Kakayanin : part 60

594 63 36
                                    


Thursday night...

Bago maghiwalay sina Mint at Colbie after ng dinner date nila ay sinabihan na nito ang dalaga about his birthday. Just Just a simple celebration na gaganapin sa isang resto na pag aari ng family nila. He even asked Emmeth to come.

Ayaw sana ni Emmeth dahil mas gusto niyang ilaan ang oras sa paghahanap kay Max kaysa makipag saya sa iba. He's losing his patience sa tuwing wala siyang makuhang magandang balita sa mga tao niya at sa mga lakad niya.

Si Mint ay maagang dumating sa birthday party dahil maaga din siyang sinundo ni Colbie. She wear beige tube dress na hanggang tuhod ang haba. She just let her hair down, konting powder and lipstick.

Simple look pero nakapagpatulala kay Colbie ng makita ang dalaga. Sa araw araw na nakikita at nakakasama nito ang dalaga, palagi parin siyang namamangha sa taglay nitong simpleng ganda. Na kapag nag ayos ng bahagya, parang ibang tao ang kaharap niya. At masisisi ba niya ang sarili niya kung nagkakaroon siya ng insecurities lalo na kapag ganon ang itsura ni Mint. She's a head turner. Matangkad, maganda, simple pero malakas ang dating. Idagdag pa ang nakakatunaw nitong ngiti na una niyang napansin. And never forget, she's sexy kahit hindi ito pala suot ng over fitted dress. Her curves is still visible na minsan, gusto niyang itago. Yung siya lang ang makakapansin.

"Bakit ganiyan ang tingin mo sakin? Kanina pa ko naiilang" Ang pag sita ni Mint kay Colbie na hindi maalis alis ang titig sa muka ng dalaga. Nasa pinaka gitnang pwesto sila dahil si Colbie ang celebrant. Kasama nila ang iba pang guest nito na nakilala na ni Mint pagdating palang nila. Colbie's parents, cousins at ilang piling kaibigan. At ang pinsan ni Apple na si Liz. She looks nice. Palangiti at ma kwento.

"I can't help to stare the most beautiful woman I've ever met in my whole life. Can I keep you?" Ani Colbie.

"Ano?" Medyo malakas kasi ang music na nagmumula sa grupo ng musicians na naroon ng gabing yon.

Lumapit si Colbie saka bumulong sa dalaga and he smelled her perfume na nanunuot sa buong pagkatao niya. She smell like a baby.

"Sabi ko , can I keep you?"

Dumistansiya ng bahagya si Mint dahil sobrang lapît sa kaniya ni Colbie na halos para na siyang hahalikan. Hindi niya malaman kung naiilang ba siya or may kakaiba siyang nararamdaman sa sobrang lapit nila ni Colbie.

"At bakit?" She tried her best not to sound nervous.

"Baka kasi may makaagaw pa sayo. Kung alam mo lang kung gaano ka ganda" ang naging tugon ni Colbie na ikinainit ng pisngi niya.

Lumunok muna siya saka medyo patawang tumugon.

"Pagbibigyan na kita sa mga bola mo, birthday boy"

"Muka ba kong nagbibiro"

Hindi na alam ni Mint ang isasagot pa kay Colbie kaya laking pasasalamat niya ng matanawan nito sa entrance door si Emmeth.

Dumating si Emmeth sa party na medyo late na. Sinadya niya yon para sandali lang ang time niya na mag stay sa party ni Colbie. It's not that he don't like him, he's just not into that kind of gatherings kahit small group of people lang ang makakasalamuha niya. Changing his business attire to simple maroon jeans and striped sweat shirt.

"Kala ko hindi ka darating" sinalubong ni Mint si Emmeth kasunod si Colbie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kala ko hindi ka darating" sinalubong ni Mint si Emmeth kasunod si Colbie.

"I'm here now. Happy birthday Colbie" ani Emmeth saka nito inabot ang simple present na mommy pa niya ang bumili.

"Thanks for coming----let's get in" ani Colbie.

"Labag sa loob mo pag punta dito no" mahinang bulong ni Mint kay Emmeth.

"I just don't like parties. I'd rather stay at home or keep searching" sagot ni Emmeth saka naupo sa upuan na tinuro ni Mint.

"Minsan lang naman to. Saka nakakahiya kay Colbie kung hindi ka pupunta. He's helping us right?" Pag sita ni Mint.

"I know. That's why I'm here"

"Hey everyone" Si Liz.

Minostra ni Colbie na maupo si Liz sa tabi niya dahil katabi ni Mint si Emmeth.

"Emmeth, this is Liz, Apple's cousin. Liz, si Emmeth" pakilala ni Colbie.

"Hi Emmeth" inilahad ni Liz ang kamay na tinanggap naman ni Emmeth.

"Hi" Ang maikling tugon ni Emmeth saka muling ibinaling ang atensyon sa cellphone nito. Kausap kasi nito through text ang mga tao niya pati ang PI na naghahanap kay Max.

Kainan at kwentuhan. Everyone looks happy pero hindi si Emmeth. Na kay Max parin ang isip niya. Kung kailan niya ito muling makikita at makakasama. Marami na silang naghahanap pero wala parin silang makuhang impormasyon.

Maya maya ay pumailanlang ang isang sweet music. Inaya ni Colbie na magsayaw si Mint kaya naiwan sina Emmeth at Liz. May iba ding nagsayaw kaya may kasama nina Colbie at Mint sa dance floor.

Panay ang pasimpleng sulyap ni Liz sa walang imik na si Emmeth. Simula nang makita niya ito pagpasok palang sa entrance ay nakuha na agad nito ang atensyon niya. Gwapo si Colbie pero mas gwapo si Emmeth. Gwapo in any angle kahit hindi ito ngumingiti. Well----medyo, pag kausap nito si Mint. Buti nalang at may Colbie nang bumabakod kay Mint.

"Ahm Emmeth, gusto mo ng drinks?" narinig ni Emmeth na parang kinakausap siya ni Liz kaya nilingon niya ito.

"You saying something?" tanong pa ni Emmeth.

"Sabi ko kung gusto mo ng drinks?" Ulit ni Liz.

"No I'm okay" Ang maikling tugon ni Emmeth saka muling ibinalik ang atensyon sa cellphone nito.

Wala naman itong ka text or ka tawagan.

Ang ginagawa niya lang naman ay isa isang tinitingnan ang mga larawan ni Max sa gallery niya. Puro stolen shots na siya mismo ang kumukuha.

Nauna na siyang nagpaalam kina Colbie at Mint since he's really not enjoying the party.

Hindi siya sa bahay nila ng nag tuloy. Imbes ay sa dating bahay nila ni Max. Their home na matagal niyang hindi na puntahan dahil naaalala niya lang lalo si Max. Pero ngayon , may reason na siya para muling balikan ang bahay na yon. 

Dahil alam niya, nararamdaman niya. Na isang araw, muli siyang babalik sa bahay na yon kasama si Max. And this time, mahal na nila ang isat isa.

To be continued...

We know what our heart wants? The question is...does the person we wanted to be with felt the same?

Paano kung hindi pala...tipong one sided love.

Dumarami na ang #Colmint

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon