Kakayanin : part 58

677 73 32
                                    


A/N : alam kong marami ang disappointed sa flow na story. I want you all to be happy but sorry not sorry. I won't change a thing just to please you. Kung susundin ko ang gusto niyo...hindi ko na story to. As a wannabe, creating story makes me happy kahit hindi ganoon ka ganda. If I made a story coming from your ideas, it's not my story anymore. Take it or leave it, this is how I work. Max and Mint are two characters in one personality. Si Maymay sila pareho. Huwag kayong makuha sa unang kilig, sa unang pagkikita, unang pagkakakilala. Not all first meant to be together or forever. Not all first stays.

Thank you 😊

-

Habang nasa sasakyan pauwi sina Mint, kasama si Colbie ay hindi maiwasan ng binata ang mag isip. Ngayon kasing narinig nito ang tungkol sa nakaraan ng dalaga, ang tungkol sa naging damdamin nito para kay Emmeth...bigla siyang nagkaroon ng takot.

Paano kung bumalik ang nararamdaman ni Mint para kay Emmeth?

Ito ang unang minahal ng dalaga, at siya, hindi niya sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman para sa kaniya ni Mint. Hindi naman siya basted pero hindi parin sila, meaning, pwede pang magbago ang isip nito.

"May problema ba?" tanong ni Mint ng mapansin ang pananahimik ni Colbie mula palang sa cemetery  hanggang sa bahay niya.

"Wala" Pilit ngumiti si Colbie na pansin ni Mint.

"Sure ka. Iba yung ngiti mo----ang fake Colbie"

"Wala nga" Huminga ng malalim si Colbie at pilit iwinaksi ang nararamdaman.

"No more lies di ba? No more secrets?" Ang pangongonsensiya ni Mint.

Nilingon ito ng binata at muli at isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan nito.

"Fine. Meron nga. Pero hindi ko alam kung problema" ani Colbie

"Then tell me. Baka makatulong ako" Naupo ito sa tabi ng binata pero may distansiya.

"Wala ka na ba talagang nararamdaman kay Emmeth?" Ang diretsahang tanong ni Colbie.

"Meron" saka ito humarap kay Colbie "Dahil mahal ko siya. At si tita Cynthia. Dahil sila na ang pamilya ko "saka ikaw" Ang pahabol ni Mint.

Hindi agad nakapag salita si Colbie sa binitiwang salita ni Mint. Lalo na yung huling sinabi nito.

"Importante sila sakin dahil sila na nga ang pamilya ko. At yung nararamdaman ko noon kay Emmeth, maniwala ka man o hindi. Wala na talaga. Ang natitirang damdamin nalang na meron ako sa kaniya ay bilang kuya. At sana, makita agad si ate Max. Mahal nila ang isat isa at gusto ko silang makitang masaya" pahayag ni Mint na nagpaluwag ng nararamdaman ni Colbie. Sapat na ang mga sinabi ni Mint para mapanatag siya. Na wala siyang dapat ipag alala.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon