Kakayanin : part 89

586 61 10
                                    


7:00 pm Emmeth's house

Emmeth

"Are you sure she'll come?" tanong ko kay Mint.

"Yup---when I told her na wala si ate Max at nagkakalabuan kayo, she said yes abruptly" sagot ni Mint na may ngiti sa  mga labi.

Alam niya, maayos sa mismong araw na yon ang problema nila kay Liz. And it's all because of Max's idea. Sa bahay namin naganap ang party, a welcome party for the one and only person I truly love.

"Good---let's end her game" sabay tapik ni Emmeth sa balikat ni Mint.

"Aakyat na muna ko.  Anytime soon, darating na yon" paalam sa amin ni Beb. I told her that she can stay in my room.

Nasa dulo na nang stairs si Max nang mag pasya akong sundan ito.

"Mint---just message me kung nandito na si Liz. I'll just talk to Max" bilin ko dito.

"Sige----puntahan ko na din sila sa garden" tugon nito.

Pagka akyat ko ay naabutan ko itong nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto ko.

"What are you thinking? niyakap ko ito mula sa likuran niya, sinamyo ang natural na bango nito saka kinintalan ng isang halik sa buhok nito.

"Wala" matipid na sagot nito.

"Beb----thank you ha" totoo sa pusong pasasalamat ko dito.

"Para saan?" isinandig nito ang ulo niya sa pisngi ko.

"For not judging me too quickly. For listening. For allowing me to solve this problem. For not letting me go. For understanding. For helping me" I sincerely said while enveloping her whole body tightly.

"Natuto na ako sa nakaraan beb---at ayaw ko nang maulit yon. Yung maling akala. Pero beb---paano kung totoong buntis si Liz at ikaw nga ang ama?" Ang tanong nito na biglang nagpa iba sa sayang nararamdaman ko habang yakap ko siya.

Alam ko ang gagawin ko pero may pangamba parin ako. At hindi ko maiwawaglit yon sa puso ko. Kahit kasi sigurado ako sa magiging desisyon ko, ang magiging desisyon ni Max ang hindi ako sigurado. Sa nakikita ko, at sa pinagdaanan nang relasyon namin ni Max noon, kaya nitong isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng iba.

Pero ano't anuman...Alam ko kung sino ang mas matimbang.

At iyon ay walang iba kundi si Max.

"Isa lang ang alam ko. Buntis man siya o hindi, there's no reason para mawala ako sayo. At malakas ang pakiramdam ko----na kung totoong buntis siya. Hindi ako ang ama. Beb----there's no other person I want to share my whole life other than you. Alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin ng gabing yon. At kung meron man, ----I assure you, I swear, hindi ko iyon ginusto. Hindi ko alam  Dahan dahan ko itong pinihit paharap sakin a pinakatitigan sa mga mata nito "Gusto kong basahin mo sa mga mata ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. Ang nasa puso ko. Isang babae lang ang pinangarap kong makatabi sa buong buhay ko. Yung willing akong yakapin, na iparamdam ang buong pagmamahal ko, na pangarap kong maging kahati ng buhay ko, na willing akong ibigay ang buong pangalan at pangarap ko, ang magiging ina ng mga anak ko. At ikaw yon beb. At tandaan mo sana tong sasabihin ko...Kung hindi rin lang ikaw, mas gugustuhin ko pang mag isa nalang" nakita ko ang paglamlam ng mga mata nito pagkarinig niya sa mga sinabi ko.

Kasunod non ay ang pagpatak ng mga luha nito.

Ikinulong ko ito sa mga bisig ko habang masuyong hinahagkan ang ulo nito.

"Mahal na mahal kita beb. Mahal na mahal. Mag tiwala ka lang,  maayos ko to okay" isang mahinang tango ang naging sagot nito.

"Mahal mo parin ako di ba?" tanong ko dito.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon