Kakayanin : part 42

661 75 32
                                    


Kinabukasan ay pumunta si Mint sa bahay nila Emmeth para ibigay ang sulat para dito. Bukas na ang heart operation niya at gusto niya lang din makapag sabi sa tita Cynthia niya na itinuring na rin niya pamilya.

"Tuloy ka iha" pagkapasok ng bahay ay niyakap ito ni mommy Cynthia ng buong higpit.

"Kamusta po?" bati ni Mint bago naupo sa sofa.

Ngumiti si mommy Cynthia dito "masasabi kong okay na Mint. At yon ay dahil sayo. Okay na si Emmeth. Alam kong hindi pa buong buo pero kahit papano, ibinalik niya ang sarili niya sa dati. Alam kong matatagalan pa bago ko siya makitang ngumiti muli, pero hindi ako mawawalan ng pag asa. Maraming maraming salamat iha" hinawakan ni mommy Cynthia ng mahigpit ang mga palad ni Mint tanda ng lubos na pasasalamat dito.

Isang matamis na ngiti ang isinukli ni Mint sa pasasalamat ng tita Cynthia niya.

"Hindi ko lang naman po iyon ginawa para sa inyo----mas malaking dahilan po ay si ate Max. Alam kong hindi siya matatahimik kapag nakikita niyang ganoon si Emmeth. Mahal siya ni ate, at alam ko pong mas gugustuhin niyang makitang masaya si Emmeth. Siguro po sa ngayon, panatag na siya. Makakapunta na po siya sa dapat niyang puntahan. Kasama ng mga magulang namin"

"Hindi kami masyadong naging malapit ni Max. Pero alam ko, katulad mo. Mabuti din siyang tao. At alam ko din hindi siya mamahalin ng anak ko kung hindi niya nakita ang kabutihang yon. Kaya kung saan man siya naroon, sana ay mahanap na niya ang katahimikan at kaligayahan"

Napangiti si Mint sa complement ng tita Cynthia niya sa ate niya "Hindi lang po siya mabuti tita. Hindi ko po alam kung paano siya ide-describe bilang isang tao" at muli ay naaalala niya ang sulat ng ate niya "Si ate Max. Siya na po yata yung pinaka selfless na taong kilala ko. Alam ko pong may mga pagkakamali din siya bilang isang tao. Pero hindi non mahihigitan ang kabutihan niya. Buong buhay niya, isinakripisyo niya para sakin. Pati ang sarili niyang kaligayahan" at muli ay naaalala niya ang dahilan nito kung bakit mas pinili nito ang lumayo "Yung kahit mahal niya ang isang tao, hindi niya magawang maging makasarili. Magpapa ubaya siya dahil ayaw niyang may masasaktan siya. Ganoon po siyang klaseng tao. At hindi niya nga po deserve ang nangyari sa kaniya" Ang pagtakas ng luha sa mata niya ay hindi nakaligtas kay mommy Cynthia.

Lumapit ang ginang dito at niyakap "May dahilan ang lahat ng ito Mint.  Siguro, gusto niyang maging matatag ka kahit wala na siya. Na kayanin mo ang lahat kahit pa mag isa ka. Pero wag kang mag alala iha, nandito kami okay. Pamilya mo na kami. Kami ng lolo Fredo mo"

"Salamat po tita. Siya po pala, baka hindi muna ako makabisita sa inyo. Bukas na po kasi ang schedule ng operation ko"

"Alam ko" saka bumitaw ang ginang kay Mint "Kaya nga bukas, sasamahan kita sa hospital. Kami ng lolo mo. Ako ang magbabantay sayo"

"Talaga po" Ang masayang sambit ni Mint.

"Oo naman. Di ba sabi ko sayo, pamilya mo na kami"

"Salamat po tita----nga po pala. Isa pa pong dahilan kaya ako nagpunta dito ay para ibigay ito kay Emmeth" kinuha nito ang sulat sa bag na dala niya.

"Ano to?" tanong ni mommy Cynthia.

"Sulat po iyan galing kay ate Max. Palagay ko po, ginawa niya yan habang nasa hospital pa siya. Noong inakala natin na hindi pa siya nagigising. Siguro po, ayaw niya na lang kausapin pa kami. At alam ko na po ang dahilan"

Napa buntung hininga ang ginang saka inilapag ang sulat sa center table "Hindi ko alam kung dapat pa ba niya iyong mabasa Mint. Baka-----

"Sa palagay ko po tita. Dapat niya yang mabasa. Dahil nang malaman ko ang laman  ng sulat, mas naintindihan ko po ang dahilan ni ate sa pag alis niya. At alam ko pong maiintindihan din yon ni Emmeth"

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon