong klaseng business. On how she'll increase company profit at makakuha pa ng maraming investors. She's slowly learning through her coach at through Internet. Pinag aaralan niya kung paano niya pa man I-improved ang company na pinaghirapang mapaunlad ng lolo Fredo niya.  She's starting from the bottom para malaman niya paunti unti ang ins and outs ng company. Familiarizing herself in everything lalo na sa mga taong magiging katuwang niya para mapabuti pa lalo ang company. She already had meetings with the company partners, and from different departments, knowing who's who are the top vendors and investors, their publicist and so on. She's not starting for real, but she knew it already, that business is a big responsibility at hindi niya hahayaang mabigo ang lolo niya.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon