Kakayanin : part 72

594 64 15
                                    


"Hindi parin ako makapaniwala ate na nandito ka na. Mis na mis kita" habang yakap ni Mint si Max.

"Sorry Mint. Sorry dahil pinag alala kita" paghinging paumanhin ni Max.

"Okay lang ate. Ang mahalaga nakita ka na namin. Na hindi ka nawala sa amin ng tuluyan" Ang naiiyak na sambit ni Mint.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Max.

"Noong araw na umalis ka. Hinabol ka nina Emmeth. Kasama ang mga kaibigan niya. Nakita ni Rick yung bus na sinakyan mo. Nagliliyab at patay lahat ang sakay non. Ayaw naming maniwala na kasama ka don. Hindi namin matanggap" muling bumalik ang sakit na naramdaman ni Mint ng sandaling alalahanin niya ang araw na halos gumuho ang mundo niya " Tapos, nagpunta kami sa morgue nang tumawag si Emmeth. Halos mawala ako sa sarili ko ng makita ko ang kwintas mo na katulad ng sakin. Inakala ko na ikaw yon dahil nga sa kwintas na yon. Hindi ko matanggap ang nangyari sayo. Pati si Emmeth. Kung pwede lang na mawala na din kami ng sandaling yon. Na sumama nalang din kami sayo. Isa yon sa pinaka masakit na nararamdaman ko. Ang masakit na kasunod, namatay din si lolo. Tuluyan ng gumuho ang mundo ko. Wala na ang mga magulang natin, tapos inakala kong iniwan mo narin ako, tapos si lolo. Wala nang natira sa akin kaya pakiramdam ko, mag isa nalang talaga ako. Hindi ko alam kung paano pa babangon ng mga panahong yon. Yung gigising akong wala na kahit isa sa mga mahal ko sa buhay. Yung pakiramdam na parang pinaglalaruan ka ng tadhana sa tuwing babalikan ni Mint ang tagpong yon sa buhay niya, nabubuhay ang pait sa puso niya "Sa tulong nina tita Cynthia at Emmeth, na hindi ako iniwan, nakabangon ako unti unti. At kinailangan ko. Dahil sa obligasyon na iniwan ni lolo" mahabang kwento ni Mint sa kakambal na tahimik na nakikinig.

Hindi lubos maisip ni Max na dumating pala ang ganoong pangyayari sa buhay niya Mint. Na inakalang patay na siya. Na nawala ang lolo Fredo nila.

Ang hirap pala ng pinagdaanan ni Mint...sa loob loob ni Max.

"Pero bakit niyo pa ako hinanap kung inakala niyong patay na ko" Pagtataka ni Max.

"Dahil may mali ate. Ni hindi ka nagpaparamdam sa akin o kay Emmeth. Ni sa panaginip ko hindi ka nagpapakita.  Kaya naisipan namin na ipa DNA test ang bangkay na inakala naming sayo. At doon na confirmed na hindi nga ikaw yon. Alam mo ba ate, halos manikip ang dibdib ko sa sobrang tuwa. Lalo na si Emmeth"

"Mint-----

"Makinig ka muna ate" pagputol ni Mint sa nais sabhin nang ate Max niya " Umalis ka dahil sakin. Dahil kay Emmeth. Dahil sa maling akala. Nang mabaril ka, umuwi agad ako. Doon kami nagkausap ni Emmeth at lolo. Doon ko nalaman ang lahat lahat. Ang tungkol sa pagpapakasal niyo, at ako ang dahilan kaya pumayag ka sa kagustuhan ni lolo. Iyon ang kapalit na hiningi niya sayo para sa kaligtasan ko. Inamin lahat yon sa amin ni lolo. Pero hindi lang yon----ikinasal kayo ni Emmeth hindi lang dahil kagustuhan ni lolo. Mahal ka talaga ni Emmeth ate. At alam ko, mahal mo siya. Hindi mo man aminin, nararamdaman ko. Nagpasya ako na sa oras na magising ka, sasabihin ko sayo ang lahat. Na wala na akong nararamdaman pa kay Emmeth. Na nag assume lang ako sa ma ipinakita niya noon. At huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo kung hindi naging kami. Hindi ikaw ang dahilan non. At tanggap ko na wala talaga. Na infatuation lang ang naramdaman ko noon. Ate-----gusto kong maging masaya ka. At alam ko, si Emmeth ang magiging dahilan non. Mahal na mahal ka niya. Kung nakita mo lang kung gaano siya nasaktan sa kaalamang patay ka na, para narin siyang namatay ate. Doon siya natutulog sa cemetery. Ayaw ka niyang iwan kahit pa paulit ulit namin siyang kinakausap na umuwi na. He fell in love you so hard. At maniwala ka, hanggang ngayon, mahal na mahal ka parin niya. He never stop searching for you. All of us never stop. At ngayong nakita ka na namin, alam ko, masaya ang lahat. Masaya ako. At higit sa lahat, ang lalaking mahal na mahal ka. Never doubt his love ate, dahil nakita ko yon. Sana, mahal mo parin siya" ngiti na may halong pag luha sa muka ni Mint  noong isalaysay niya sa ate niya ang lahat ng nalaman niya.

