Someone's POV"Bibitawan na kita gummy. Gustuhin ko man na hawakan pa kita, Mas nahihirapan akong makita kang ganito. At alam ko din na hirap ka na. Magkikita din tayo sa tamang panahon. Hintayin mo ko doon ha. Mahal na mahal kita gummy" saka nito hinalikan ang noo ng babaeng pinaka mamahal.
-
"Iha, ready ka na" Si mommy Cynthia habang hawak ang kanang palad ni Mint.
Tumango si Mint saka ngumiti bagaman naroon ang takot niya.
"Huwag kang mag aalala apo. Magiging maayos ang lahat. Ipagdarasal ka namin" ani lolo Fredo saka hinalikan ang apo saka noo.
Matapos ng maikling usapan ay ipinasok na si Mint sa operating room.
Sumunod si Emmeth sa hospital ng mapag alaman niyang ngayong araw ang operation ni Mint. Malaki ang utang na loob niya dito dahil isa ito sa hindi nagsawang paalalahanan siya at kumbinsihin na bumalik na sa dati at magsimulang muli. Gusto lang niyang makabawi kahit papaano. At isa pa, kapatid siya ni Max. Lahat ng mahalaga kay Max, mahalaga din sa kaniya.
Makakasama sila lolo Fredo, mommy Cynthia, Emmeth at naroon din si nanay Pinang na kinupkop na ni lolo Fredo. Alam na nito ang tungkol sa kabutihang ginawa ng naging Yaya noon ng mga apo niya at dahil wala naman itong asawa at anak, sinabi nitong siya ang bahala sa matanda.
Makalipas ang tatlong oras. Isang magandang balita ang narinig nila mula sa nag assist kay Mint. Tehran operation was successful. At nang araw ding yon ay inilipat na si Mint sa private room.
-
Mabilis na lumipas ang mga araw. Malakas na din si Mint pero alalay parin ito sa bawat kilos. Halos hindi na ito pinapakilos ng lolo Fredo nito sa takot na baka kung mapaano pa ito. Madalas na bisita ni Mint ang tita Cynthia niya at paminsan minsan ay si Emmeth. At masaya siya sa nakikita niya dito. Kahit papaano ay nakakangiti na ito. Hindi man abot sa mga mata nito, alam ni Mint na pinipilit nitong bumalik sa dati.
"Kamusta" ani Emmeth nang makaupo na siya sa may sala.
"Okay naman. Konting panahon nalang at okay na okay na. Ikaw kamusta?" Ang balik tanong ni Mint.
"Heto, balik sa dati. Anong plano mo after?"
"Ang sabi ni lolo. Ite-train daw ako para ako na ang mag manage ng business niya. Alam kong hindi magiging madali pero no choice naman ako di ba. Wala namang ibang makakatulong pa si lolo kundi ako" at muli ay sumagi sa isip niya ang kapatid. Na nagpalamlam ng mga mata nito na agad na napansin ni Emmeth.
"You missed her" ani Emmeth na tinanguan ni Mint.
"Ikaw ba?" sabay lingon ni Mint kay Emmeth.
"Never a day or second"
"You really love her" ani Mint. Nang sabihin niya yon, wala nang kahit anong katiting na sakit siyang naramdaman. She really moved on. Na inakala niya noong una na mahirap gawin. Totoo pala na feelings fade after mong matanggap ang totoo. After mong mag let go.
"Sobra. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya man lang ako dinadalaw sa panaginip ko. O kahit magparamdam man lang" Ang sinabing iyon ni Emmeth ay ikinalingong muli ni Mint dito "Bakit?" nahiwagaan si Emmeth sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ni Mint.
"Akala ko ako lang"
"Ang alin?"
"Akala ko sa akin lang siya hindi nagpapa ramdam. Pati pala sayo" ani Mint.
