"Ikaw" itinuro nito si Colbie "Hindi ko alam kung manhid ka ba o sadyang binabalewala mo ako. Pero tang*** Colbie. Ang tagal kitang minahal. Ang sakit para sa akin na makita kang masaya kasama si Apple. Ako ang una mong naging kaibigan, tayo ang close. Nakilala mo lang si Apple, nakalimutan mo na ko. Nagsisisi ako kung bakit ipinakilala ko pa siya sayo. Noong umalis siya, akala ko makakalimutan mo na siya. Na ako na ang mapapansin mo. Pero ano Colbie, wala eh. Kahit anong gawin ko para lang mapansin mo, wala lang sayo. Hindi ko alam kung ano ang mali sakin, kung pangit ba ko o kung ano dahil hindi mo man lang mapansin na lahat ng ginagawa ko noon para sayo, yung pag aalala ko sayo, hindi lang yon bilang isang kaibigan, mahal kita Colbie. Noong nawala si Apple, umasa muli ako. Pero wala parin, ni kaunting pag asa na mahalin mo ko, hindi ko yon makita. Hanggang sa dumating si Mint sa buhay mo. Ni hindi mo man lang naramdaman na nasasaktan ako" at nakita ko ang pangongilid ng luha nito "Tinanggap ko nalang sa sarili ko na siguro nga hindi mo ko kayang mahalin. Hanggang sa nakilala ko si Emmeth. Unang kita ko palang sayo Emmeth gusto na kita. Masama na kung masama pero sa pagkakataong to, gusto kong maging akin ka. Na mahalin mo ko. Kaya ginawa ko ang lahat para lang mapalapit sayo. Kahit pa alam kong may mahal ka na. Inisip ko pa na sana hindi mo matagpuan si Max. Pero ano, hayan na siya. Inagaw muli sa akin ang taong mahal ko. Bakit ba hindi niyo ko kayang mahalin? Bakit ba lagi akong may kaagaw? May mali ba sakin ha? May mali ba sakin?" Ang umiiyak na pahayag ni Liz.Babae ako...at nakaramdam ako ng habag para dito.
Pero sa tuwing sasagi sa isip ko ang panloloko niya makuha lang si Emmeth...Mas nangingibabaw ang galit ko.
"Liz, you can't force someone to love you. It takes both. Hindi pwedeng ikaw lang. Alam mong may mahal na ko, at alam mo kung gaano ko kamahal si Max. What you did, yung panloloko mo kay Max, it's unacceptable" ani Emmeth.
"Fine. Nagpanggap ako bilang si Hope. And you'll already know. So what do you what me to do----lumayo?" tanong ni Liz.
"Iyon naman ang dapat di ba" sambit ni Mint.
"Huwag mo na sanang guluhin pa ang relasyon nina Max at Emmeth. Marami na silang pinagdaanan, you can find someone better Liz" Ang payo naman ni Vien.
"I wish I could do that" Ang sagot ni Liz na nag dulot na sa akin ng kaba.
Kaba na maaring totoong buntis ito at si Emmeth ang ama.
"At bakit hindi?" Tanong ni Colbie.
"Hindi ko papayagan na isilang ang anak ko na walang ama" mariing sagot ni Liz.
Ang sagot nitong akala ko'y napaghandaan ko na...pero hindi pa pala. Para iyong kutsilyong tumarak sa buong pagkatao ko sa pangalawang pagkakataon. Nasasaktan kahit walang sugat.
"And how sure are you na si Emmeth ang ama niyan?" tanong ni Mint.
Hindi na ako nag salita pa. Parang unti unting nauupos ang tibay ko. Ang katotohanang magkaka anak na si Emmeth kay Liz, paano ko masisiguradong ako ang pipiliin ni Emmeth at hindi ang anak nito. Anak yon, at kahit sinong magulang, mas matimbang ang anak sa kahit sino o anuman.
"Dahil siya lang ang nakagalaw sa akin at wala nang iba pa" sagot ni Liz.
"Paano kami makakasigurong buntis ka talaga at hindi isa na namang panloloko? " Paninigurado ni Emmeth.
"Then see for yourself" sabay may kinuha si Liz sa bag nito.
Isang puting sobre.
Kahit hindi ko yon makita ng malapitan, parang alam ko na kung ano yon. Unti unti akong napaupo sa upuan at nag umpisang mangilid ang mga luha ko.
"Ate" Ang mabilis na pag lapit sa akin ni Mint at pagyakap nito.
"You can fake it Liz. I won't buy it" ani Emmeth.
"Then go with me para makilala mo ang OB ko" paghahamon ni Liz.
Nilapitan na din ako nina Vien, Cheska at Katelyn na pilit na pinapagaan ang loob ko.
"Sabihin na nating buntis ka at ako nga ang ama ng batang yan. What are you expecting me to do? Na iiwan ko si Max. That won't happened. I'll give what the child needs, that's all" sagot ni Emmeth.
Nakikinig nalang akong sa palitan nila ng salita habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko.
"No Emmeth. Kailangan ka namin ng anak mo. This baby needs a father. At kung hindi mo kami pipiliin, ipapalaglag ko ang anak mo" at iyon na ang ikinakatakot ko. Ang gamitin nito ang anak niya laban kay Emmeth. Para mapasunod ito.
Tumingin sa akin si Emmeth na tila ba humihingi ng tulong. Tulong na ni hindi ko din alam kung paano dahil gulong gulo na ako sa nangyayari.
Tumayo ako, tumakbo at mabilis na nilisan ang lugar na yon na hilam ang mga mata sa luha.
Bakit ka tumatakbo Max?
Bakit mo siya iiwan sa babaeng yon?
Isusuko mo na ba siya?
Hahayaan mo na bang maagaw ni Liz sa iyo ang lalaking mahal mo?
Akala ko ba ipaglalaban mo siya.
Akala ko ba hindi mo kayang mawala siya.
Akala ko ba matapang ka.
Bakit ka tumatakbo?
Tatalikuran mo na naman ba ang problema Max?
Samut sari ang tumatakbo sa isipan ko habang patuloy sa lakad takbo na ginagawa ko makalayo lang sa lugar na yon.
Mahirap ang sitwasyon ni Emmeth.
Ako o ang magiging mag ina niya?
Ano ang laban ko sa kanila?
Ano?
To be continued...
Takbo lang...hanggang sa mapagod ka. Pero pagkatapos niyan, harapin mo na.
