Kakayanin : part 61

789 60 23
                                    


Palabas na ng bahay si Colbie na ang mamataan niya si Liz sa labas ng gate nila. It's Saturday at muli niyang sasamahan si Mint sa paghahanap sa ate nito. Nakakapagod pero para kay Mint, okay lang. In fact, he's more happy now. Sigurado na kasi siyang wala na siyang dapat pang ipag alala. After his birthday, muli niyang kinausap si Mint about them. At muli ay binigyan siya ng assurance ng dalaga na darating ang araw na magiging official din sila. Sa ngayon, gusto daw muna nitong mag focus sa paghahanap sa ate niya. Alam kasi nito na hindi siya masyadong mabibigyan ng time kung magiging sila na dahil mahahati ang oras niya. And he truly understand that. Kaya nga ang hiling niya, sana makita na nila ang kapatid nito para naman maging official na sila ni Mint.

"What are you doing here?" Tanong ni Colbie.

"Can I go with you?" Tanong naman ni Liz.

"I'm not going out to have fun. May lakad kami ni Mint" tugon ni Colbie.

"I know. I heard that you're looking for her sister right" narinig kasi ni Liz ang usapan ng mga ito noong birthday ni Colbie, kasama si Emmeth.

"We are. But why you're coming?" taking tanong ni Colbie.

"I just want to help. Wala naman akong ginagawa---- Please" pakiusap ni Liz.

"Just don't give me a headache or else. I'll throw you anywhere" banta ni Colbie dito. Minsan kasi, parang isip bata din si Liz. Mahirap umintindi, pero mabait naman.

"Ay ay captain" sabay saludo pa nito saka sumakay sa sasakyan niya.

"Ahm bakit niyo hinahanap yun sister ni Mint?, nag stowaway ba siya? " Pag uusisa si Liz habang papunta sila sa bahay ni Mint.

"I can't answer that. It's family matters so" tugon ni Colbie.

Napa roll eyes nalang si Liz dahil sa sagot ni Colbie.

"Fine. Then I'll asked Mint nalang" ani Liz.

"You're being stubborn already Liz. I said, family matters okay. If you wanna help. Just help without asking much. Is that clear"

"Sungit" sabay nguso ni Liz.

-

Medyo nagtaka si Mint ng makita niyang kasama ni Colbie si Liz na sumundo sa kaniya.

"She wanted to help" ani Colbie kaya hindi na siya nagtanong pa. Baka nga makatulong din si Liz sa makita ang ate Max niya.

"So how she look like. Baka nakasalubong ko na hindi ko pa alam" tanong ni Liz ng makarating sila sa isang probinsiya.

"Here" May inabot si Mint na isang copy na pina print nilang picture nang ate niya.

"Ohhhh.  So may twin ka pala. Wala kayong pag kakaiba" pansin ni Liz.

"We are. Kaya kahit wala ka niyan, makikilala mo siya " ani Mint.

"Okay----so let's start" ani Liz.

Katulad ng nakagawian nila Colbie ay nag ba-bahay bahay sila.

Sa bawat lakad nila ay sa isang baranggay lang sila pumupunta. Pinag uusapan muna nila para wala silang malagpasan. Sila at si Emmeth.

Pero nang araw na yon ay sa ibang baranggay naghanap si Emmeth. Nakita kasi nitong kasama nina Mint si Liz kaya okay lang na humiwalay siya.

Tanong dito, tanong doon. Walang pakialam si Emmeth kahit pa matindi ang sikat ng araw. O kahit pa nakakaramdam siya ng gutom. O ng pagod. May nais ang puso niya na mas nangingibabaw. Natatakpan nito ang kahit ano pang hirap na pinagdadaanan niya sa paghahanap sa babaeng pinaka mamahal niya. At hindi niya din maisip na darating pala siya sa ganoong sitwasyon. Na parang pinaglalaruan siya ng tadhana. Natagpuan niya ang babaeng nagpatibok ng puso niya pero nawala. Sana lang, pag nakita na niya si Max, wala nang hahadlang pa.

-

5 pm

Ganoong oras ay nagkikita kita sila bago bumalik sa Manila.

"Hi Emmeth----tubig oh" Si Liz.

"Thanks" nang abutin ito ni Emmeth.

"Kamusta lakad mo?" tanong ni Mint kay Emmeth.

Uminom muna ito saka sumagot.

"Wala parin. Kayo, ano balita?" Balik tanong ni Emmeth.

"Wala parin" sagot ni Mint.

"Emmeth, may suggestion ako" Si Colbie "What if mag lagay tayo ng pabuya? Mas marami ang magkaka interes na hanapin siya"

"Pwede yon Emmeth----Halos sabay na sinabi nina Liz at Mint.

"Pwede-----at pwede ding maging dahilan para lalong mapahamak si Max" Ang naging tugon ni Emmeth.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Mint.

"Dahil sa money reward, maraming mag hahanap sa kaniya. At pwedeng pag agawan para lang sila ang makakuha ng pera. Ang mas masama, paano kung masamang tao ang makakuha sa kaniya. Knowing na may money reward para lang mahanap siya, pwedeng maging kidnap for ransom ang kalalabasan ng planong yan. I don't care about the money, but I care about her safety. Buti sana kung pag nakuha nila ang pera ay ibibigay nila sa atin si Max, worst scenario, paano kung patayin siya-----don't get me wrong Colbie. I appreciated it. Pero iniisip ko lang ang mga possibilities. I'm just being cautious. I don't care kung ako ang malalagay sa panganib, wag lang siya",  pahayag ni Emmeth.

"I understand Emmeth don't worry. I'm just finding ways on how we can find her as soon as possible" ani Colbie.

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Emmeth ng marinig yon kay Colbie. It only means na talagang bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanila and not only because of Mint.

Si Liz ay tahimik lang na nakikinig sa pag uusap nina Colbie at Emmeth.

So mahalaga si Max kay Emmeth. At base sa mga binitawan nitong salita, mahal niya ang kakambal ni Mint.

To be continued...

Sino si Liz?

At first I thought hanggang 50 chapter lang to...pero hindi pala uubra since two characters si May dito. And hindi ko basta bigyan nalang ng happy ending agad agad. Wag sana kayong maiinip kung pahaba ng pahaba ang story...medyo ginaganahan kasi si otor 😂😂😂

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon