"What's the occasion?" sinundo si Emmeth ng mga kaibigan sa trabaho niya at dinala sa kung saan. Tinanong niya ang mga ito pero ayaw magsi-amin."Basta,sumunod ka nalang" sabay tapik ni Niel sa balikat niya.
"Yoh, buti naisama niyo yan" Si Rick na kakalabas lang galing sa isang kwarto.
"May bayad to lol, ang hirap isama ng taong to" reklamo ni Uno.
"Anong meron?" Muling tanong ni Emmeth.
May kinuha si Rick sa bulsa niya at ipinakita sa kaniya.
Saka lang nag sink in sa kaniya ang lahat.
"What made you decide to propose this early?" yon again naging tanong ni Emmeth.
"Natakot bro. Remember julie. Ayaw niya nang magka problema uli kaya hayan, minadali na" Si Uno ang sumagot.
"Hindi naman natin masisisi yang si Rick kung maagang magpapakasal. Kahit siguro ako, kung alam kung pwedeng masira yung relationship na meron ako, aba ganiyan din ang gawin ko" ani Niel.
Na pailing di Emmeth pero sana tama naman ang desisyon niya.
"Good luck" ani Emmeth.
Katelyn and Cheska was there. Naging magkakaibigan na din kasi ang mga ito dahil palaging magkakasama ang mga boyfriend nila.
Emmeth was happy for Rick habang pinapanood ang proposal ng kaibigan. He saw how happy he was when Vien finally say yes. After a short speech from the lovebirds, they started to drink.
"Ikaw bro, ano na?" Tinabihan ni Rick si Emmeth.
"Anong ano?" tanong ni Emmeth sabay lagok ng alak sa baso nito.
"Ano plano mo? Wala ka bang balak maghanap ng iba. Wala na si Max bro. You can't be happy living with her memories" payo ni Rick.
"I'm happy" mapaklang sagot ni Emmeth dito.
"Yeah I see that" sarkastikong sabi ni Rick.
"Don't mind me. I'm okay" pagsisinungaling ni Emmeth sa sarili. Ilang gabi ba siyang nagigising na umiiyak. Ilang gabi ba siyang nagigising na pangalan ni Max ang sinisigaw niya.
Hindi pa siya nakaka move on. Hindi niya alam kung kailan. O kung makakalimutan niya pa ba ang kaisa isang babae na minahal nya ng sobra. Kapag dumating ka pala sa puntong nagmahal ka ng totoo, at nawala sayo. Doon mo mararamdaman yung kakaibang sakit na kahit sa sarili mo ay hindi mo maipaliwanag. Sakit na para kang mawawala sa katinuan. Mahirap bumangon, mahirap mag umpisa, mahirap tanggapin. Makabangon ka man, may parte parin ng puso mo ang hindi na makukumpleto kahit kailanman.
"Sabi mo eh" tinapik ni Rick ang balikat ng kaibigan saka ito sinabayang uminom.
Alam ni Rick na hindi pa talaga nakakalimot ang kaibigang si Emmeth kaya nga hanggat kaya nila ay pilit nila itong isinasama sa mga lakad nila. Hindi man makalimot ng tuluyan, gusto lang nilang makitang muli ang dating Emmeth na kabarka nila. Seryoso pero may oras na nakikisabay sa kalokohan. Hindi katulad ngayon, laging tahimik at halatang palaging nag iisip. Natatakot din sila para dito. Depression can ruin a person. At sa nakikita nila dito, hindi pa ito nakakakawala sa mga alaala ni Max.
-
Brakely's residents...
"Wala pa si Emmeth tita" Pag aalala nina Mint at ni mommy Cynthia.
Kanina pa sila nag aabang sa pagdating nito. Pasado ala una na kasi ng umaga. Tinawagan ni mommy Cynthia si Mint dahil nag aalala na nga ito sa anak. Panay ang tawag nito sa number niya pero hindi naman sinasagot.
"Nasaan na ba yung batang yon? Ngayon lang uli nagpa umaga yon. Dati naiintindihan ko dahil alam kong nasa trabaho. Pero ngayon, maaga daw umalis sa trabaho at kasama yong mga kaibigan niya. Pero hindi ko din makontak sina Niel at Uno, kahit si Rick" Nilapitan ni Mint ang tita Cynthia niya at pilit na pinakakalma.
"Darating din yon tita, kalma lang po. Baka ma pano kayo kakaisip" hanggang sa marinig nila ang makina ng sasakyan nito.
At laglag ang balikat nilang dalawa nang makita nila itong inaalalayan nina Uno at Niel. Halatang lasing.
"Anong nangyari diyan?" Ang tanong agad ng nag aalangan mommy nito.
"Eh Pasensya na po tita. Ayaw paawat eh" paghinging paumanhin ni Niel.
"Kanina pa ako nag aalala. Pati cellphone hindi niya sinasagot" ani mommy Cynthia "pakidala niyo nalang sa kwarto niya at hindi namin kaya ni Mint buhatin yan" utos ng mommy ni Emmeth sa dalawa.
Nang maihiga na si Emmeth sa kama nito ay nagpaalam na din sina Niel at Uno.
"Kukuha lang ako ng pamunas para mahimasmasan yan...hay nako JZ" Bakas ang pag aalala sa tinig ni mommy Cynthia dahil sa muling paglalasing ng anak. Akala niya ay hindi na ito muling uuwi ng bahay sa ganoong huwisyo.
Pinagmasdan naman ni Mint ang lasing na lasing na si Emmeth. Hindi man niya ito kausapin, alam niya kung ano at sino ang dahilan ng pag inom nito. Ang ate Max niya. At naiintindihan niya dahil siya man ay hindi pa nakaka move on. Pero pinipilit niyang maging maayos ang buhay niya dahil sa kailangan niya.
Sino ba talaga sa amin ni Emmeth ang mas nasaktan at patuloy na nasasaktan sa pagkawala ni ate?
Ako ba na kakambal niya o si Emmeth sa mahal niya?
Meron bang mas?
At kailan ba sila parehong makakalimot?
Tinulungan na ni Mint ang tita Cynthia niya para mapunasan si Emmeth. Siya ang nag pupunas at ang tita Cynthia naman nito ay binihisan ang anak.
"Max" Ang mahinang ungol ni Emmeth.
Nagkatinginan sila ni mommy Cynthia at nakaramdam ng awa para kay Emmeth.
"Bakit Max? Bakit?"
"Mahal kita Max"
Ang paulit ulit na pagsasalita nito dala ng kalasingan.
"Hindi parin siya nakakalimot nak" Ang naiiyak an sambit ni mommy Cynthia.
Nilapitan ito ni Mint at niyakap.
"Hindi naman po kasi madali tita. Kahit ako, hindi parin nakakalimot. Pero alam ko, darating din ang panahon. At si Emmeth, makakalimot din siya. Huwag na po kayong mag aalala. Sigurado akong na mi-mis niya lang si ate kaya uminom ulit. Bukas, magiging okay na siya"
"Sana nga anak. Sana nga"
-
Habang nakahiga si Mint ay samut sari ang tumatakbo sa isipan niya. Una ay si Emmeth. Nag aalala siya na baka kung ano ang maisipan nitong gawin kapag hindi niya kinaya ang pangungulila sa kambal niya. Natatakot siya sa mga posibilidad at kung ano ang pwedeng mangyari sa tita Cynthia niya pag nagkataon.
Pangalawa ay si Colbie. Alam niyang nasaktan niya ito dahil sa nasabin niya kahapon. After kasi ng lunch nila na yon ay hindi niya na ito nakita.
Mali nga ba siya nang nasabi?
Or baka naman totoo ang sinabi niya at kunwari lang na nasaktan ito...and in that case, makokonsensya siya. Ako ang mag so-sorry and then...
Hay...
Ano ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon?
Okay na dapat di ba?
To be continued...
Old style updating...
Short but everyday...medyo mahirap kasi pag sobrang haba. Na de-drain ang gamunggo kong utak.
Unedited : if may napapansin kayong error....don't hesitate na pag sabihan si otor. Sure ako na marami yan. Kapag hindi kasi continues yung pag a-update ko, nagkakabutas yung flow ng story. So remind me okay. Salamat 😊