Hindi sumagot si Max pero mahigpit niyang niyakap si Mint. Mahal niya parin si Emmeth. Wala namang nagbago. At mis na niya din ito. Pero ngayon, nagdadalawang isip siya. Iba na ngayon. Bulag na siya. Paano pa siya mamahalin ni Emmeth sa kalagayan niya? Hindi niya na napigilan ang muling pag agos ng mga luha niya.

"Ate" Naramdaman ni mint ang pagkabasa ng balikat niya kaya alam niyang umiiyak ang kambal niya "Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?"

Pinahid ni Max ang mga luha sa pisngi niya saka nagsalita "masaya ako Mint. Masayang masaya dahil kasama na ulit kita. At aaminin ko, mahal ko parin si Emmeth. Pero sa kalagayan ko, sa palagay mo ba mamahalin niya parin ako. Hindi na Mint. Bulag na ko"

Napangiti di Mint sa sinabi ng ate niya "Ate, akong bahala okay. Makakakita kang muli. Mag hahanap lang tayo ng eye donor, babalik ka sa dati kaya wag kang mag alala"

"Talaga Mint?" Ang masayang tanong ni Max.

"Oo naman ate. Hahayaan ko ba na maging ganiyan ka habang buhay. May trabaho naman ako, at soon, doon ka na din magtatrabaho----and that is, kapag tapos ka nang mag aral"

"Mag aaral ako?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Max.

"Oo naman ate. Salamat ate ha, sa lahat lahat ng sakripisyo mo sakin mapag aral lang ako. At ngayon, gusto ko, ako naman ang tutulong sayo. Sa tulong ng negosyong iniwan ni lolo. Mag aaral ka at wala kang  iisipin kundi ang makapag tapos. After non, pareho nating ima-manage ang business ni lolo"

"Salamat kambal" ani Max.

"Ano pat kambal tayo. Natatandaan mo pa ba yung saying natin"

"We can do things together"

Sa labas ng pintuan ay dinig ni Emmeth ang tawanan ng nina Mint at Max. Gustong gusto na sana niyang kausapin si Max pero ibinigay niya na muna ng pagkakataong yon kay Mint. Ngayong kasama na nila muli si Max, sisimulan niya na sa tama ang lahat. Liligawan niya ito hanggang sa mahalin siya ng dalaga.

I can wait Max. I'm very glad now that we've found you. I'm calm now, you're safe and healthy. You're blind but that doesn't change a thing. I will love you and will still love you no matter what happened. In you, I know the feeling of being in  love and stay in love despite of everything. And I'll stay in love with you for the rest of my life. And spending my life with you was all I'm wishing for.

Nakangiting nilisan niyang ang lugar na yon at nagpunta sa dalampasigan. Tumingin siya sa kalangitan at bumulong ng isang panalangin ng pasasalamat.

She's back and how grateful I am is immeasurable. I've made mistakes at pinagsisihan ko yon. Sana lang, wala nang kahit anong bagay pa ang makapag hiwalay samin. To lose her again will be the death of me. Her love is my strength and her presence is my life. And I can't afford to lose even one.

To be continued...

Sorry guys if medyo matagal na makapag update si otor...kinda busy lang kasi.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon