"Ito ang park na pinakamalapit sa hospital"
"Ang ganda. Madami ding pasyenteng dinadala dito no" Ang napansin ni Mint dahil pare pareho ang suot nila na pag aari ng hospital.
"Oo----presko kasi dito. Maraming puno"
Nang mag ring ang cellphone ni Dani.
"Sino yon?" Ang tanong ni Mint nang matapos nang makipag usap si Dani.
"Si dad. Babalik lang ako sandali sa hospital, or gusto mo na sumama?"
"Mamaya nalang. Dito na muna ko"
"O sige---mabilis lang ako. Babalik agad ako okay"
"Okay"
"Huwag kang lalayo ha. Para makita kita agad" paalala pa ni Dani habang palayo kay Mint.
"Opo na" tugon ni Mint na may ngiti sa mga labi.
Habang pinagmamasdan ni Mint si Dani palayo, hindi niya maiwasang mag isip. Napapaisip siya sa mga ginagawa ni Dani. Yung palaging pagdalaw sa kaniya sa hospital. Palagiang pagdadala ng kung ano ano. Ang pag uubos nito ng oras kasama siya. Ang pagsama nito sa bahay nila. Ang ilabas ng hospital para daw mas mabilis siyang gumaling. Ang pagiging mabait at maalaga nito. Ayaw niyang mag isip ng kung ano...dahil katulad ni Dani, ganon din si Emmeth sa kaniya. Maalaga. Mabait. Pero hindi siya sigurado kung ano ba ang nararamdaman sa kaniya ni Emmeth. Matagal na silang hindi nagkikita. Hindi rin ito kumokontak sa kaniya. Kasi----kasi kung may nararamdaman para sa kaniya si Emmeth, gagawa ito ng paraan para makausap siya. At sa hospital, may binabanggit si ate Max tungkol kay Emmeth. Pero hindi na nito naituloy dahil sa nangyari sa kaniya. Ano kaya ang gustong sabihin ng ate niya ng araw na yon. At yung tagpong nakita bago siya maisakay ng plane, nung niyakap ni Emmeth ang ate niya. Iba ang naramdaman niya. Posible kayang mahal ni Emmeth ang ate niya?
At hindi siya...
Pero------wala naman nga palang sinasabi sa kaniya si Emmeth patungkol sa nararamdaman nito. Sweet siya, maalaga, ilang beses na ring siyang ipinagtanggol nito. Pero hanggang doon lang, hindi nito nabanggit kahit minsan na gusto niya ako, or kahit pahaging lang. Posible bang nag assume lang ako sa mga kabutihan na ipinakita niya.
Naputol ang pag iiisip niya ng may mapadaan sa harapan niya-----at hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya ang taong yon.
"Kuya Rav?" Pagtataka ni Mint.
"Mint?" tila nagulat ding sambit ni Rav.
"Ikaw nga----anong ginagawa mo dito?" lumapit si Rav at naupo sa tabi ni Mint.
"Namamasyal lang" walang buhay na tugon ni Rav.
"Kuya Rav?"
"Hmmm? " humarap si Rav dito.
"May problema no? Kilala kita"
"Is it too obvious" sabay ng pilit na ngiti.
"Oo naman. Yung mga mata mo, ang lungkot. Makikinig ako"
"I came here-----trying to move on" umpisa ni Rav.
"Move on? Move on from what?" Muling tanong ni Mint.
"Broken heart"
"Ohhh------kilala ko ba?"
"Yes"
"Si ate Max" Prangkang sambit ni Mint na ikinalingon ni Rav "Kahit hindi mo naman sabihin, alam kong may gusto ka kay ate. Actually yung sagot ko kanina, test lang yon. Pero base sa reaction mo, tama ako. Si ate nga. So anong nangyari?"
"She broke my heart pero hindi niya alam"
"Huh?" Noon ay si Mint naman ang naguluhan.
"She just got married" iyon ang balitang ikinabigla ni Mint.