"Is it good or bad"
"Strange" Mabilis na tugon ni Mint "Hindi kaya-----
"Hindi kaya buhay pa siya" biglang sambit ni Emmeth.
"Pero imposible di ba. Ayos sa report mula sa bus company, nag match yung bilang ng pasahero sa bilang ng mga namatay. At yung necklace ni ate Max. It's a solid proof na siya yon"
"Pero nakapagtataka lang di ba. Bakit hindi siya nagpapa ramdam?" Ang mahinang sambit ni Emmeth na ngayon ay gumugulo sa isip ni Mint.
Bakit nga ba?
Nang gabing yon ay kinausap ni Mint ang lolo Fredo niya. At sinabi ang napag usapan nila ni Emmeth.
"Mint, what if, ipa DNA test natin yung labi ni Max?"
"Ayaw ko. Para natin siyang ginugulo eh"
"Hindi naman autopsy Mint. DNA lang. Kasi nakapagtataka lang talaga na kahit isa sa atin, hindi siya nagpapa ramdam"
"Sige sasabihin ko kay lolo"
"Sige apo. Kung yan ang makakapag panatag ng loob mo. Bukas na bukas din ay kakausapin ko ang kakilala kong magsasagawa ng test"
-
Kinabukasan ay si Mint na ang nakaisip na gumising sa lolo niya. Ang sabi nito ay magpapa check up muna ito kaya sasamahan na niya at saka sila didiretso sa taong kakausapin nito na magsasagawa nga ng DNA testing sa kapatid niya.
Nakailang katok si Mint pero hindi sumasagot ang lolo niya. Sanay na siyang matagal bago ito tumayo dahil nga matanda na. At medyo mahina na rin ang pandinig kapag malayo ang kausap.
Nakailang ulit na si Mint sa pag katok at pagtawag sa lolo niya pero wala talaga siyang natatanggap na sagot mula dito. Doon na siya nakaramdam ng kaba.
"Manang Hilda" Ang malakas na pagtawag ni Mint sa kasambahay ng lolo niya.
"Bakit iha?" Ang sagot nito mula sa ibaba ng hagdan.
"Yung susi ni lolo sa kwarto. Akina po" mababakas na ang panginginig ng boses ni Mint habang kausap si manang Hilda.
"Oo sige. Sandali lang"
Nang makuha ni Mint ang susi mula kay manang Hilda ay mabilis nitong binuksan ang pintuan ng lolo niya. At ng makapasok ito ay mabilis nitong nilapitan matanda na nakahiga sa kama. At halos hindi makahinga si Mint nang mahawakan niya ang kamay ng lolo niya.
Malamig na ito....patunay na wala na itong buhay.
"Lolo!!!!!!!" Ang malakas na sigaw ni Mint. Si manang Hilda naman ay katabi na ng mga oras na yon si nanay Pinang at magka hawak na ang mga kamay. Hindi man kasi nila kadugo ang Senyor ay naging mabuti naman ito sa kanila kaya ganon nalang ang lungkot na nadama nila.
-
Someone's POV
"Kamusta ka na diyan gummy ko. Ako---- heto. Namimis ka na. Mis ko na yung kalokohan mo. Nga pala, alam ko na ang pangalan nung may ari ngayon ng puso mo. Pero hindi ko pa siya nakikita. Pero hahanapin ko siya. Gusto ko lang maramdaman muli ang tibok ng puso mo. Si mama at papa nga pala, may padala sayong bulaklak. Yung favorite mong tulips. Para naman daw mapasaya ka nila kahit papano. Si baby choey. Hayon malungkot din. Alam ko hinahanap ka na niya. Pero don't worry, inaalagaan ko naman siyang mabuti. Araw araw parin kitang dadalawin basta hindi busy schedule ko. Baka kasi magtampo ka kapag hindi ako dumalaw eh. I love you gummy.
To be continued...
Kung sasaktan mo ko, pwede bang isang beses lang. Huwag naman unlimited.