Seriously guys...tawang tawa ako sa mga comments niyo...ganyan na ganyan din kayo noon eh...Kay Red at Zack...sa una galit na galit halos isumpa niyo na...
Pero in the end...bumigay di kayo 😂😂😂 mga marurupok 😂
"You're not a cat, remember that" sabay abot ni Buddy ng gamot kay Max.
Naaalala ni Max ng malinaw sa isip niya ang nangyari. Kung paanong nawala siya sa focus hanggang sa makita nalang niya ang motorsiklo niya sa bandang unahan niya, habang patuloy parin ang pag ikot ng mga gulong nito. Kasunod noon ay ang paglapit ng ibang taong naroroon para tulungan siya. Hindi naman malala ang inabot niya, pero bugbog ang katawan niya sa lakas ng pagkakabangga niya sa barrier.
"Tssk. Pumunta ka ba dito para sermunan ako" inagaw ko dito ang gamot na nasa kamay nito.
"I am, stubborn. I'm offering you a job but you're still refusing. You really love to put your life at risk huh"
"Kulit nito. Sabi ng ayaw ko. Mas gusto ko to---exciting" pagsisinungaling ko.
"And it was exciting for you if you knew you're gonna die any moment" patuloy na sermon nito.
"I'm not. Malakas ako kay Lord. Tara na, uwi na tayo" sabay tayo mula sa kama ng hospital.
"There's no release order yet" pagpigil nito.
"Then I'm gonna tell them okay. Ayos na ko, buhay, nakakalakad. Tara na" staying there means money. Natalo na ko sa race, magbabayad pa sa hospital dahil sa kaunting bugbog. No way.
-
Sunday
"Mint, nasan yun mga reseta ng gamot mo?" nag gagayak na ako para pumunta sa Infinity Club.
"Wag ka nang bumili ate" sagot nito mula sa kwarto nito.
"Hay nako. Ayan ka na naman. Nasan ba ako na nga" binuksan ko ang cabinet nito at naramdaman ko ang pagpigil sa akin ni Mint "Bakit? " sabay lingon ko dito.
"Ano---ako nalang ang hahanap" Pilit ako niyong hinihila palayo ng cabinet niya.
Lumayo ako ng bahagya nang isara nitong muli ang cabinet niya. Lumapit ito sa maliit na cabinet at kinuha doon ang ilang piraso ng papel.
At kinuha ko ang pagkakataon na yon para malaman ang itinatago nito.
Mabilis kong binuksan ang cabinet nito at nakita doon ang isang pumpon ng rosas.
"Ate----
Hinarap ko ito nang may pagtataka.
"Anong ibig sabihin nito?" Kinuha ko ang mga rosas na yon. Sariwa pa, ibig sabihin. Bago lang iyon.
"Ate----
"Kanino galing yan?" Sunod na tanong ko.
Hindi ito sumagot at yumuko nalang.
"Sasagot ka o aalamin ko sa Uni kung kanino galing yan" Medyo lumalakas na ang boses ko ng mga sandaling yon. Akala ko nakinig siya sakin...hindi pala.
"Kay Emmeth ate" nabitawan ko ang mga rosas sa sahig.
"Kay Emmeth?----Mint, may usapan na tayo di ba? Ano to?" Pag uusisa ko dito.
"Oo ate. Alam ko. Umiwas ako, kahit hindi iyon ang gusto ko. Pero siya ang lumapit at ibinigay yan sakin. Ate---hindi ko kayang layuan si Emmeth. Mahal ko na siya" napaupo ako sa gilid ng higaan nito sapo sapo ang ulo ko.
