Kakayanin : part 23

850 76 172
                                    


"Sino ba pupuntahan natin dito?" tanong ni Max kay JZ habang naglalakad sila papunta sa isang napakalaking bahay o mansion nang maituturing.

"Just wait and see. Makikilala mo din kung sino siya " May ngiti sa mga labing tugon ni JZ dito.

As expected, nakapa ganda ng loob ng bahay nang tuluyan ng makapasok sina JZ at Max sa loob nito.

Sa kalagitnaan ng pagmamasid ni Max sa kalooban ng bahay ay isang bagay ang tumawag sa atensyon niya.

Portrait ng isang babae na sa tantiya niya ay nasa bente anyos...lumakas bigla ang tibok ng puso niya nang makilala niya ang babaeng nasa portrait.

Mama!

"Emmeth iho" isang boses ang narinig niya mula sa dulo ng mataas na hagdan.

"Lolo Fredo" tugon ni Max. Sinalubong nito ang matanda sa kalagitnaan ng hagdan pababa patungo sa kinatatayuan ni Max.

Nakatitig lamang si Max dito, nakita nito ang paglambot ng anyo nito habang nakatingin sa kaniya. May ngiti sa mga labi, ang ang unti unting pagpatak ng mga luha nito na mabilis ding pinahid gamit ang palad nito.

"Siya nga Emmeth" sambit ng matanda na hindi maintindihan ni Max kung ano ang ibig nitong ipahiwatig.

"Siya nga po lolo Fredo. Maiwan ko po muna kayo para makapag usap kayo ng maayos" paalam ni JZ saka lumabas ng bahay.

"Maupo tayo iha" sabi ng matanda. Habang papunta sila sa sala ng naturang bahay ay muling nilingon ni Max ang portrait ng ina na nakasabit sa dingding ng bahay na yon.

"Ako si Alfredo Hizon iha" pakilala nito.

Hindi nagpakilala si Max bagkos iba ang naitanong niya  "Bakit may larawan kayo ng babaeng yon" muli ay tinanaw ito ni Max na tinularan din ng matanda.

"Kilala mo ba ang babaeng nasa larawan?" tanong ni lolo Fredo kay Max.

"Mama ko siya" Mabilis na sagot ni Max.

"Mama mo nga siya. Dahil kamukhang kamukha mo siya iha. At ang babaeng nasa larawan ay anak ko" sagot nito na ikinalingon ni Max "disi-nuebe anyos palang siya noon ng huli kong makita. Kasalukuyang nag aaral. Iniwan niya ko dahil mas pinili niyang sumama sa lalaking mahal niya. Yon ay ang ama mo. May kasalanan ako kung bakit siya umalis" kwento nito na tahimik namang pinakikinggan ni Max "Sinabi kong pag nasa tamang edad na siya, ipapakasal ko siya sa anak ng kaibigan ko. Tumanggi siya dahil sa ama mo ang mahal niya. At dahil don, mas pinag higpitan ko siya. Bantay sarado siya sakin at sa mga bodyguard na kinuha ko. Hanggang sa makagawa siya ng paraan para matakasan ang mga bodyguard niya at sumama nga sa ama mo. Nag iwan siya ng isang sulat kaya nalaman ko kung saan siya nagpunta. Hinanap ko siya. Even hired private detective para mabawi ang mama mo sa lalaking yon. Pero nabigo ako. Ayaw ko sa ama mo dahil hindi sila pareho ng antas ng pamumuhay ng mama mo. Sanay sa marangyang buhay ang mama mo at alam kong hindi iyon magbibigay sa kaniya ng lalaking yon na galing sa mahirap na pamilya. Hanggang sa dumating ang isang balita. At yon ang pinaka masakit na balitang natanggap ko" tumigil ang matanda sa pagku-kwento dala nang bigat sa dibdib na dala dala niya parin hanggang sa mga panahong yon. Galit at pagsisisi. Galit sa sarili at pagsisisi dahil hindi niya na maibabalik ang lahat para makabawi sa anak niyang pinakamamahal "nabalitaan ko nalang na wala na siya. Hindi ko alam kung nandoon ka noong puntahan ko ang burol ng mama mo. Awang awa ako sa kaniya, at kahit ayaw ko sa ama mo, nakaramdam din ako ng habag nang makita ko silang dalawa na wala nang buhay. Sa sobrang pagdaramdam, nakalimutan ko kayo. At dulot narin ng sobrang lungkot ng araw na yon, nagkasakit ako. Depression na nagpahina sa buong katawan ko. Hindi ko na naihatid ang mga magulang mo sa huling hantungan at hindi ko narin kayo nakita pa. Ipinahanap ko kayo ng kapatid mo, pero tila ba ayaw kayong ibalik sa akin. Dahil hindi ko kayo matagpuan. Lumala ang sakit ko na kinailangan kong sumailalim sa isang seryoso at mahabang gamutan. At dahil don, naisantabi ko ang paghahanap sa inyo. At dumating nga yung araw na pinaka aasam ko. Apo" Ang huling salita nito ang pumukaw sa malalim na iniisip ko.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon