The time that was given to them to raise funds was ended. But not the basketball league.
Kaya after a week, pinagsama sama na nila ang mga napagbentahan nila ng kung ano ano at yung mga nakolekta din nila sa mga nag perform. Kumita sila ng almost fifty thousand yon ay dahil sa mga paintings na naibenta nila na mdeyo mataas taas na price.
Makikipagkita sila Mint, JZ at Katelyn, kasama ang school director na si Mrs. Hana sa nasabing Korean businessman para ibigay sa kung sino man ang mapipili nitong maswerteng university.
Sunday ay aakyat sila papuntang Baguio. Doon napag kasunduan na kikitain sila ng Korean businessman. Sagot narin nito ang hotel kung saan sila tutuloy pansamantala.
Nagpaalam si Mint sa ate niya na nung una ay hindi siya pinayagan. Pero nakumbinsi niya ito ng sabihin niyang kasama ang school director sa pag alis nila.
Two days and one night sila mag stay sa Baguio dahil medyo may kalayuan din naman ang byahe.
Isang van ang sasakyan nila na pag mamay-ari ni Mrs. Hana. Sa school ang meet up at exact four am. Sunday night kasi magaganap ang event.
Inihatid ni Max ang kapatid sa unibersidad ng alas tres y' media ng madaling araw.
"Dala mo ba lahat ng kailangan mo?" Sinamahan muna ni Max ang kapatid dahil wala pa ang ibang kasamahan nito.
"Oo ate, salamat talaga ha, kasi pinayagan mo ko"
"Alam mo kung bakit kita pinayagan. Basta ipangako mong aalagaan mo ang sarili mo. Wala ako don kaya mag iingat ka" mga paalala pa nito sa kapatid.
"Oo ate. Huwag kang mag alala. Mag iingat ako" humalik ito sa ate niya saka yumakap ng mahigpit. Batid ni Mint na labag sa loob ng kapatid ang pagpayag sa mga kahilingan niya. Pinagbibigyan lang siya nito, dahil alam niya kung gaano siya kamahal a ng ate Max niya.
After few minutes ay dumating si Katelyn sakay ng isang kotse. Hanggang sa dumating na din si JZ. Inihatid lang din ang mga ito at saka iniwan.
Kasunod narin nito ang van na sasakyan nila kasama si Mrs. Hana.
"O pano, aalis nako"
"Sige ate, salamat----ingat sa pag maneho"
-
Seating arrangement----Katelyn katabi ang school director sa bandang unahan. At sa likuran naman sina JZ at Mint.
"You can sleep habang nasa byahe. Malayo pa naman ang pupuntahan natin" sabi ni Mrs. Hana sa tatlo.
Sumandig si Mint sa bintana ng van habang nasa biyahe. Naka earphones naman si JZ at nakikinig ng music. Habang si Katelyn, patuloy na nakikiramdam sa dalawang nasa likuran.
Pati ba naman sa van, siya parin ang katabi!...himutok nito.
After an hour, nakaramdam ng antok si Mint. Umayos ito ng upo at muling sumandig sa bintana ng van para umidlip.
And JZ notice that. Nang malalim na ng tulog ni Mint, ipinatong niya ang ulo ng dalaga sa balikat niya para mas makatulog ito ng maayos. The director provided some pillows for them for the trip.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.