Kakayanin : part 02

1.8K 128 79
                                    


"Ate, saan lakad mo?" tanong ni
Marionette sa ate Max niya. Nakabihis kasi ito ng pang karera. Alam niya naman kung saan talaga ito pupunta, pero hiling niya, na sana hindi ito tumuloy sa lakad nito. Ito na ang tumayong nanay at tatay niya simula ng mamatay ang mga magulang nila.

"Diyan lang" maikling tugon nito habang sinusuot ang sapatos niya.

Tumabi dito si Marionette ( Mint ) saka hinawakan ang braso nito "natatakot ako sa tuwing umaalis ka ate" batid niyang buwis buhay ang mga ginagawa nito pag umaalis ng bahay. Lahat para sa kaniya. Sa kanila para mabuhay. Noon ay hindi niya alam ang mga ginagawa nito, pero sa kagustuhan niyang malaman ang totoo, sinundan niya ito at nasagot ang lahat ng nasa sa isip niya. Ang trabaho nito na noon ay ipinag kakaila niya. Ang sabi nito ay nagtatrabaho siya sa mall. Pero hindi pala.

Inakbayan siya nito saka huminga ng malalim "Wala ka bang tiwala sa ate mo?"

"Meron. Pero natatakot ako. Paano kung----

Tinakpan nito ang bibig ni Mint. "Huwag kung ano ano ang iniisip. Matagal ko nang ginagawa ito. At awa ng Diyos. Heto parin ako. Buhay at kasama mo. Hindi NIYA tayo papabayaan. At hindi NIYA ako hahayaang mawala sayo. Hinding hindi kita iiwan---okay" pagpapalakas nito ng loob niya.

"Kung bakit kasi---

"Stop. Basta ipag pray mo na manalo ako. Dahil pag nanalo ako, lalabas tayo. At mabibili natin ang mga kailangan mo"

"Ikaw ang kailangan ko ate" Tila naiiyak na sambit ni Mint.

"Alam ko. Pero mas kailangan mo ng perang mapapanalunan ko. Basta tatandaan mo lahat ng mga bilin ko ha. Huwag kang mag papasok ng kahit sino. Maaga akong uuwi. Gumayak ka na din dahil first day mo sa bagong school mo. Buti nakahabol pa tayo kahit isang buwan ng nag start ang pasukan"

"Oo nga eh. Sige gagayak na ako. Isasabay mo ba ko?" Tanong pa ni Mint bago ito tuluyang pumasok sa kwarto.

"Alam mong never kitang hindi hinatid sa school" nakangiting tugon nito.

"I love you ate" Matamis ang ngiting tugon nito saka tuluyang pumasok sa kwarto.

Batid ni Max na palaging nag aalala sa kaniya ang kapatid niya. Pero mas mag aalala siya kung wala siyang pera. Mas higit niya yong kailangan para sa kapatid niya, sa kanila. Natatakot din siya sa mga ginagawa niya. Pero wala siyang choice. Magka trabaho man siya ng sa katulad na mga normal na nagtatrabaho na alam niya, hindi sapat yon. Kulang na kulang. At kahit bunuuin niya pa ang buong taon, hindi niya kikitain ang perang nakukuha niya pag nananalo siya sa karera. Buwis buhay. Pero okay lang. Alam niyang hindi siya papabayaan ng mga magulang nila at ng Diyos. Labag man minsan sa batas ang ginagawa niya, nag papasalamat nalang siya at hanggang ngayon, hindi pa naman niya nararanasan ang mahuli.

Kahit anong raket pinapasok niya wag lang pagtutulak ng droga. Gipit sila sa pera Oo, pero hinding hindi niya papasukin ang ganoong trabaho.

Hindi na baleng kumain kayo na ang ulam ay asin, basta alam niyong hindi kayo gumagawa ng masama. Hindi baleng mahirapan, huwag lang kayong magpapa tangay sa isang gawain na kikita kayo ng malaki, pero kalahati ng paa niyo, nasa hukay. Prinsipyo, malinis na konsensya. Yan ang huwag niyong hahayaang mawala sa inyo...

Yon ang hindi niya hinahayaang mawala sa kaniya katulad ng palaging bilin ng mama niya noong nabubuhay pa ito. Kung hindi lang sana sila maagang nawala, hindi siguro ganito ang buhay niya. Ang buhay nila. Lahat ng pagsubok,dinanas na nila. Lalo na siya. Minsan, naiisip niya nang sumuko. Pero sa tuwing maalala niya ang kapatid niya, pinipilit niyang lumaban. Ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob. Ng inspirasyon. Dahil kay Mint kaya matatag siya.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon