Maagang gumising si JZ para pumasok sa school."Ang aga ng baby ko ah. Himala" puna ni mommy Cynthia.
"Ayaw mo ba mom?" humalik ito sa pisngi ng ina.
"Nagtataka lang ako. Anyways, maupo ka na para makapag breakfast ka" utos nito.
"Bread nalang mom. May gagawin kasi ako sa school. Bye mom" saka mabilis na lumabas ng bahay si JZ.
Hindi para maagang makapunta sa school, kundi sa bahay nila Mint at Max.
Malalaman ko din dahilan kung bakit itinatago mo ang pagkatao mo Max? Kung ano ang meron sa inyo ni Mint.
Saktong pagdating niya sa lugar ay inilalabas na ni Max ang motorsiklo nito para pumunta sa university.
"Ate"
"Oh bakit bumangon kana. Maaga pa" itinayo ni Max ang motorsiklo nito sa gilid ng kalsada saka binalikan ang kapatid na palabas ng pinto.
"Magpapa araw lang. Kamusta ka sa Uni?" tugon ni Mint.
"Okay lang. Huwag kang lalayo ha. Bumalik ka agad sa loob after twenty minutes" bilin ni Max saka niyakap ang kapatid.
"Yes ate. Sige na baka ma late ka pa. Ingat ate love you" humalik ito sa pisngi ng kapatid.
"Mas mahal kita. Mag iingat ka sa pag kilos kilos mo ha. Hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam mo. Yung mga gamot mo ha huwag mong kakalimutan. Darating na din si nanay Pinang para may makasama ka. Huwag pasaway" dagdag pa ni Max.
"Opo na. Sa araw araw na iyan ang sinasabi mo, memorize ko na kahit tulog ako" natatawang sagot ni Mint.
Ginulo ni Max ang buhok ng kapatid.
"Sige na. Ba bye" humalik ito sa pisngi ng kapatid saka tinungo ang motorsiklo nito.
So you're twins...bulong ni JZ sa isip niya. Dahil ngayon, kitang kita niya na ang lahat. Wala silang pagkakaiba. Mula sa buhok, pangangatawan, sa kutis. Kung hindi sila magsasalita, hindi mo malalaman kung sino si Mint at Max. Iyon lang ang pagkakaiba nila.
-
Pagdating ni Max sa university, inihanda niya na muli ang sarili bilang si Mint.
Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang may makaalam na magkapatid sila. Na kambal sila.
Two years ago...
After mawala ng mga magulang nila. Nagbago ang buhay nilang magkapatid. Nasa second year college na noon si Max ganoon din si Mint. Pero may kaibahan. Si Max, pumapasok sa university pero si Mint, home school.
Thirteen years old si Mint nang makitaan ng tumor sa utak. Kaya ibinuhos ng mga magulang nila ang lahat ng oras at pera nila para maipagamot ito sa specialist. Nawala ito and they thought na okay na lahat. Pero hindi lang iyon ang kalagayan ni Mint na iniisip ng mga magulang nila. Mahina din ang puso nito. Kaya bawal itong mapagod, kahit ang magtrabaho sa bahay ay ipinag bawal sa kaniya. Kaya para makaiwas sa magbibigat na gawain sa school noon, pinili ng mga magulang nila na mag home school nalang ito kahit medyo malaki ang bayad dahil mas safe para sa kaniya at mas mababantayan siya. Hindi sila mayaman. Sakto lang para magkaroon ng maayos na pamumuhay. Palipat lipat sila ng lugar, na hindi niya maintindihan noon. Sabi lang ng papa nila, dahil sa trabaho niya. Isa itong sales consultant kaya kung saan siya ma destino, kasama sila. Ang mama nila, simpleng may bahay pero gumagawa ng paraan para matulungan si papa. Nag o-inline selling. Buy and sell ng kung ano ano. Ang alam namin, hindi nakapag tapos ng college si mama. Si papa naman, undergraduate. Kaya hindi makakuha ng maayos na trabaho si papa. Pero napaka responsable nito at mapag mahal. Ganoon din si mama. Kaya napasakit para sa kanilang magkapatid ang pagkawala nito. Nawala ang mga magulang nila ng biglaan. Isang aksidente ang kumitil ng buhay ng mga ito. Nasa byahe ang mga magulang nila pauwi sana ng bahay. Sa hindi inaasahang pangyayari, bumangga ang sinasakyan ng mga ito para makaiwas sa isa pang sasakyan na makakasalubong nito. Hindi na umabot pa sa hospital ang mga ito. Ang kaunting pera na naiwan sa kanila ang ginamit nilang magkapatid para mag simula. Pero alam ni Max na hindi iyon sapat. May maintenance ang kambal niya na hindi pwedeng maisantabi. Kaya kahit gusto niyang makatapos ng college noon, pinili niyang huminto nalang. Pangarap ng kapatid ni Mint ang makapag tapos ng college kaya hinayaan ni Max na magpatuloy ito sa pag aaral. Kapalit nang patigil niya sa pag aaral ay ang pag hahanap buhay. Dahil hindi tapos ng kolehiyo, kung ano anong trabaho ang pinasukan niya para kumita. Kahit ano basta lang may ma ipang bili siya ng pangangailangan nila at ang mga gamot ni Mint na higit na mahalaga.