Kakayanin : part 41

739 78 46
                                    


Habang nasa byahe sila pauwi ng bahay nila Emmeth ay nakausap na ni Mint ang tita Cynthia niya through text.

Iyon lang ang naisip na paraan ni Mint. She thought, baka umubra. And tama siya. Dahil nakita niya ang pag aalala sa muka ni Emmeth.

"Mom" Mabilis na nanakbo papasok ng bahay si Emmeth papunta sa kwarto ng ina. Nakasunod lang si Mint at ipinakita niyang nag aalala din siya.

Pagkapasok sa loob ng kwarto ay inabutan nilang nakahiga ang mommy nito, tulad ng napag usapan nila.

"Mom----what happened?" Alalang tanong ni Emmeth sa ina. Tumingin muna si mommy Cynthia kay Mint at ng kumindat si Mint ay nakuha ng ginang ang gusto nitong ipahiwatig.

"Wala. Okay lang ako" sagot ni mommy Cynthia sa anak.

"You're not okay. Look at you, I'm sorry mom. I'm really sorry" yumakap si Emmeth sa ina knowing na siya ang may kasalanan kung bakit may nangyari dito.

"It's okay anak. Naiintindihan ko" hinaplos ni mommy Cynthia ang buhok ng anak. At naaawa siya sa itsura nito. Payat, mahaba ang buhok. Yung mukang napabayaan talaga ang sarili niya.

"I'm sorry. Promise, aayusin ko na ang sarili ko. I'm really sorry " patuloy na paghingi nito ng paumanhin sa ina.

"Makita ko lang na bumalik ka. Okay na ako anak" Totoo sa loob na sambit ni mommy Cynthia. Bilang isang ina, balewala kahit anong problem o kahit magkasakit ka pa. Pero ang makita mo ang sarili mong anak na nahihirapan,  mas doble yon sa mararamdaman niya.

-

Nasa kwarto si Emmeth at naligo habang magka usap sina mommy Cynthia at Mint.

"Salamat Mint ha" naluluhang pasasalamat ng ginang kay Mint dahil sa naisip nito.

"Wala po yon tita. Naisip ko lang po kasi, kahit anong pakiusap niyo, ng mga kaibigan niya, wala eh. Para na siyang manhid. Kaya naisip ko, what if gamitin ko kayo. Na gumawa ako ng kwento, baka sakali, ibangon niya ang sarili niya. At sa nakita kong pag aalala niya sa inyo, tama lang ang naisip ko. Kita niyo, umuwi agad siya"

Ngumiti si mommy Cynthia kay Mint at saka niyakap ito "maraming salamat talaga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kaniya. Pinanghihinaan na nga ako ng loob. Akala ko, mawawala siya sa katinuan dahil sa pagkawala ni Max"

"Naiintindihan ko po. Mahirap naman po talaga ang mawalan ng isang mahal sa buhay. At sa nakita ko, mahal na mahal niya si ate Max. Sana nga lang hindi na nangyari to. Baka ngayon, masaya na silang dalawa" muling bumalik ang lungkot sa pagkawala ni Max.

"May dahilan ang lahat Mint. Sa ngayon, hindi pa natin alam. Pero balang araw, masasagot din ang lahat kung bakit kinailangan niyang mawala sa atin"

-

Day after. Bumisita si Emmeth sa salon kasama ang mga kaibigan. Slowly, unti unti niyang ibinabangon ang sarili sa pagkawala ni Max. He's back on track pero hindi na katulad ng dati. Like he's living because he had to. Para sa pamilya niya. Unlike noong kasama niya si Max. Masaya siya kahit napapagod sa daily routine na ihahatid ito at susunduin kahit pa ang layo ng kailangan niyang ibiyahe. Nawala ang dahilan ng mga pangarap niya. Ang dahilan kung bakit nagsisikap siya.

"Malalim na naman ang iniisip mo" May pag aalalang sambit ni Rick.

Tinapik ng mga kaibigan si Emmeth sa balikat. No words but Emmeth felt the concern from his friends. And he's sorry dahil pati ang mga ito, naapektuhan din dahil sa pinagdadaanan niya.

"I'm sorry. I'm trying but it's not easy" ani Emmeth.

"We understand bro. Don't worry. We're here okay" Si Niel.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon